Dennis Trillo and Jennylyn Mercado prefer to keep their next relationship private

Muling magkakasama ang dating magkasintahan na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa upcoming primetime series ng GMA Network na My Faithful Husband. Pero bago pa man ito ay malakas na ang usap-usapang nagkabalikan na ang dalawa, ngunit tipid ang sagot ng dalawa tungkol dito.


Magkasama ang dating magkasintahan na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa upcoming primetime series ng GMA Network na My Faithful Husband, pero bago pa man ito ay malakas na ang usap-usapang nagkabalikan na ang dalawa.

Ngunit nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Dennis at Jennylyn sa story conference ng kanilang gagawing teleserye kahapon, July 1, ay tipid pa rin ang kanilang mga sagot nang tanungin tungkol dito.

Sabi ni Jennylyn, “Hindi ko alam, e…

“Para sa akin, trabaho ‘to, e. Hiwalay pa rin ang trabaho sa isang bagay.

“Dito ako nag-focus ngayon sa trabaho ko.”

Ayon naman kay Dennis, “Posible naman… hindi ko alam, e. Mahirap pangunahan yun, e.”

CHANGES. Huling nagsama sina Dennis at Jennylyn sa afternoon drama na Gumapang Ka Sa Lusak noong 2010, at doon nabuo ang espesyal na relasyon nila.

Ngayong magsasama sila uli, maraming pagbabago raw silang naobserbahan sa isa’t isa.

Ayon kay Dennis, “Hindi ko na lang isa-isahin.

“Siyempre yung tao, habang tumatagal, marami siyang natututunan, maraming nabago sa kanya—sa pag-uugali niya, sa lifestyle… sa lahat.”

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Lalo siyang gumanda.”

Si Jennylyn naman ay tumangging magsalita kung ano ang naobserbahan niyang pagbabago kay Dennis mula nang maging okay sila uli.

Sabi ng 28-year-old actress, “Sa akin na lang yun.”

Pero sabi rin niya, “Nag-mature kaming pareho.”

Singit naman ni Dennis, “Mas maraming knowledge, mas maraming experience sa buhay.

“Nakadagdag din sa aming dalawa para mag-improve bilang individuals.”

KEEPING IT PRIVATE. Pareho silang nagkasundo sa ideyang kung sakaling magkaroon sila ng bagong relasyon, mas gusto nilang tahimik na lang at huwag nang i-open sa publiko.

Ayon kay Dennis, “Sino ba naman ang may gusto ng magulong relasyon?

“Eversince naman, ganun talaga ang gusto ko, e.”

Sabi naman ni Jennylyn, “Siguro sa susunod kong relasyon, sana tahimik na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa ngayon ay wala pa raw panahon si Jennylyn sa panibagong relasyon.

Saad ng Kapuso actress, “Sa akin kasi, wala talagang oras para sa sarili ko.

“Hindi na nga ako nakapag-training, kalahating taon na rin akong walang ginagawa kundi magtrabaho.

“Pero thankful ako dahil maraming trabaho.”

SEXIEST PINAY. Samantala, isa raw si Dennis sa masaya at nag-number one sa FHM Sexiest Pinay poll si Jennylyn.

“Masaya ako para sa kanya na nag-number one siya sa FHM,” nakangiting pahayag ni Dennis.

Pero tila walang balak ang aktor na panoorin ang kapareha sa pagrampa nito sa FHM victory party.

“Medyo magulo dun, e, bahala na,” sabi ng Kapuso actor.

Sabi naman ni Jennylyn, hindi niya iimbitahan si Dennis at kahit ang kanyang pamilya.

“Kahit mga magulang ko nga, ayokong imbitahan, kasi nahihiya ako. Hindi ako kumportable.

“Siguro kung hindi ako nag-number one, hindi pa ako nakarampa dun.

“First time nila akong makita na ganun.”

Bukas ng gabi, July 3, ay magkakaroon ng victory party si Jennylyn para sa mga fans dahil sa pagna-number one niya sa FHM Sexiest poll.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN