Marvelous Alejo denies biting Edward Mendez’s tongue during taping of their Wattpad episode

Natatawa si Marvelous Alejo sa tanong ng press kung totoo bang sinipsip niya o kinagat ang dila ni Edward Mendez sa kissing scene nila sa pinagsamahan nila ng Wattpad episode. Sabi niya, “Naramdaman ko po yung something niya, pero normal kiss lang yun.”


Pinabulaanan ni Marvelous Alejo na sobra siyang nadala sa kissing scene nila ni Edward Mendez sa Wattpad Presents Said I Loved You dahil nasipsip daw niya at nakagat ang dila ng model-actor.

Depensa nito, “Oh, my God, hindi po! Sobrang lips to lips lang yun. Naramdaman ko po yung something niya pero normal kiss lang yun.”

Isa sa pinag-usapan sa presscon ng naturang Wattpad episode last Thursday, June 25, sa Kamuning Bakery sa Quezon City, ang maselang eksena nina Marvelous at Edward.

Pero maayos naman daw na naitawid nilang dalawa ang eksena sa tulong na rin daw ng kanilang director.

Pero todo raw ang kaba niya nung kunan na ang eksena. Sabi ni Marvelous, “Kinabahan ako dun sa part ng kissing scene, since hindi naman talaga ako aware kumiss sa lalaki onscreen. Kasi iba yung may feelings, iba yung for work.”

Sa kabilang banda, ipinagpasalamat din ng aspiring actress na muli na naman siyang nabigyan ng pangalawang pagkakataon na magbida sa Wattpad Presents. Una na nga rito ang Savage Cassanova noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang-sobrang saya kasi nung nalaman ko lang po hindi na po ako mapakali.

“Tanong na po ako nang tanong sa management kailan magti-tape para sure, pinagpi-pray ko po talaga. Second Wattpad ko na ‘to, so I’m very blessed na nabigyan ulit ng TV5 ng project. Pero siyempre I want a regular [show].”

REGULAR SHOW. Graduate si Marvelous ng artista search ng TV5 noong 2012, ang Artista Academy.

At hanggang sa ngayon, nag-aantay naman daw siya na mabigyan ng mga tamang proyekto ng istasyon.

Sabi pa niya, “Siyempre nagbunga rin naman yung nag-aantay ako. Pero dumating din sa point na gusto ko araw-araw ako may trabaho. Gusto ko regular show talaga, kasi ako yung breadwinner sa family.”

Gusto raw niya ng soap opera na araw araw nakikita ng tao.

Nanghihinayang naman si Marvelous na hindi siya nakasali sa Happy Truck ng Bayan, kung saan halos lahat ng talents ng Kapatid Network ay kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa niya, “Hindi nga, e. Sayang. Hindi man lang ako makapag-perform.

“Sana nga [nakasali ako] since sobra ngang pinagpi-pray ko po. Lahat naman, actually, ng bagay when it comes to project pinagpi-pray ko kasi ako yung tipong girl na kailangan ng mag-work nang mag-work.”

WATTPAD PRESENTS SAID I LOVED YOU. Sa Lunes na, June 29, 9 p.m. mapapanood ang pinagbibidahan nitong Wattpad episode na Said I Loved You.

“Ako po dito si Lee Ann Carbonell na nagmitmithi na mahalin ako nung guy na malaki ang tanda sa akin.

“Simula bata pa lang magkasama na kami palagi and sobrang crush na crush ko na siya and sinasabi ko sa kanya na pakasalan niya ako in the end,” paglalarawan pa ni Marvelous sa kanyang role.

Anong lesson ang matutunan sa episode nila? Saad nito, “A lot of girls na makaka-relate dito kasi maraming babae na mas gusto yung guy na mas mature sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close