Meg Imperial admits short-lived relationship with JM de Guzman

Meg Imperial reveals how her brief M.U. relationship with JM de Guzman ended, shortly before he got back with his ex-girlfriend Jessy Mendiola: "Mararamdaman mo kasi, umiiwas na yung guy. Parang natitigil na yung koneksiyon niyo, natitigil na yung text-text. So, nagtanong na rin ako, kasi ayaw ko namang hang ako, ’di ba? Sabi ko, ’Ano, continue ba ang stage na ganyan?’ Nagpaliwanag siya nang maganda."


Aminado ang sexy actress na si Meg Imperial na naging malapit sila sa isa't isa ni JM de Guzman, bago pa man nagkabalikan ang Kapamilya actor at ang kasalukuyan nitong girlfriend na si Jessy Mendiola.

Sa presscon ng pelikulang Chain Mail, na ginanap sa Music Hall sa Metrowalk, Ortigas kahapon, July 4, hindi nakaiwas si Meg sa pang-uusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang tungkol sa kanilang dalawa ni JM.

Ano nga ba ang dahilan at hindi nagtuluy-tuloy ang magandang nasimulan nila ng award-winning actor? Ito ba ay dahil pakiramdam niya na si Jessy pa rin ang nasa puso nito?

Tugon ni Meg, "Oo, siguro ganun. Kaya nag-hold back din.

"Ano rin, natatakot din ako kapag karelasyon ay [nasa] showbiz, 'di ba?

"Kasi, 'di mo rin alam kung ano.

"Sometimes, kahit artista ako, 'di mo rin alam kung ano ba ang feelings na ipinapakita niya sa 'yo.

"Ano ba, pag-arte ba 'yan o totoo ba 'yan, 'di ba? So..."

May trauma rin daw si Meg dahil sa mga nakaraang pagkabigo niya sa larangan ng pag-ibig.

Bulalas ng Viva contract star, "This year, ang daming failure sa love!

"So, huwag na muna!

"Wow, ang dami, ang lakas!

"Hindi naman... meron namang non-showbiz na nagpaparamdam, pero parang hindi ko type.

"May mga hindi ko kasundo, so hindi ko pipilitin."


REASON FOR GIVING UP. Nagpaliwanag man lang ba sa kanya si JM kung bakit hindi na nito itinuloy ang panliligaw sa kanya?

Sagot ni Meg, "Ay, no.

"Pero mararamdaman mo kasi umiiwas na yung guy.

"Parang natitigil na yung koneksiyon niyo, natitigil na yung text-text.

"So, nagtanong na rin ako, kasi ayaw ko namang hang ako, 'di ba?

"Sabi ko, 'Ano, continue ba ang stage na ganyan?'

"Nagpaliwanag siya nang maganda."

Ano yung paliwanag sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakli ni Meg, "Kailangan ko pa talagang sabihin?"

Pero siya na rin mismo ang nagsabing hindi sila umabot sa boyfriend-girlfriend relationship.

Giit ng Chain Mail lead star, "No, no, 'di naman.

"Parang M.U.-M.U. [mutual understanding] lang."


NO HARD FEELINGS. Nasaktan ba siya nang pumutok ang balitang nagkabalikan na sina JM at Jessy?

Ayon kay Meg, "Siguro nagulat.

"Hindi ko naman ini-expect na lalalim din kaagad yung ano namin since nagkita lang naman kami sa event, 'tapos biglang nagtanong na.

"So, feeling ko, parang ano lang yun, kasi ako ang una niyang nakasamang girl."

Wala naman siyang galit sa aktor?

Pagsisiguro ni Meg, "No, nagkita kami sa concert ni Katy Perry, kasama niya si Jessy.

"Medyo awkward lang kasi, ano...

"Pero bumati naman at nag-usap naman kami."

CRUSH ON COCO. Samantala, maging sa isa pang award-winning actor ay iniuugnay na rin siya.Ito ay kay Coco Martin.

Pero ayon kay Meg, gusto lang niya itong makapareha.

Aniya, "Gusto kong maka-loveteam ko.

"Lagi ko namang sinasabi na gusto kong ma-try si Coco Martin.

"Crush lang naman siya, lalo na sa trabaho, kasi sobrang galing niya.

"Feeling ko, ang dami-dami kong matututunan sa kanya."

Yun nga lang, hindi pa sila gaanong magkakilala, kahit minsan lang sila nag-meet nito.

Pagbabalik-tanaw ng Kapamilya actress, "Nung bago pa lang ako sa ABS [CBN], ipinakiusap siya sa akin ng friend ko.

"Sabi niya, 'Congratulations and welcome sa ABS.'

"And then, yung common friend din namin, yun, kumustahan."

Hindi naman daw siya sigurado kung alam ni Coco na crush niya ito.

Pagkatapos nito ay binaling na niya sa iba ang usapan at inanyayahan ang mga tagahanga nila na panoorin ang Chain Mail sa July 22, kung saan makakasama niya sina Nadine Lustre, Shy Carlos, AJ Muhlach, at marami pang iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN