Julie Anne San Jose when asked if Alden Richards was her "puppy love": "Hindi ako magsasalita."

Julie Anne San Jose admits she was deeply affected when Alden Richards unfollowed her on Twitter, "Alam mo naman sa sarili mo na wala kang ginawa. ’Tapos ganyan yung mangyayari, sino ba naman ang hindi masasaktan, ’di ba?"


Hindi sinasadyang mabanggit ang pangalan ni Alden Richards sa gitna ng promo ng isa sa ilang music videos ni Julie Anne San Jose na kinunan pa sa San Francisco, USA, na pinamagatang “Tidal Wave” under GMA Records.

Ang naturang song ay inayos ni Sidney Brown, isang American producer na kilala rin sa alyas na Omen na producer ng mga international artists na sina Drake, Lil Wayne at Ludacris.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press sa nakaraang press launch ng album na ginanap nong Martes, June 23, sa 17th floor ng GMA-7, napag-usapan ang mga bashers ng singer-actress.

Sinabi nitong hindi na raw siya naapektuhan sa mga bashers dahil hindi na rin niya pinapansin ang mga ito social media.

Nabanggit tuloy sa interview si Alden Richards kung ito ba ay nagpa-follow na sa isa't isa?

Matatandaang nag-unfollow sina Alden at Julie Anne sa isa't isa nong kasagsagan ng unti-unti sanang pag-imbulog ng teamup nila sa umeere pang Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis namang sumagot ng ‘no’ si Julie Anne.

Paliwanag niya sa situwasyong ito, “I mean, I don’t care. Me, I don’t mind.

“Basta ako civil naman ako sa lahat.”

Pina-follow naman daw niya before ang aktor pero ngayon ay hindi na.

Si Alden ba ang unang nag-unfollow?

“Siya na lang po ang tanungin ninyo. That was three or two years ago.”

Mas matindi ba talaga ang ginawa ni Alden?

“That, we don’t have to talk about.

“Minsan naman kasi 'pag gano'n talaga, alam mo naman sa sarili mo na wala kang ginawa.

“’Tapos ganyan yung mangyayari, sino ba naman ang hindi masasaktan, 'di ba?

“But wala naman po ako doon, I’m fine with it na.”

Paano 'pag nagkikita sila sa Sunday All Stars?

“Wala pong problema, okey lang. Sakto lang, nagkakasalubong, yun lang.

“Minsan nakaupo lang ako, naglalakad ako, magkakasalubungan lang kami...”

Si Julie Anne ba ang tipong he does not exist sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po, 'pag nasa stage siya, pinapanood ko siya.”

Wala bang nag-bridge sa kanilang dalawa?

Balita kasing may nag-reach out naman sa kampo ni Alden, pero hindi ito tinanggap ng panig ni Julie Anne?

“Talaga po, may mga fans po? Pero hindi ko alam … I don’t know, e. Ayoko na pong alalahanin.

“Basta po, whatever happens, it’s done. Okey na po ako doon.

“At least, mas naging wiser ako, stronger. I think, same thing with other people.

Willing ba siya na makatrabaho si Alden?

“I’m okay with it, it’s fine.

“In fact, nagkatrabaho na po kami sa Eat Bulaga, nagkaroon kami ng production number.”

Nag-usap sa rehearsal?

“No.”

PUPPY LOVE. Inamin na ni Julie Anne San Jose ang pagkakaroon minsan nito ng puppy love, bagay na taliwas sa mga naunang pahayag ng actress-singer na hindi pa siya na-in love.

Pinaalala ng PEP kay Julie ang naging pahayag niya tungkol sa sinasabing mas maraming opportunity ngayon ang dumarating sa kanya ngayong wala siyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin, nagkaroon nga siya.

Umamin naman ito at sinabing, “puppy love.”

Ano ba ang naging dahilan ng breakup, misunderstanding?

Nag-invest ba siya ng emosyon?

“Ganun po talaga, people come and go,” tugon naman niya.

Umiling si Julie Anne nang banggitin ang pangalan ni Elmo Magalona na dati niyang ka-love team?

Napangiti nang makahulugan ang Kapuso artist nang marinig ang pangalan ni Elmo.

Naiilang pang comment niya, “No, wala po, wala.”

Si Alden ba ang tinutukoy niya kaya ganito kalalim ang tampuhan nila ngayon?

“Hindi po ako magsasalita.”

Bakit si Elmo madali niyang napatawad at tinanggap, bakit si Alden, hindi?

“Hindi naman po kami ni Elmo, hindi po.”

Si Alden ba ito?

“Hindi ako magsasalita.”



May hindi ba natuloy, may natuloy pero hindi naman naging okey?

“Yun nga po ang sinasabi ko kanina, people come and go. Yeah, basta ang importante yung ngayon.

“Ayoko na po kasing i-brag kung ano yung nangyari noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yeah, I’m okay, I’m fine now.”

Masyado ba siyang nasaktan at ganito na lang kalalim ang kung anuman ang sitwasyon nila ni Alden?

“Grabe! …Ah, masyado pa akong bata noon kaya masasabi ko na masakit, masakit siya.

“Pero ngayon nga, yun nga ang sinasabi ko na mas marami akong natutunan.”

Pero hindi naman siya nadala sa lalaki?

“No, darating rin naman yung tamang lalaki, yung right guy for us.”

Gaano siya kaingat ngayon sa pagtitiwala sa lalaki?

“Siguro kailangang kilalanin muna nang bonggang-bongga.”

No'ng time ba nung naging malapit sila ni Alden sa isa’t isa, naging mabilis ba ang mga pangyayari at nagkaroon agad ng relasyon?

“Hindi rin, e. Hindi rin po kasi po nagkikita lang kami, yun lang.”

Matapos magkita, may ligawan ba at nagkaroon sila ng relasyon?

“Hindi ko po alam e, ” iwas pa niyang sagot.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close