Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kiko Estrada patiently waits for Kim Rodriguez's 'matamis na oo'

by Nerisa Almo
Jun 30, 2015
"Kulang na lang, siya ang maging girlfriend ko," says Kiko Estrada about onscreen partner Kim Rodriguez.

Aminado si Kiko Estrada na isa sa mga birthday wish niya ang mapasagot ang onscreen partner niyang si Kim Rodriguez.

“Nasa isang wish ko 'yon ngayong birthday ko. Pero hindi pa natupad,” sabi ni Kiko nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Unang Hirit sa birthday charity event na ginanap sa Pook Amorsolo, sa Quezon City, noong Sabado, June 27.

Sa naturang okasyon, sinorpresa ang 20-year-old Kapuso actor ng kanyang ka-loveteam sa My Mother's Secret.

Ang wish daw ni Kiko na hindi pa natutupad, “Kulang na lang, siya ang maging girlfriend ko.”

Nagulat naman si Kim sa sinabi ni Kiko, pero sa halip na sumagot ay sinabi niya ang kanyang hiling para sa binata.

“Wish ko sa kanya ay good health, kasi kailangan niya 'yon sa trabaho.

“Lagi ka lang positive sa bawat araw. Many birthdays to come.

“At saka nandito lang ako palagi, kapag nalulungkot siya.

“Kapag kailangan niya ng ka-text at kausap, nandito lang ako.

Continue reading below ↓

"Di ba, friends tayo?' nakangiting sabi ni Kim kay Kiko.

Blog Event for #MyMothersSecret with this beautiful lady... || Big thanks again to @maregicruz for styling us.

A photo posted by Kiko Estrada (@kiko_estrada) onMay 28, 2015 at 3:01am PDT

Pero hanggang kaibigan lamang ba talaga sina Kiko at Kim? May ilang pagkakataon na kasing nakitang malambing sila sa isa't isa.

Paliwanag ni Kiko, “I think nadala lang namin ang characters namin sa My Mother's Secret... abangan niyo po 'yan.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NEVER QUIT. Kahit isang taon na siyang nanliligaw kay Kim, nanindigan pa rin si Kiko na, “I'll never give up. Never quit.”

Dagdag pa niya, “There's a time na mag-oo siya and makikita n'yo na lang na sobrang masaya kami."

1st day of taping!!! #MyMothersSecret coming soon!

A photo posted by Kiko Estrada (@kiko_estrada) onMay 18, 2015 at 4:00am PDT

Sabat naman ni Kim, “Sobrang 'yon ang gusto ko sa kanya.”

Ayon sa 20-year-old Kapuso actress, “Siguro yung matamis na oo, mayroon siyang tamang panahon.

“Hindi pa siya yung tamang panahon ngayon, kasi napag-usapan talaga namin na focus na muna sa trabaho bilang magkasama kami sa My Mother's Secret.

“Kailangan talaga mag-focus muna kami, e.”

Hanggang kailan pa kailangang manligaw si Kiko kay Kim?

Continue reading below ↓

Sagot ng dalaga, “Hindi naman kailangang kapag nanliligaw ang isang tao, sagutin mo agad.

“Siyempre, kailangan yung ramdam na ramdam mo, yung parang hindi ka magbibitaw ng isang salita hanggang 'di ka sigurado.”

Late lunch with @kiko_estrada

A video posted by Kim Rodriguez (@akosikimrodriguez) onJun 26, 2015 at 10:41pm PDT

Read Next
Read More Stories About
kiko estrada
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kulang na lang, siya ang maging girlfriend ko," says Kiko Estrada about onscreen partner Kim Rodriguez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results