Pauleen Luna declares she’s 101 percent happy: "Now that everything is okay, all the more na mas masaya.”

Pauleen Luna praises Rhian Ramos and Glaiza de Castro for the characterization of their roles in The Rich Man’s Daughter, “Unang labas pa lang nila, yun na nakita namin ang preview, kinikilabutan ako... malakas lang talaga ang chemistry nilang dalawa, nakakabilib.”


Nabanggit ni Pauleen Luna na ayaw raw magpunta ng boyfriend niyang si Vic Sotto sa taping ng The Rich Man’s Daughter (TRMD)dahil nandoon daw kasi ang “asawa” niya.

Unhappy wife ang papel ni Pauleen bilang si Pearl sa teleserye.

Hindi pa naman daw niya nararanasan sa kahit anong relasyon na pinasok niya na pinangatawanan niya ito kahit na hindi siya masaya.

“Palagi naman akong happy,” sabi niya, "siguro at one point.

"Pero hindi naman yung todo na you already forget about yourself at nawawala na ang respeto mo sa sarili mo.”

Gaano siya kasaya ngayon?

“Extremely,” mabilis niyang sagot.

Sa 100 percent, nasaan ang happiness niya?

“101 percent,” natawang sagot niya.

“Wala lang, para may masabi lang, para mapa-wow lang kayo,” natatawang sabi pa niya.

Dugtong din niya, “Ako naman kasi, generally, I’m a very happy person.

“With problem, without problem, happy naman talaga 'ko.

“Or at least, I tried to be happy or I look for things that make me happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So now that everything is okay, e di all the more na mas masaya.”

Nakausap si Pauleen ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng The Rich Man’s Daughter sa Mega Tent noong Miyerkules, June 24.

PRAISEWORTHY. Kinikilig daw ang aktres sa loveteam nina Althea at Jade na ginagampanan nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos sa TRMD.

“Actually, noong presscon pa lang, sabi ko nga, artista ba 'ko?” natawa niyang sabi.

“Unang labas pa lang nila yun na nakita namin ang preview, kinikilabutan ako, bakit ako kinikilig? May chance!” biro niya.

“Pero hindi, malakas lang talaga ang chemistry nilang dalawa, nakakabilib.”

Kung sakali, gusto niyang ang dalawa nga ang magkatuluyan?

“Si Jade at si Althea, ha, hindi sina Rhian at si Glaiza,” pagtatama pa niya.

“As Pauleen Luna, gusto ko talaga sila Jade at Althea.

"Pero as Pearl, I think, gusto kong makatuluyan ni Jade si David.”

Sa totoong buhay, hindi raw talaga niya naranasan na niligawan ng isang tomboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “May mga friends ako na butch. Meron din akong mga friends na lipstick.”

Kung “butch” ang ibinigay na karakter sa kanya sa TRMD sa halip na si Pearl, tatanggapin niya?

“Masaya, pero hindi ko lang alam kung kaya kong magpagupit katulad ng kay Chynna [Ortaleza]. Kasi si Chynna, career, e.”

MARTYRDOM. Sa TRMD, pagkatapos malaman ng karakter ni Pauleen na pinakasalan lang siya ni TJ Trinidad bilang si Gabriel dahil sa pamilya at may iba itong mahal, pinaninindigan pa rin niya ang kanilang kasal.

“Ayaw niya talagang bumitaw!” bulalas ni Pauleen sa pagpapaka-martyr ng karakter niya sa teleserye.

“Mahal naman kasi ni Pearl si Gabriel,” sabi pa niya. “Honest-to-goodness na pagmamahal talaga na pinakasalan niya,

“Never that she expected na napilitan lang pala si Gabriel because of the family.”

Natawa naman si Pauleen nang tanungin namin kung sa totoong buhay kaya, magiging ganoon din siya kapag nag-asawa na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako sure,” natawang sabi niya.

“I’ll cross the bridge when I get there,” sabi pa niya.

“Pero mahirap ang posisyon niya, e. She’s unhappy pero gusto niyang panindigan ang marriage.

“Ginagawa niya ang lahat, but at the end of the day, she’s very unhappy.

“They’re both unhappy, parang mahirap. I’ll cross the bridge when I get there.”



COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close