Erik Santos admits Coco Martin a threat to his special relationship with Angeline Quinto: “Kailangan kong maging mature sa lahat ng mga bagay... this is one of them."

Erik Santos is both excited and nervous about the concert, Erik Santos And Angeline Quinto At The Araneta Coliesum: "Nakakakaba kasi maraming foreign acts ngayon at talagang tumatabo sa takilya yung concert nila. Kailangan naming mag-double effort, mapalakas talaga yung OPM..."


Sa August 15 magaganap ang kauna-unahang concert na pagsasamahan nina Angeline Quinto at Erik Santos sa Araneta Coliseum.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Erik, aminado ang singer na kinakabahan pero excited siya sa unang pagsasama nila sa isang major concert ng rumored girlfriend.

“Kinakabahan at the same time sobrang excited kasi this is the first time na magko-concert kami ni Angeline together.

"‘Tapos major, major pa, which is Araneta Coliseum.

“Nakakakaba kasi alam natin na maraming foreign acts ngayon at talagang tumatabo sa takilya yung concert nila.

“Kailangan naming mag-double effort ni Angeline to promote the concert in our own little ways, mapalakas talaga yung OPM.

Ang Cornerstone Entertainment ni Erick Raymundo ay "nag-conceptualize" ng project.

DOUBLE EFFORT. Siniguro ng singer na magugustuhan ng mga manonood ang mga kakantahin nila sa concert na may titulong Erik Santos And Angeline Quinto At The Araneta Coliseum.

“Ay marami, mga songs talaga na magugustuhan ng mga tao, 'di siya typical na back-to-back concert.

“It’s going to be her show, my own show ‘tapos magmi-meet kami in the end."

Marami sa popular showbiz personalities ang nagko-concert ngayon kahit hindi singers at talagang kumikita at pinapanood ang mga ito.

Daig pa nga raw ng mga ito minsan ang concerts ng mga totoo talagang singers.

“Kaya nga talagang double effort kami ni Angeline to promote the concert kasi mahirap na nga ngayon, e.

“Nag-iiba na ang gusto ng mga tao, mas dinodoble namin ang effort namin for the concert to be successful,” lahad ni Erik.

CONNECTED. Open book naman sa showbizness ang sinasabing “special relationship” na namamagitan sa kanila ni Erik at Angeline.

Palagay ba ni Erik, nakakatulong nang malaki sa kanilang singing career ang magandang pagtitinginan nilang dalawa?

Pag-amin niya, “Oo naman, I believe na pag may ganung connection, mas effective yung singing namin, yung performance namin sa mga tao, the more na nakaka-connect kami with the audience.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin na sa ilang interviews kay Erik, umiiwas itong pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Angeline.

Ito raw ay dahil sa paratang noon ng iba na naggagamitan lang sila ng singer at gimik lang ang sinasabing relasyon nila.

“Para mas maganda ang maging resulta, kapag mas maraming tao ang nakikisawsaw, mas maraming tao nagsasalita at nakikialam.

“Mahirap, ‘di magiging healthy yung relationship, saka nagma-mature na rin ako as a person.

“Alam ko na kung ano ang dapat at hindi gawin and it’s our choice na sana i-respect ng marami.”

Pero hindi naman pang-promo lang ang lahat?

“Gamitan? ‘Di ko na tinitingan yun, basta sa akin gusto ko lang i-protect what we have and that’s it.”



ATTITUDE. Sa guesting nila ni Angeline sa Kris TV, inamin ni Erik na nakakaramdam siya ng takot at selos ngayong magkakasama na si Angeline at Coco Martin sa seryeng Ang Probinsyano.

Noon kasi ay na-link ang singer kay Coco at nabalitang muntik na raw mauwi sa isang relasyon ang lahat.

“Siyempre, ‘di naman yun mawawala pero sa isang taong mature, na nagpapaka-mature talaga na tulad ko.

“Kailangan kong maging mature sa lahat ng mga bagay, sa lahat ng sitwasyon na dumarating sa buhay ko and this is one of them.

“I am sure naman na everything will be alright.

“Basta kami, we’re very happy, mas nagpo-focus kami ngayon sa work namin, sa work niya, sa work ko.

“And at the same time may time kami for each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN