Edward Mendez explains why he never got into a romantic relationship with Dra. Vicki Belo: “Parang incest sa akin in a way.”

Despite the rumors, Edward Mendez explains why he could never pursue a romantic relationship with Dra. Vicki Belo: “No, kasi hindi ko kayang gawin yun kasi parang it’s incest for me in a way. She’s family to me. Hindi ko pa talaga kaya.”


Patuloy na naninindigan si Edward Mendez na wala raw talagang namagitang romantic relationship sa kanilang dalawa ni Dra. Vicki Belo noong kasagsagan ng breakup nila ni Dr. Hayden Kho.

Sumulpot ang tsismis tungkol kina Edward at Vicki nang magtrabaho ang una sa klinika ng nasabing celebrity cosmetic surgeon/beauty specialist.

Bagamat itinanggi na ito nina Edward at Vicki, patuloy pa rin itong inuusisa sa dalawa partikular na sa dating fashion model sa pagbabakasaling baka makakuha ng kaunting lead tungkol sa controversy.

At sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Edward sa press launch nang lalabas nilang episode ng TV5 star na si Marvelous Alejo sa Wattpad Presents: Said I Loved You ng Kapatid network, muli siyang naglinaw sa isyu sa kanila ni Dra. Belo.

Pahayag ng fitness expert, “Wala talaga. She met me when I was a kid.

“Ang turingan namin sa isa’t isa are friends. I know her kids. I’m close to her kids as much as I'm close to her. So hindi talaga puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, she’s a very beautiful person and I can’t blame why Hayden would fall in love with her.

“But para sa akin, that’s my boundary. Yun ang kinalulugaran ko sa buhay niya bilang kaibigan.”

Nakapanayam ng PEP si Edward nitong nakaraang Huwebes, June 25, sa Kamuning Bakery, Q.C.

Tinanong namin si Edward kung handa ba siyang pumasok sa relasyon noong time na naging malapit sila ni Dra. Vicki.

“No, kasi hindi ko kayang gawin yun, kasi parang it’s incest for me in a way. She’s family to me. Hindi ko pa talaga kaya.”



LIKE FAMILY. Puwede rin bang sabihin na hindi pa nakaka-get over si Dra. Belo kay Hayden noon?

“Yeah. But I have respect for everyone. It’s just that I don’t have the reason to cross that boundary.

“Kasi like I said, nag-umpisa ako bilang friend and becoming close to them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s like... I mean, like I said it’s parang incest sa akin in a way.”

Sinabi rin namin kay Edward na parang napikon yata siya tungkol sa isyu na yun dahil nanahimik siya.

Paglilinaw ni Edward, “No, hindi ako napikon. Well, if I get asked a question, sasagutin ko naman.

“Wala naman akong magagawa kung yung mga tao, yung love affair pa rin ang paniniwalaan.

“Pero ako, hindi ko binago yung pakikisama ko sa kanya. Hindi importante sa akin yung iniisip ng mga tao kasi yung pinagsamahan namin maganda.

“Saka my family is all in the U.S. So basically, everyone else in Belo are family here.

“So hindi ko babaguhin ang pakikisama ko for an issue like that.”



STILL WORKING UNDER BELO GROUP. Hindi naapektuhan ang career or trabaho ni Edward dahil balitang umalis siya sa kumpanya noon.

Ngayon nga ay ibinalita niyang kunektado siya sa Sexy Solutions clinic ng Belo Group of Companies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So for Sexy Solutions, basically I’m still under that company. It’s the same thing.

“But hindi naman naapektuhan. Wala namang negative impact sa akin na nangyari. Because yung katotohanan naman talaga na wala naman talaga.

“So like what I said, wala naman akong magagawa kung gano'n ang paniniwala nang mga tao.

“But it’s old news already.”

Nagkikita pa rin ba sila ni Dra. Vicki?

“Yeah, I always see her. I’m always keeping in touch with her. I always see her and her kids every week.

“And even Hayden. They’re happy.”



MORE RELAXED AND MEDIA-FRIENDLY. Ang trabaho ni Edward sa Sexy Solutions ay bilang Fitness Head. Ipinaliwanag niya na ang ini-offer ng clinic ay mga slimming and beauty machines. Siya raw ang gumagawa ng mga fitness program ng kumpanya. Kasama na rin dito ang consultation ng mga kliyente para sa kanilang fitness advisory.

Nagbibiro na at madalas tumawa si Edward pagpapatunay lang na mas kampante at relaxed na sa pagbibiro ang aktor sa harap ng media, kumpara dating parang ilag siyang makipag-usap sa press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Well, it comes with maturity siguro.

“Siyempre, 'pag bago pa lang you’re not used to that world. 'Tapos after a while parang on the set rin 'yan. Sa umpisa kaba-kaba ka. Then after a while parang laru-laro lang sa 'yo. You learn to love it.

“Siyempre, I enjoy this kind of environment now.”



ON CO-STAR MARVELOUS ALEJO. Kahit sa ka-love team niyang si Marvelous ay nagbibiro rin si Edward.

Pagpapatunay niya sa personality niya, “Mapagbiro naman talaga ako before pa. But on-cam it was different. But now, lumabas na yung tunay kong personality.”

Hindi pa masagot ni Edward kung ano ang nararamdaman niya kay Marvelous kahit sinabi na nito sa presscon na hindi imposibleng magkaroon siya ng pagtatangi sa dalaga dahil mahusay itong kumanta.

Dalawang araw pa lang daw silang nagkakatrabaho ng TV5 artist at kailangan muna niyang makilala ito.

Saad pa niya, “Sa personality niya at talent niya as a singer, kahit sino naman puwedeng magka-crush sa kanya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s adorable…okey siyang kausap. Hindi siya pretentious.

“Tunay siya. Kung ano yun, yun yon. Masaya siya sa buhay. Masarap kasama. It’s nice pag ganon nahahawa ka sa kasiyahan, e.

“I find her very attractive din naman.”

Hindi raw naging mahirap kay Edward na ilagay ang sarili sa kuwento ng ginagawa nilang episode dahil naisalarawan na raw niya si Marvelous na ka-partner niya dito.

“So nung na-meet ko siya parang siya yung perfect picture for it, e.

“So nung binasa ko yung script, I enjoyed it bago ko pa siya na-meet. So nung siya talaga. nakuha niya talaga yung na-imagine ko.

“So click agad talaga.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close