Julie Anne San Jose still clueless after three years why Alden Richards unfriended her

Julie Anne San Jose says she’s past questioning what happened. "Tapos na ako sa phase na yun, e, sa pagtataka, pagtatanong, lahat." But she also hopes for a resolution, "Pagka may mga ganitong klaseng mga grievances, kailangan talaga dapat inaayos.”


Nabanggit ni Julie Anne San Jose sa launch ng kanyang music video na nagkaroon daw siya ng trust issues sa ilan sa mga tao sa industriya.

Isa ba sa mga taong ito ay ang dating na-link sa kanyang si Alden Richards?

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba ang tatlong taon nang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Julie Anne at Alden.

Pero iwas ni Julie Anne, “A... that I wouldn’t have to answer.

“Hindi ko rin po alam kung bakit.

"As far as I know, wala naman din po akong naging problema sa kanya.

“Hindi ko lang po alam kung bakit ganun ang nangyari.”

May mga nagsasabing nag-ugat iyon sa mga kung anu-anong tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

Sabi ng Kapuso singer-actress, “Well, hindi ko din po alam.

"Siguro may mga factors din siguro na ganun.

“May mga factors kung bakit naging ganun yung nangyari.”

SUDDEN CHANGE. Nananatiling clueless si Julie Anne kung bakit sila nagkaroon ng tampuhan ni Alden at basta hindi na lang sila nagpansinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Alden daw ang unang hindi namansin.

Pahayag ni Julie Anne, “Kasi ako, nasa U.S. po ako nun, so wala akong alam kung ano yung mga ganap dito, hindi ko na alam.”


At pagbalik niya ng Pilipinas ay hindi na raw siya pinansin ni Alden.

Hindi rin daw nag-attempt si Julie Anne na siya ang unang mamansin sa binata.

Halimbawang biglaan, makaharap ni Julie Anne si Alden, ano ang sasabihin niya rito?

“Wala po! Wala, siya.”

Kung si Alden ang unang magsalita at makipag-ayos na sa kanya, ano ang isasagot ni Julie Anne?

“I’m okay! I’m okay.

"I’m definitely fine with it,.

“Hindi ko lang alam kung bakit.”

Umaasa ba si Julie Anne na balang-araw ay maayos ang sitwasyon sa pagitan nila ni Alden?

“Well, siguro darating din naman yung point, siguro, na yun, di ba?

“‘Tsaka pagka may mga ganitong klaseng mga grievances, kailangan talaga dapat inaayos, kaysa yung naka-hang, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi siya nagtangkang alamin ang dahilan ng hindi papamamansin ni Alden?

“Well, ako po kasi, ako, tapos na ako sa phase na yun, e, sa pagtataka, pagtatanong, lahat.

“Kapag alam kong wala naman akong ginawa, deadma lang ako, wala naman sa akin yun.”


UNFRIEND. Dati ay very close friends sila ni Alden bago ang pangyayari.

“We understood each other,” sabi ni Julie Anne.

May mutual understanding sila dati?

“Pero, like as friends.”

Ang mutual friends nila ni Alden, hindi ba niya tinanong?

“I didn’t.”

Hindi kaya niligawan siya ni Alden at binasted niya at nagtampo ito?

“Hindi po, hindi po... we were okay before I left [for the States].

“And then, after that, nung nandun na ako, hindi ko alam kung anong nangyari.

“Basta ang nabalitaan ko na lang sa Twitter na may mga ganito pala, to the point na nagka-unfollow-han, ganun.”

In-unfollow siya ni Alden sa Twitter?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang tumango si Julie Anne.

Ginagawa ni Julie Anne ngayon ang Buena Familia na upcoming drama series ng GMA kung saan kapareha niya si Jake Vargas.

Paano kung may soap opera na sila ni Alden ang pagtatambalin?

“I’m okay with it, yeah, we can try.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close