Martin del Rosario wonders why he’s a ’viral scandal magnet’: “Ako rin nagtataka kung bakit ako agad ang naiisip nila.”

Martin del Rosario admits he can’t help but wonder why netizens automatically associate him with viral photo scandals: “Hindi ko rin po alam. Kasi twice na nangyari ang ganyan sa akin. Una ay yung photo na may kahalikan daw akong lalaki, tapos itong nude photo.”


Kung ang Kapuso actor na si Martin del Rosario lang ang masusunod, papayag itong tumanggap ng movie project kunsaan magpu-frontal nudity siya.

Pero dapat daw ay relevant ito sa story at hindi lang basta ipinakita niya ang kanyang pagkalalaki.

Pero dahil may manager siya, hindi raw siya basta-basta makakatanggap ng ganitong mga proyekto.

“Kung wala lang akong pinagpapaalamanan about my career or sa mga projects, willing ako to do those roles, lalo na ang frontal nudity.

“Sabi ko naman before, I’m willing to do daring roles naman.

"Nagagawa ko naman siya, when I did Karelasyon for GMA-7.

"Tapos nakakapagrampa naman ako na naka-underwear with Bench.

“Kasi, I’m at this age, na gusto kong gawin ang mga makakaya ko.

“I don’t want to regret anything kapag nasa age na ako na medyo hindi ko na kayang gawin ang mga dapat ginawa ko noon.

“I want to do things while I’m young para no regrets balang-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaso may manager ako and he does all the decisions for my career.

"At kailangan kong sundin ang mga gusto nila para na rin sa image ko,” pahayag ni Martin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), last June 25, sa GMA Annex Building.


HANDLING LATEST VIRAL PHOTO SCANDAL. Walang paliguy-ligoy na sinagot ni Martin ang tanong sa kanya tungkol sa kumalat na nude photo daw niya sa social media ilang linggo na ang nakakaraan.

Read: Martin del Rosario strongly denies alleged viral nude photo

Natatawa niyang pahayag, “All I can say ay mas dumami ang followers ko sa social media noong kumalat ang photo na yun!

“What can I say? Sinasabi nila na ako raw yung nasa photo. Itinuro na nila ako agad.

"But sad to say, that’s not me.

“Mahal ko po ang career ko and I will not do anything para masira ito dahil sa isang photo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sayang naman ang pinaghirapan kong i-build na image for so many years, di ba?”

Nagtataka lang si Martin kung bakit siya agad ang naisip ng mga netizens na nasa nude photo na iyon.

“Hindi ko rin po alam. Kasi twice na nangyari ang ganyan sa akin.

“Una ay yung photo na may kahalikan daw akong lalake, tapos itong nude photo.

“Ako rin nagtataka kung bakit ako agad ang naiisip nila,” sabi niya.

Ano ang reaksiyon ni Martin noong makita niya ang sinasbaing nude photo niya?

“Maraming nag-tag sa akin sa photo na iyon.

“Natawa lang ako kasi, wala namang mukha, e. Yung 'ano' lang ang makikita mo talaga.

"So, how can they say na ako iyon?

“Hindi ko na lang pinansin. Dedma na lang po ako.

“Even my family, naka-receive din sila ng photo na iyon sa mga social media accounts nila.

"Pero natawa rin sila. Huwag ko na lang daw pansinin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SUPPORTIVE FAMILY. Nagpapasalamat nga si Martin dahil mayroon siyang pamilya na sobrang understanding at supportive sa showbiz career niya kahit na pinuputakti siya ng kontrobersiya.

“Yun nga ang cool, e. My parents are so supportive.

"Kung iba lang sila, they would have stopped me from showbiz dahil sa mga ganitong tsismis.

“Pero sila pa ang nagsasabi na huwag ko na lang bigyan ng pansin.

“Even my two sisters, very supportive sila.

"Even if they are asked about me by their friends, hindi na lang nila pinapatulan kasi mahal na mahal nila ako.”

CRUSH ON KYLIE. Kasalukuyang busy si Martin sa taping ng bagong afternoon teleserye ng GMA Network na Buena Familia, kunsaan katambal niya si Kylie Padilla.

Nabanggit ni Martin noon na crush niya si Kylie at nasabi na raw niya ito sa aktres.

“Iba kasi ang ganda ni Kylie. Gustung-gusto ko ang mukha niya.

“She’s not only beautiful on the outside but inside as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May magandang kalooban si Kylie kaya nakikita iyon buong pagkatao niya.”

Balitang break na si Kylie sa boyfriend nitong si Matt Henares. Pero wala pa raw balak si Martin na pormahan si Kylie.

“Mahirap na po kasi anak 'yan ni Robin Padilla!” tawa niya.

“At wala po akong plans na magka-girlfriend muna.

"I was in a relationship before pero walang nangyari. Nag-break lang kami.

“Mahirap makipagrelasyon kung hindi nila maintindihan ang trabaho natin dito sa showbiz.

“Kaya better to be single na lang muna and happy naman po ako kahit na walang girlfriend.”

RENEWING CONTRACT WITH GMA. Ibinalita rin ni Martin na magre-renew na siya ulit ng kontrata with GMA Artist Center. Naka-one year na pala since mag-decide siyang lumipat sa Kapuso network.

“Naging okey naman po ang stay ko rito with GMA-7 and I will be renewing my contract with them.

“Lahat naman ng projects na ibigay nila sa akin ay magaganda, and I am looking forward to be working with GMA-7 for a long time,” asam niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close