Sarah Geronimo "okay" now with Gerald Anderson and Rayver Cruz

Pagkatapos ng halos limang taon simula nang sila ay naghiwalay, inamin ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo na civil na ang relasyon nila ng ex-boyfriend na si Rayver Cruz. Maayos na rin daw ang pakikitungo nila ng isa pang napapabalitang espesyal sa puso noon ni Sarah na si Gerald Anderson.


Sa guest appearance ni Sarah Geronimo, kasama ang leading man niya sa The Breakup Playlist na si Piolo Pascual, sa Gandang Gabi Vice na umere kagabi, July 5, natanong ng host na si Vice Ganda ang Popstar Princess kung kailan siya huling nasaktan.

Nakangiting sagot ng 26-year-old singer-actress, “Kailan ba yun? Naks, hindi matandaan!”

Hindi agad nasagot ni Sarah kung anong taon ito, pero ang mga tagahanga niyang nasa audience ang nagsabing "2012."

Dugtong ni Sarah, “Baka ano... 2012 yata. Oo, 2012.”

Sabi ni Vice, “Yun yung kay Gerald [Anderson], 2012 yun?”

Na sinagot naman ni Sarah ng: “Oo!”

March 2012 nang umamin si Gerald na inspirasyon niya si Sarah at nililigawan niya ito.

Sa show noon ng Kapamilya star na Sarah G. Live, tinawag pa siyang “Babe” ni Gerald nang mag-guest ito sa show.

Read: Gerald Anderson finally admits courting Sarah Geronimo

Pero hindi natuloy sa relasyon ang ligawang nangyari sa pagitan nila.

“Pero okay na kami ni Ge, okay na kami,” diin ni Sarah.


FIRST HEARTBREAK. Inamin din ni Sarah na mapagpatawad talaga siya.

Tanong muli ni Vice: “E, yung una napatawad mo na?”

Sagot ni Sarah, “A, oo.”

Sundot ni Vice, “A, so okay na kayo ni Rayver [Cruz]?”

Dagdag pa ni Sarah, “Okay na rin kami, okay na rin.”

Si Rayver ang kauna-unahang boyfriend ni Sarah. 2010 nagkarelasyon ang dalawa at tumagal ito ng halos isang taon.

Kahit tumagal sila nang ganun, inamin ni Rayver na kakaiba ang set-up ng kanilang relasyon dahil sa Skype at text lamang sila nagkakausap ni Sarah.

Dalawang beses din lang sila nagkasama na silang dalawa lang—isa ay sa loob ng 30 seconds at ang isa naman ay sa loob ng 30 minutes.

Naghiwalay ang dalawa dahil na-in love sa iba si Rayver—kay Cristine Reyes.

Read: YES! EXCLUSIVE: Sarah Geronimo opens up about her failed romance with Rayver Cruz in YES!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Friends na nga ba sila ni Rayver ngayon matapos ang halos limang taon simula nang sila ay naghiwalay?

Tugon ni Sarah, “A, sakto lang. Mahirap namang… ‘pag nagkikita kami, okay kami.”

Puwede na ba ulit sila magsama ni Rayver sa isang production number sa ASAP?

Sagot ni Sarah, “A, nahiya ako, e... pag-iisipan ko muna.”

Aminado naman ang Popstar Princess na masayang-masaya siya ngayon sa piling ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

“A, oo... oo,” ang nakangiti pa nitong sabi.

Pero gayunpaman, pahapyaw nitong sinabing nagkakaproblema rin sila ni Matteo sa kanilang relasyon.

“Hindi naman maiiwasan yung mga trials, pero okay kami,” pag-amin pa niya.

Pinuna naman ni Vice ang pagiging "palaban" na ni Sarah sa pagsagot sa mga tanong.

Kung noon kasi ay tila parating nag-aalangang sumagot si Sarah sa mga tanong, ngayon ay mabilis at direkta na niyang nasasagot ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN