Julie Anne San Jose airs grievance over misleading article alluding to Alden Richards: “I was shocked nung nabasa ko.”

Julie Anne San Jose on false write-up alluding to Alden Richards, which drew a lot of flak from bashers: “It’s false and I never said anything like that. A lot of people were there during the event and I was asked the same thing, and they’re all witnesses na wala po akong sinabing ganun.”


Ang write-up kunsaan inamin daw ni Julie Anne San Jose sa presscon ng music video ng “Tidal Wave” na nagkaroon siya ng boyfriend, na hinihinala na si Alden Richards, ang naging dahilan para i-bash niya ng fans ng Kapuso actor.

Ikinabigla ni Julie Anne ang lumabas na artikulo dahil ang entertainment writers na dumalo sa nabanggit na presscon ang makapagpapatunay na walang pag-amin na nagmula sa kanya.

Pahayag ng Kapuso singer-actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I was shocked nung nabasa ko [ang write-up].

“It’s false and I never said anything like that.

"A lot of people were there during the event and I was asked the same thing, and they're all witnesses na wala po akong sinabing ganun.

“Matagal na po yung issue, and I wouldn’t want grievance with other people or cause trouble.

"Basta ako, I'm okay and it would be better not to raise the issue over and over again."

Kaliwa’t kanan ang mga pagbanat na naranasan ni Julie Anne dahil sa isang artikulo na walang katotohanan, pero hindi na niya pinatulan ang kanyang mga basher.

Saad niya, “I've been hurt, but never ako pumatol. Magku-cause pa lalo ng gulo.

“It's not worth my time kung gagawin ko ‘yon.

"Besides, alam ko na it's not true.

“I'm used to dealing with bashers, I don't have control on what people think about me, and I'm not made to please them.

“Some things are superficial and we're blinded by fallacies.

"So, I think, before they judge and criticize, alamin muna nila ang totoo, kasi 'di nila alam na nakakasakit sila ng ibang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN