Barbie Forteza not comfortable with ’Tween Queen’ tag: “I’m not after any title naman.”

Barbie Forteza shares her sentiment about being tagged as Kapuso’s Tween Queen: “Well, hindi ko naman kine-claim kasi ang gusto ko naman po talaga, maging aktres. Gusto ko makilala ako bilang aktres na hindi lang basta artista na seventeen-year-old na teen star, ganyan. Gusto ko seryosohin ako, ganun.”


At 16 years old, dalawa na ang acting awards na napanalunan ng Kapuso teen actress na si Barbie Forteza.

Pinarangalan siya bilang New Movie Actress of the Year sa PMPC Star Awards for Movies noong 2010 para sa kanyang pagganap sa Puntod.

Nakamit niya ang kanyang unang award noong 13 anyos pa lang siya.

Noon namang 2014 ay nanalo siyang Best Supporting Actress sa Cinemalaya para sa pagganap niya sa Mariquina, kung saan na-nominate din siya sa Urian Awards ngayong 2015.

Ano ang nararamdaman ni Barbie sa ganitong aspeto ng buhay niya?

Pahayag niya, “Parang inspirasyon ko na mas galingan pa sa lahat ng ginagawa ko.

“Kasi, parang iyon yung nagpapatunay na puwede pa, e, na gusto ko talaga yung ginagawa ko kasi nare-recognize nila, napapansin nila ako kaya mas dapat kong pagbutihin.

“Ayun, nai-inspire ako.”


NOT COMFORTABLE WITH TITLES. Dahil sa kanyang acting awards at dahil na rin very successful ang drama series na pinagbibidahan nila ni Thea Tolentino, ang The Half Sisters, si Barbie ang kinikilalang reyna sa hanay ng female teen stars sa GMA Network.

"Tween Queen" nga ang bansag sa kanya sa Kapuso network.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Nahihiyang pahayag ni Barbie, “E, hindi ko po alam... kasi parang ang dami na pong nag-aagawan diyan sa title na 'yan, e.

"Feeling ko naman…

“Well, hindi ko naman kine-claim kasi ang gusto ko naman po talaga, maging aktres.

"Hindi ko naman… I’m not after any title naman.

“Gusto ko makilala ako bilang aktres na hindi lang basta artista na seventeen-year-old na teen star, ganyan.

"Gusto ko seryosohin ako, ganun.”

Mukhang sineseryoso naman siya ng industriya at patunay nito ang acting awards niya.

Saad ni Barbie, “Yun nga, kaya din ako nai-inspire na gawin yung best ko para lang hindi... alam mo yun, para hindi ako masabing, ‘Bata lang 'yan! Teen star lang 'yan!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko makilala nila ako kasi sa ginagawa ko. Ayun.”

Gusto raw subukan ni Barbie na gumanap sa papel ng isang transgender.

“Mga edgy roles, ganyan.”

Kung rape victim?

“E, kasi parang normal siya, e. Kumbaga, walang challenge bilang tao.

“E, kapag transgender ka, kailangang baguhin mo ang buong pagkatao mo, 'di po ba? Ayun.

“Or gusto ko mag-try ng siguro mga ibang dialect naman, ganyan. Para din makilala din ako sa ibang lugar.”


ADMIRATION FOR DENNIS. Sino ang gusto niyang maging leading man sa susunod niyang proyekto pagkatapos ng The Half Sisters, sino ang pipiliin niya?

“Dennis Trillo pa rin!” at tumawa si Barbie.

“Kasi nag-iisip pa ako kasi baka may iba naman. Parang wala, e, parang iyon pa rin, e.”

Vocal si Barbie sa pagsasabing crush niya si Dennis noon pa at hinahangaan niya ito bilang isang mahusay na aktor.

Hindi kaya dumating ang pagkakataong igawa sila ni Dennis ng GMA ng isang drama series na sila ang magkapareha? Noon ay may bali-balitang may proyekto na sana silang pagsasamahan.

Pag-aanalisa niya, “Feeling ko naman po everything happens for a reason 'tsaka siguro 'pag right time na.”

Loyal si Barbie sa GMA at kung sakaling may “pipirata” sa kanya na umalis sa GMA ay hindi raw niya gagawin.

Diin niya, “Hindi ko nakikita ang sarili ko sa ibang network.

"Kasi, parang ever since Stairway To Heaven pa lang, GMA ang nag-take ng risk na kunin ako.

“Para kasing nung time pong yun, yung tween stage, iyon yung awkward stage na hindi talaga patok.

“GMA ang nag-take ng risk na kunin ako bilang artista, at naging successful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN