Heart Evangelista stays away from political plans of husband Sen. Chiz Escudero

Heart Evangelista on happy married life, successful career, and reconciliation with her parents: “Sobrang saya ko, to the point that I feel that one lifetime is not good enough. I need two lifetimes or even more to enjoy how beautiful my life is today.”


Aminado si Heart Evangelista na umiiwas siyang makihalo sa mga bagay na may kaugnayan sa pulitika.

Pero binigyang-diin ng Kapuso actress-TV host na anuman ang maging desisyon ng mister niyang si Senator Chiz Escudero pagdating sa pulitika, buo ang magiging suporta niya rito.

Pahayag ni Heart, “Kung anuman yung gusto niyang gawin, siyempre susuportahan ko siya.

“Pero as much as possible, gusto ko hiwalay ako doon.

“Basta susuportahan ko siya bilang asawa.

“Pagdating niya sa bahay, may mainit na pagkain, normal ang buhay namin.

“We live normal lives, and that’s the best way to support him.

“But when it comes to politics, I try to… ayaw kong makiepal. Kasi diskarte niya yun, e.

“Sa tingin ko din, hindi na rin uso ngayon na mayroon kang asawa na nagdidikta din sa iyo kung anong gagawin mo sa trabaho mo.

“So, I try to avoid that.”

Sigurado na ba ang pagtakbo ni Senator Chiz sa 2016 bilang Vice President?

Tugon ni Heart, “I have no idea.

“Basta kung anuman yung gusto niyang gawin, whether he remains a senator or whatever, I’m just here by his side.

“Basta ako, one hundred percent na susuporta sa magiging desisyon niya.”

Naniniwala ba siyang mas masalimuot ang mundo ng pulitika kaysa sa showbiz?

“Oo, mas matindi, wala namang nagpapatayan sa showbiz, e!” natatawang sagot niya.

May nagsasabi na in the future ay posibleng maging First Lady ng Pilipinas si Heart. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Hindi ko kayang sagutin yung tanong, parang masyado malayo ‘ata sa reyalidad ko, e.

“But uhm… kung anuman yun, basta masaya ako sa buhay ko ngayon, ‘di ba?”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa studio ng Startalk noong Sabado, July 4.

MRS. ESCUDERO. Magli-limang buwan nang kasal sina Heart at Senator Chiz. Kumusta naman ang buhay niya ngayon bilang Mrs. Escudero?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sagot ng Kapuso star, “Very good, very-very happy. Iyong married life, nae-enjoy ko siya.”

Naghahanap na ba siya ngayon ng manggang hilaw?

“A, hindi pa. Ano pa yun, next year pa, end of next year pa,” nakangiting sabi niya patungkol sa pagkakaroon ng anak.

Dagdag pa ni Heart, “Ako, I like to plan things and I feel na may mga kailangan pa akong gawin ngayon.

“Also, aside from that is we just got married, so ini-enjoy pa namin yung mga hindi namin nagawa dati ngayong nakasal na kami.

“Bilang hindi rin naman kami as free as a married couple before we were married, so there are many things now that we can really do and enjoy together nang kasal na kami.

“So, I want to prolong that.

“Kasi, the moment na magkaroon kami ng baby, forever na yun.”

Nabanggit din ni Heart na hindi siya nahirapang mag-adjust sa married life.

“Not at all, hindi nga ako nag-adjust actually, e.

“Siguro ganoon talaga kung pinakasalan mo yung taong kasundo mo talaga.

“Kasi, hindi kami masyadong nag-adjust, very normal pa rin yung relationship namin.

“Siguro, yung the only thing na I’m learning is to cook and the responsibilities na kailangan kong gawin bilang isang asawa sa bahay— mag-grocery, ganoon, magbilin [sa mga namamahala sa bahay].”

FAVORITE DISHES. Ano ang paborito ni Senator Chiz sa mga niluluto niya?

“Paborito niya? Yung ano ko, Arroz a la cubana.

“Galing sa mommy ko kasi siya nagturo sa akin.

“Pati yung polvoron ko, favorite niya.

“Iyong ano rin… shrimp na itinuro rin sa akin ng nanay ko.

“Halos lahat kasi ng iniluluto ko, itinuro sa akin ng nanay ko.

“Ano pa ba? Cake and yung salad... madami, iba-iba!

“Kahit nga breakfast, simpleng breakfast ay favorite niya rin yun.”

Basta luto ninyo, favorite ni Senator Chiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, basta luto ko.

“Pero ano naman din yun, honest din yun.

“Sasabihin niya sa akin kapag wala masyadong ano… pero so far so good.”

SUPPORTIVE HUSBAND. Paano niya ide-describe ang pagiging supportive ni Senator Chiz sa kanyang career?

Ayon kay Heart, “He’s very supportive in a way na hindi siya nakikialam.

“Ganoon din ako sa trabaho niya, hindi rin ako nakikialam.

“Hindi siya yung tipong seloso kahit sa roles o sa pagsuot ng damit, he’s very, very open minded and it works for me.

“That’s the same with me, I’m not very selfish with his time. Alam kong madami siyang kailangang gawin.

“So, I guess, we both support each other, very much.”

Kung may eksenang kissing scene, okay lang ba kay Senator Chiz yun?

“Oh, yeah, yeah, walang problema,” sagot ni Heart.

Sinabi rin ni Heart kung gaano siya kasaya ngayon na nandiyan sa buhay niya si Senator Chiz, maayos ang career niya, at nagkaayos na sila ng kanyang mga magulang.

“Sobrang saya ko, to the point that I feel that one lifetime is not good enough.

“I need two lifetimes or even more to enjoy how beautiful my life is today,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN