Kris Aquino confronts Mayor Herbert Bautista for not texting her when she had allergy

Sinita ni Kris Aquino si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa episode ng Kris TV nitong Lunes, July 6, dahil sa hindi nito pangungumusta sa Queen of All Media nang atakihin ito ng allergy.


Nagkaroon ng tuksuhan sa episode ng Kris TV nitong Lunes, July 6, kung saan guest si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Dating na-link ang actor-politician sa host ng show na si Kris Aquino.

Sa isang punto ng episode, sinita ni Kris si Mayor Herbert dahil sa hindi nito pangungumusta sa kanya nang magkaroon siya ng allergy.

Nagdahilan naman ang mayor na paggising raw nito ay may allergy na si Kris at may jetlag daw siya.

Himutok ni Kris, “Sinabi pa niya [Mayor Herbert] sa akin nanonood siya ng A and A [Aquino and Abunda Tonight], e, maganda raw yung contour ng jawline [ko].

“Tapos dinedma na niya ako nung nagkasakit ako.

“Everybody else nag-text sa akin at nangamusta at nagpadala ng fruits and flowers, ikaw, dumeds [dumedma],” pagtukoy niya kay Mayor Herbert.

Sinabi naman ng guest co-host ni Kris na si K Brosas na normal sa mga babae na maghanap ng pag-aalala mula sa iba.

Sumbat pa ni Kris kay Mayor Herbert: “Kasi, I don’t understand na every other day, apart from the day that I was sick, text ka naman nang text, 'di naman kita kinukulit.

“Tapos, even if we’re just friends, a friend will check talaga.

"Lahat ng friends ko, nag-check."

Paliwanag naman ni Mayor Herbert kay Kris: “Kasi may assumptions, e... ang assumption ko, wala namang nangyaring hindi maganda sa 'yo... hindi ko alam.”

Sa gitna ng kulitan nina Kris at Mayor Herbert, sinabi ni K na “feeling” niya ay bagay ang dalawa.

“Hindi, I think it’s bad,” reaksiyon naman ni Kris.

Humingi naman ng sorry si Mayor Herbert kay Kris.

Biro pa ni K sa kulitan nila: “Ano ba ‘to, PBB Teens?”

Sinabihan pa ni Kris si Mayor Herbert: “Grow up. Basta, grow up. Yun ang message ko sa 'yo, grow up.”

FALLING INTO THE TRAP. Sa isa pang punto ng interview, tinanong ni K si Kris kung galit pa ito kay Mayor Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, I just like to be friendly na lang,” sagot ng Kapamilya TV host-actress.

Nang sabihin ni K na “kailangang kasing ma-resolve,” sagot ni Kris, “No, we don’t have to resolve anything.”

Sinabi pa ni Kris na sinabihan daw siya ng kanyang staff na huwag mahulog sa “trap” ni Mayor Herbert.

“Sabi nila sa ‘kin ‘yan, na inaasar mo lang daw ako, pero 'di dapat ako maasar.

“Pag naaasar pa ako sa 'yo, affected pa ‘ko sa 'yo.

“Kasi sinabi nila na pag napi-feel nila na, ‘Nagmu-move on at happy ka na, aasarin ka niya para maasar ka ulit.’

"Sabi nila, I shouldn’t fall into the trap."

Itinanggi naman ito ni Mayor Herbert.

“Kung ginagawa ko 'yon at alam mo na, hindi effective.

“That means ang assumption mo nga, ginagawa ko 'yon.

"Hindi ko nga ginagawa 'yon, e, talagang ganun lang ang aking nature."


TETAY'S PREFERENCES. Makahulugang tanong ng alkalde kay Kris: “So, ano bang hinahanap mo, unless nahanap mo na?”

Sumagot naman si Kris at inisa-isa ang mga importanteng hinahanap niya sa isang lalaki.

“Ayoko ng tamad. Gusto ko well-read. Gusto ko masipag, mapagbasa… maalalahanin.

"Wala siya dun,” pagtukoy ni Kris kay Mayor Herbert dahil sa hindi nito pag-text sa kanya nang magka-allergy siya.

Depensa pa ni Kris, "Because I’m nurturing. Hinahanap ko 'yon sa ibang tao."

Ikinuwento rin ni Kris ang pagbibigay niya ng pendants kay K na may initials na 'K.'

Sinabi niyang na-delay lang ang pagbibigay niya ng pendants kay K dahil nakalimutan niya ang combinations ng safe, pero pinangangatawanan daw niya ang binibitawan niyang salita.

Biro naman ni Mayor Herbert kay Kris, “Ano bang combination ang kailangan ko para mabuksan ‘yan?” dahilan para maghiwayan ang mga tao sa set.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN