Marian Rivera enjoying her pregnancy: "Walang dahilan para ma-depress ako."

Kumpara sa karaniwang nararanasan ng mga buntis, hindi raw nakaranas ng mga ganitong sintomas si Marian Rivera. Sabi nga niya, “Hindi ko alam kung bakit, pero salungat ako sa lahat. Tapos yung skin ko, hindi nagbi-break. Sabi nila kapag buntis daw, umiitim ang kili-kili. Hindi ko alam kung dahil five months lang ako kaya walang nangyayaring development pa or walang discoloration. Pero so far, dyusko, wala pa naman.”


Kumpara sa mga karaniwang nagbubuntis, hindi raw nararamdaman ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang mga kadalasang pinagdadaanan ng isang buntis.

Kabilang na rito ang pagkalagas ng buhok ng karamihan ng mga nagbubuntis.

Ngunit sa kaso raw ni Marian, “To be honest, mas kumapal ang buhok ko. Weird talaga.”

Dagdag pa niya, “Hindi ba, sabi nila, kapag nagluluto, naggigisa ng bawang, ayaw ng mga buntis kasi yung amoy?

“Ako, gusto ko yun, kasi nagluluto pa rin ako.

“Sa hair, hindi ako naglalagas, mas kumapal.

“Hindi ko alam kung bakit, pero salungat ako sa lahat.

“Tapos yung skin ko, hindi nagbi-break.

“Sabi nila kapag buntis daw, umiitim ang kili-kili.

“Hindi ko alam kung dahil five months lang ako kaya walang nangyayaring development pa or walang discoloration.

“Pero so far, dyusko, wala pa naman.”

Baka naman ang mister niyang si Dingdong Dantes ang nakaranas ng paglilihi?

“Hindi ko alam, kasi yung mga tira ko, kinakain niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung kinakain ko, kinakain niya.

“Noong una, siguro isa o dalawang buwan akong buntis, sinasabi ko sa kanya na, ‘Huwag kang makiki-share sa akin kasi aantukin ka raw.’

“Naku, hindi totoo ‘yang pamahiin!

“Ayun, ang ending, five minutes siguro, tulog siya palagi!”

MOOD SWINGS. Pero sa pag-uugali at pananaw niya sa buhay, may pagbabago ba?

“Oo naman,” nakangiting sabi ni Marian.

“Kasi ngayon, ang iintindihin ko, yung magiging anak ko, sarili ko, pamilya ko, especially sa asawa ko.

“Yun talaga ang focus ko.”

Hindi siya nagbabagu-bago ng emosyon?

“Sabi nila may ganun, pero siguro naniniwala ako dahil siguro… depende sa pagdadala mo ng pagbubuntis.

“Una sa lahat, pangarap ko talagang mabuntis at pangarap ko talagang magkaroon ng anak.

“So, walang dahilan para ma-depress ako.

“Kung nawalan man ako ng trabaho, suwerte pa rin ako dahil ang dami kong sinu-shoot.

“May mga guesting ako, especially may mga endorsements pa rin naman diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, okey na yun na pasulpot-sulpot na guesting.

“Parang wala naman akong naranasan, kasi supportive naman ang asawa ko, family nila Dong, especially yung lola ko at mama ko.

“Wala, mall lang ako nang mall. Gala ako nang gala.”

Pero kahit palagi raw siyang gumagala sa mall, hindi pa siya namimili ng gamit ng baby nila.

Katuwiran ni Marian, “Bawal pa raw, e.

“November ako manganganak, baka end of September or first week of October.

“Pero nagwi-window shopping na ako.”

Kahit nabawasan na ang trabaho ni Marian ay may mga ginagawa pa rin siya paminsan-minsan.

Pero kung si Dingdong daw ang masusunod, ang gusto raw nito ay talagang sa bahay na lang muna siya at magpahinga.

“May contract kasi ako sa GMA so, once in a while, nagge-guest ako sa kanila, nagpi-pictorial at saka sa endorsements.

“Hindi ko talaga kayang totally rest.

“Pero kung si Dong talaga ang magde-decide, ayaw niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto niya, sa bahay lang ako, relax lang ako.

“Sabi ko nga sa kanya, naiinip ako.

“Hayaan na niya ako na pakonti-konti, pasulput-sulpot lang.

“Puwede naman, pero sabi niya, mag-ingat talaga ako.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close