Rhian Ramos plans delayed marriage and pregnancy; considers elective human egg freezing

Rhian Ramos says she does not want to rush herself into marriage and if it happens it’s too late for her to have a baby the natural way, "Ang dami nang technology these days. Pina-freeze na yung mga eggs na ‘yan, ganyan na ngayon."


Bagamat masaya ang lovelife ngayon ni Rhian Ramos sa piling kanyang non-showbiz boyfriend na si Jason Choachuy, wala pa raw sa isipan niya ang magpakasal.

Saad ng 24-year-old Kapuso actress, “Pakiramdam ko ano, e, napakalayo pa para sa akin.

“Kasi ako nga, yung dream ko talaga, yung dream ko, baka thirty-five [years old] pa ako magpakasal.

“Also, dahil most of the time, yung taste ko is older than me, I don’t know kung kaya!

"So, matagal pa talaga, eleven years pa…. feeling ko yung pinaka-willing ako’ng mag-adjust is baka thirty.

“Willing naman akong mag-adjust ng thirty, so tawad, tawad ng konti... six years pa!”

Kapag nakikita niya ang mga artistang ikinasal recently, ano ang nararamdaman niya?

Sabi ni Rhian, “Kinikilig at happy ako para sa kanila, pero wala namang inggit factor. Yun lang naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa taping ng The Rich Man’s Daughter, sa MegaTent, Libis, Quezon City, last week.

BABY BOOM. Marami ring mga artistang buntis ngayon, tulad nina Marian Rivera, Bianca Gonzalez, Judy Ann Santos, at si Matet de Leon na kabuwanan na ngayon.

Si Rhian, anong edad niya nais magkaroon ng anak?

“By thirty-five,” sagot niya.

Hindi ba medyo late na ang ganoong edad para magbuntis ang isang babae?

Sabi naman niya, “Bakit hindi? Ang dami nang technology these days.

“Pina-freeze na yung mga eggs na ‘yan, ganyan na ngayon.

“Kukunin mo siya habang fertile ka ‘tapos ipapa-freeze mo para pag ready ka na, o balik!”

Sabi nga sa latest statistics ng Scientific American, "elective human egg freezing is going mainstream" sa dahilang dumarami ang postponed marriages sa mga kababaihan.

Bakit hindi the natural way?

“Kesa naman minamadali ko yung sarili ko? Ayoko naman din yun.”

Bakit hindi na lang kapag kasal na siya at ang natural na pamamaraan ang gamitin nila ng future husband niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ibig sabihin magmamadali pa akong magpakasal by next year… ayoko, ayoko!” tawa niya.

Ibig sabihin, habang bata pa ang isang babae ay kukunin ang egg cells at ipapa-freeze muna kaysa kapag, halimbawa, 35 years old na?

“Opo, kasi minsan, kapag mga ganung age, actually sa iba-ibang babae, minsan nga twenty-eight lang, e, twenty-nine.

“May iba, may iba talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN