PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz finally settles issue with Cesar Montano’s ex-girlfriend Teresa Loyzaga

Sunshine Cruz on Teresa Loyzaga, ex-girlfriend of her estranged husband Cesar Montano: "I admire her. Napakatalino niyang tao. Very appreciative ako sa kanya kasi hindi siya sumawsaw sa isyu sa aming dalawa ni Cesar, kahit na nga napu-provoke na siya. Nanahimik lang siya at hinayaan lang niya kaming dalawa ni Cesar."


Nakaagaw ng pansin ang Instagram post ng aktres na si Sunshine Cruz noong Miyerkules ng gabi, July 1, kung saan magkasama sila ni Teresa Loyzaga.

Base sa comments, sinasabing kuha ang nasabing larawan nina Sunshine at Teresa, kasama ang isang lalaki, sa Chili’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Sabi ni Sunshine sa caption niya sa larawan: “Thank you Toni and Tong! Who would have thought that this would happen? I love them both❤️

Si Toni ang lalaking kasama nina Sunshine at Teresa sa larawan, habang “Tong” naman ang palayaw ni Teresa.

Marami sa followers ni Sunshine sa Instagram ang natuwa sa naganap na pagkikita nila ni Teresa, at iba sa mga ito ay pinuri rin ang naging gesture nila sa isa’t isa.

Parehong nagkaroon ng ugnayan sina Sunshine at Teresa sa aktor na si Cesar Montano.

Si Sunshine ay kasal pa rin kay Cesar bagamat hiwalay na sila; may tatlo silang anak na babae—sina Angel Francheska, Samantha Angeline, at Angeline Isabelle.

Si Teresa naman ay dating kasintahan ni Cesar kung saan mayroon siyang isang anak na lalaki—ang young actor na si Diego Loyzaga.

NOT PLANNED. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine sa pamamagitan ng telepono, Huwebes ng hapon, July 2, sinabi nitong hindi sadya o hindi planado ang pagtatagpo nila ni Teresa.

Kuwento ng aktres, “Nag-guest kasi ako sa Aquino & Abunda show kagabi [July 1].

“So, after nun, tinawagan ko yung kaibigan ko, si Toni, kung puwede kaming magkita for a Margarita night or bonding na rin.

“Ganun kasi ako 'pag may free time or napapagawi ako sa lugar na familiar ako, kung saan may mga friends ako, tinatawagan ko, ini-invite ko para magtsikahan.

“Since sa South na ako nakatira at wala na ako sa Q.C. [Quezon City], siyempre nami-miss ko rin yung mga friends ko sa Q.C.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, tinawagan ko nga si Toni.

“Sabi niya, nagyaya rin daw si Teresa Loyzaga.

“Sabi niya, ‘Okey lang ba na magsama-sama na lang tayong tatlo, tutal pare-pareho naman tayong nagkakayaan?’

“Sabi ko, ‘Okey lang ba kay Teresa?’

“Sabi ni Toni, ‘Bago mo pa tinanong ‘yan, sinabi ko na kay Teresa na nagyaya ka rin and okey lang daw.’”

Patuloy ni Sunshine, “Naisip ko na siguro magandang chance na rin ito para naman mag-usap kami, magkalinawan.

“Hindi ko rin kasi alam kung ano yung nakakarating na mga bali-balita kay Tong [palayaw ni Teresa] about me.

“Alam mo naman, hindi naman lahat pabor sa iyo, may mga gawa at gagawa talaga ng mga usapin o kuwento against sa isang tao.

“May mga sinasabi na kung anu-ano raw ang pinagsasabi ko against her and kay Diego.”

Matatandaang noong nagsasama pa sina Sunshine at Cesar ay may panahong tumira sa kanilang bahay si Diego.

Ayon pa kay Sunshine, “Alam ko naman ‘yan dahil may nakakarating na rin sa aking mga bali-balitang ‘yan.

“Hindi ko lang pinapansin, kasi I have other important things to deal with at saka hindi naman totoo.

“So, nagkausap kami, nagkakuwentuhan.

“And, yun nga, sinabi niya sa ‘kin yung mga naririnig niya.

“Naliwanagan na walang isyu sa aming dalawa or kay Diego.

“Yung mga tao lang naman ang gumagawa ng isyu sa aming tatlo.

“Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para siraan ang ibang tao.

“May mga ipinaparating daw na mga kung anu-ano kay Tong ang ibang tao about Diego.

“Hindi ko naman mini-mention silang dalawa sa mga issues ko.

“So, maganda naman talaga na nakapag-usap kaming dalawa na kami lang.”

DIVINE INTERVENTION. Ayon pa kay Sunshine, naging magaan ang pag-uusap nila ni Teresa at napatunayan niyang napakalawak ng pang-unawa nito.

“I admire her. Napakatalino niyang tao.

“Very appreciative ako sa kanya kasi hindi siya sumawsaw sa isyu sa aming dalawa ni Cesar, kahit na nga napu-provoke na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nanahimik lang siya at hinayaan lang niya kaming dalawa ni Cesar.

“Malinaw naman ang lahat, nung naging kami ni Cesar, matagal na silang walang relasyon ni Tong.

“Walang nag-overlap, walang kung anuman.”

Hindi raw naiwasan ni Sunshine na humanga kay Teresa habang nag-uusap sila dahil sa qualities nito bilang babae.

Sabi ng 37-year-old actress, “She’s strong, intelligent, at napakaganda.

“Actually, noon pa naman, hangang-hanga na ako sa kanya.

“Nagkasama kami sa show noon sa IBC-13, yung For The Boys. I was only 16 years old then.

“Gandang-ganda ako sa kanya and, up to now, na-maintain niya yung beauty niya.

“Sana nga 'pag dumating ako sa age niya, ganun pa rin ako kaganda at ka-sexy gaya niya.”

Dagdag pa ni Sunshine, “I followed her sa Instagram… ang galing niya sa Pasion de Amor.

“Isa yun sa dream role ko, yung character niya sa soap na yun.

“Sabi niya, tuturuan daw niya ako kung paano.

“Sabi ko naman, ‘Iharap mo na lang sa akin yung mga naninira at magagawa ko yung character mo.’”

Naniniwala si Sunshine na “divine intervention” ang nangyaring pagkikita at pag-uusap nila ni Teresa.

Pahayag ng Oh My G! actress, “Ang gumalaw dito ay ang Diyos.

“Sino ba naman ang mag-aakalang makakapag-guest ako sa Aquino & Abunda? And then, bakit ko maiisip yung friend ko na nagkataong friend din pala si Tong?

“Kasi kung hindi naman talaga nakatakdang mangyari, hindi ito mangyayari.”

Umaasa si Sunshine na muli silang magkikita at mag-uusap ni Teresa sa mga susunod na araw o pagkakataon.

“We have to do this again,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN