Nadine Lustre reaches out to disappointed fans: "Baka misunderstanding lang po or something."

Nadine Lustre reaches out to disappointed fans who apparently felt ignored when she didn’t accommodate them during an out-of-town event: "Kasi, my fans po know na ’di naman talaga ako suplada, like ’pag nagmu-mall tour ako, ’pag may nagpapa-picture, nagpapa-picture naman po ako. Para sa akin lang, parang ’di ko lang narinig. Pero I’m really approachable naman po sa ibang tao."


Binigyang-linaw ni Nadine Lustre ang tungkol sa kumakalat na usap-usapan sa social media na hindi raw siya nambati sa kanyang mga tagahanga sa isang out-of-town show.

Sabi ng Viva contract star, "Nabasa ko nga po 'yan, yung sa hotel?

"Kasi, like ang dami pong tao, and we were rushing dahil po sa aming meet-and-greet.

"So, ang dami pong tao, at 'di ko naman naririnig lahat yung bumabati sa akin.

"Like, yung ganito, ang daming tumatawag sa akin dito o diyan.

"'Di ko naman po kaya na maharap silang lahat.

"Baka misunderstanding lang po or something."

Naaapektuhan ba siya kapag napagkakamalan siyang suplada?

Giit ni Nadine, "No, hindi naman po.

"Kasi, my fans po know na 'di naman talaga ako suplada.

"Like 'pag nagmu-mall tour ako, 'pag may nagpapa-picture, nagpapa-picture naman po ako.

"Para sa akin lang, parang 'di ko lang narinig.

"Pero I'm really approachable naman po sa ibang tao."

Maging ang ka-loveteam ni Nadine na si James Reid ay nadamay sa isyu, na kesyo iniwan daw ng young actor sa hotel ang regalong ibinigay sa kanya ng mga tagahanga.

Sabi ni Nadine tungkol dito, "Actually, yung sa akin, dala ko po.

"Yung chips, yung banana chips, kasi meron ding nagbigay sa amin ni James, yung sa akin po, yung kinakain ni Yassi [Pressman] sa photo, sa akin po yun, dala ko yung sa akin.

"I think, yung kay James, naiwan or something, dahil nagra-rush na po kami.

"Hindi naman po siya nag-iiwan ng mga ibinigay sa kanya.

"Sa house po niya, everything is there, yung stuffed toys niya, yung caps niya, lahat ng souvenirs are all there.

"Yung handler [ni James] po ang actually na nakaiwan."

Diin pa ni Nadine, mahal nila ang kanilang mga tagahanga, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapagbibigyan nila ang mga ito, sa anumang gusto nila para sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po lahat ay mapi-please namin o mabibigyan ng attention, dahil sa dami rin po naming iniintindi.

"As much as possible, basta kaya din po namin, ginagawa naman namin po ang gusto nila.

"Mahal po namin ang aming mga tagahanga."

Napag-usapan ba nila ni James ang tungkol dito?

Aniya, "Opo, napag-usapan namin."

Humihingi na rin daw sila ng paumanhin sa kanilang mga tagahanga, at nagpaliwanag na rin sila sa mga ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Nadine sa presscon para sa pelikulang Chain Mail, na ginanap sa Music Hall, sa Metrowalk, Ortigas, kahapon, July 4.

MOVIE WITHOUT JAMES. Marami ang nagtatanong kung ano ang naging reaksiyon ni James ngayong may solo movie na si Nadine, sa pamamagitan ng suspense-horror na Chain Mail, na nakatakdang ipalabas ng Viva Films sa July 22.

Ayon kay Nadine, "Wala naman po.

"I mean, he's happy naman po, na kahit papaano'y 'di naman kami stuck palagi sa isa't isa.

"Meron kaming space sa isa't isa, to grow na parang ganun.

"Partnership po ang JaDine, pero siyempre, from time to time, kailangan din meron kaming projects na magkahiwalay."

Dagdag pa niya, "Yung role ko naman po kasi dito, hindi naman siya major at talagang big role.

"Cameo role lang po talaga, special participation po talaga.

"Parang tulong na rin lang sa friends ko, like sina Shy [Carlos], AJ [Muhlach]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN