Ai-Ai delas Alas open to possibility of living in the U.S.

Ai-Ai delas Alas on retiring in the U.S.: “After my career, after siguro nung... kunyari two years ako dito sa GMA, tapos pag another two years pa ulit, tapos isang taon pa. Siguro mga thirty years in show business, hindi na masama yun.”


Bagamat hindi raw sila gaanong nagkikita, patuloy ang komunikasyon ni Ai-Ai delas Alas at ng kanyang “kambal” na si Marian Rivera.

Sabi nga ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kausap ko ngayon, ang tagal.

“Wala, mga arte-arte namin, mga bagay-bagay, pang-girls' thing.”

Humihingi ba si Marian sa kanya ng tips tungkol sa pagbubuntis?

“Hindi! Ako, humingi sa kanya ng tips ng pag-aalaga ng mga bag. Naku, bag, o!” tawa ni Ai-Ai.

Paliwanag ng Comedy Queen, “Bumili kasi ako ng Hermes, e, siya ang marunong ng ganun, so…

“Hindi naman ako marunong ng ganun, e. Ngayon pa lang ako nagkakaroon ng Hermes.”

Ilang Hermes bags ba ang binili niya?

“Isa lang! Hindi naman ako ganun, hindi ko naman kaya yun.”

Di ba’t can afford naman siyang bumili ng kahit ilang mamahaling bag?

Sabi ni Ai-Ai, “Kahit na. Hindi naman ako mahilig sa ganun.

“Kaya lang, tinuturuan niya [Marian] ako, sabi ko, ‘O, sige, why not? Try ko naman.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY WITH GMA. Samantala, masaya raw si Ai-Ai sa GMA Network.

Matatandaang noong April ay lumipat si Ai-Ai sa GMA mula sa ABS-CBN.

“Sobra! Sobrang happy naman ako dito sa GMA,” sabi niya.

Dahil isa siya sa highest-paid artists ng Kapuso network?

“Oo!” natatawang pagsang-ayon ni Ai-Ai.

Samantala, marami pa raw siyang nais makatrabaho sa GMA, tulad nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Dingdong Dantes.

“Ang dami pa, ang dami ko pang hindi nakasama.”

Two years na may option ng another two years ang kontrata ni Ai-Ai sa GMA. Kaya magre-renew siya sa Kapuso network kapag natapos na ang una niyang kontrata.

“Oo, siyempre. Hangga’t gusto nilang i-renew ako, renew nang renew.”

MOVING. Natanong naman si Ai-Ai tungkol sa paglilipat nila ng bahay sa Eastvale, sa California, USA.

“Na-haggard ako, ‘Day!” bulalas niya.

“E, kasi, siyempre sa Amerika kasi lahat naman do-it-yourself, e.

“So, medyo haggard ako pero masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagwawalis ako dun, ha! Naglalaba.

“Na-haggard lang ako kasi gahol ako sa oras, e.

“Kailangan ko nang bumalik kasi may taping ako ng Let The Love Begin.

“So, yung buong one week ko, binuno ko yun para punuin yung bahay.

“Dining set, sofa, mga kasangkapan… lahat, ‘Day! Carpet, kaldero, kutsara, tinidor…”

Naubos ba ang datung niya?

“Hindi, meron naman talagang budget ako for that. Pero siyempre mauubos pa rin talaga yung budget mo.

“TV namin, ilan… tatlo na agad-agad.”

Masayang-masaya raw ang mga anak niya sa bago nilang bahay sa Amerika. Doon nakatira ang dalawa sa mga anak ni Ai-Ai na nag-aaral doon.

Si Ai-Ai ba ay walang planong mag-base sa U.S.?

Sabi niya, “E, permanent resident naman ako, e, so anytime na desisyunan ko na dun na ako, may green card naman na ako.”

Naglalaro ba sa isip ni Ai-Ai na someday ay sa Amerika na mamalagi?

“Oo, why not? Nandun naman yung mga anak ko, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ang showbiz career niya dito sa Pilipinas?

“After my career, after siguro nung... kunyari two years ako dito sa GMA, tapos pag another two years pa ulit, tapos isang taon pa.

“Siguro mga thirty years in show business, hindi na masama yun.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close