Jiro Manio wants to go to Japan and meet his biological father

Pinabulaanan ng foster father ni Jiro Manio na matinding depression, at hindi dahil sa droga, ang dahilan ng pagkakaganito ngayon ng dating child actor. Nagpunta raw sa airport si Jiro dahil sa iniisip nitong darating ang kanyang lola mula sa Japan.


Bakas pa rin ang lungkot sa mukha ng adoptive father ni Jiro Manio na si Andrew Manio sa live interview sa kanya nina Boy Abunda at Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight, nitong Huwebes, July 2.

Hindi pa rin kasi umuuwi sa kanilang bahay si Jiro kaya nakakaramdam pa rin daw siya ng pag-aalala.

Matatandaang natagpuang palaboy-labos sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 si Jiro, na napag-alamang apat na araw na palang namamakagi roon at nanghihingi ng pagkain at damit sa mga pasahero at empleyado.

Read: Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3

“Medyo po nagkasamaan kami ng loob kaya umalis siya ng bahay,” sabi ni Mr. Manio nang matanong kung bakit umalis sa kanila si Jiro.

Bakit nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan?

“Kasi po, nag-iisip siya... Sabi ko sa kanya, ‘Ano ba ang iniisip mo?’

“Ang sabi niya sa akin, ‘Huwag mo nga akong pakialaman!’

“Sabi ko naman, ‘Huwag mo naman ako, anak, binabastos. Hindi mo na ako iginagalang, lahat kami dito binabastos mo.’”

May mga sugat na parang kalmot sa bandang leeg ni Jiro noong matagpuan ito sa NAIA Terminal 3.

Paliwanag ng amain ni Jiro tungkol dito, “Mahilig siyang maggaganyan [kalmutin] ngayon sa sarili niya dahil ang hahaba ng kuko niya.

“Para lang siyang naiinis sa sarili niya, ganun.”

Pero wala silang ideya na si Jiro ay pupunta sa airport?

“Kasi ang bukambibig niya, iniisip niya na darating ang Mommy Lola niya,” pagtukoy ni Mr. Manio sa maternal grandmother ni Jiro na nakabase sa Japan.

Pero aniya, “Hindi naman po talaga darating ‘yon, e. Nasa isipan lang niya.”

DEPRRESSION, NOT DRUG USE. Sinasabi na gusto raw makarating ni Jiro sa Japan para mahanap o makita ang kanyang Japanese biological father?

Pagkumpirma ni Mr. Manio, “Opo. Pinadalhan siya ng supporting papers dati para makakuha ng visa kaya lang na-deny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At yun nga po, na-depress siya nung na-deny siya.

“Gusto niyang makita ang father niya.

“Since birth ay wala po silang communication ng father niya.”

Ayon sa mga empleyado ng NAIA Terminal 3 na kumupkop kay Jiro at maging ang ilang miyembro ng media na nakausap ang aktor, tila wala raw ito sa tamang pag-iisip base sa mga sinasabi nito o nagiging sagot sa mga tanong.

Read: Jiro Manio to concerned citizens: "Salamat na lang, kaya kong mabuhay mag-isa."

Kung hindi bumalik sa paggamit ng ipinagbabawal na droga si Jiro, gaya ng makailang beses na paglilinaw ng kanyang foster father, bakit kaya nagkakaganun ang dating child star?

Sagot ni Mr. Manio, “Dahil po sa pinagdadaanan niyang depression. Sa kakaisip.”

Sino ang sumundo kay Jiro sa airport noong Mirekules, July 3?

“Nandun po sa NAIA… yung kapatid po niya,” pagtukoy ni Mr. Manio sa kapatid ni Jiro na si Anjo Santos.

Read: Jiro Manio fetched by his younger brother at NAIA; finally returns home

Pero hindi raw sumama si Jiro para umuwi sa kanila.

“Doon po siya nagpunta sa bahay ng teacher niya nung high school sa Mandaluyong.”

Hindi pa rin sila nagkakausap?

“Hindi pa po.”

At the age of 23, dalawa na ang anak ni Jiro. Kumusta ang relasyon ng aktor sa mga bata?

“Sa ngayon, hindi sila nakakapag-usap,” sabi ni Mr. Manio.

Ano ang mensahe o gusto niyang sabihin kay Jiro?

“Sana tulungan niya ang sarili niya na gumaling. At sana magbalik siya sa dating gawain niya na… sa showbiz.”

Nais niyang bumalik si Jiro sa kanilang bahay?

“Opo,” sagot ng amain ni Jiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN