Toni Gonzaga dismisses wedding intrigues: "Kahit anong masabi nila, hindi nila makukuha yung kasiyahan ko nung wedding ko."

Toni Gonzaga bags a real catch in the person of Paul Soriano, does that make her twice wealthy? “Oo, doble ang kayamanan ko ngayon... si Paul ang kayamanan ko, hindi pera,” she says without batting an eyelash.


“How I wish.”

Ito ang matipid na sagot ni Toni Gonzaga nang kunin ang kanyang reaksiyon sa intrigang pinagkakitaan daw nila ni Paul Soriano ang naganap nilang kasal noong June 12.

Si Paul ba ang gumastos sa buong wedding?

Sabi ni Toni, “Si Paul, pero ewan ko kung magkano... si Paul lahat nagbayad, e.”

Wala siyang share sa gastos?

“Ano ko lang... wedding gown ko lang, pero hindi, gift din ni Tito Boy [Abunda].

“Oo, binili ko, pero inano rin ni Tito Boy, binayaran niya, ni-refund niya sa akin.

"Wedding gift niya sa amin."

Aware ba siya na may mga hindi nagandahan sa wedding gown niya kahit ang pamosong fashion designer na si Vera Wang ang gumawa nito?

Pagkikibit-balikat ni Toni, “E, kasal ko naman yun.

"Kapag kasal mo, gagawin mo lahat ng gusto mong gawin.

“Susuutin ko kung ano ang gusto kong isuot kasi kasal ko yun.

“Kung anuman yung ginawa namin doon, sinuot ko, kinanta ko, sinabi ko, kinain namin, kasal naman namin yun.

“Hindi naman nila pera yun, pera naman ni Tito Boy yun, pera naman ni Paul yun.

“So, hayaan na natin.

"Lahat naman may opinion, hindi naman natin maiaalis.

“Pero hindi naman ako nainis, normal lang, lagi naman silang may opinion.

“Kahit naman hindi pa ako ikinakasal, may opinyon na sila, normal lang.

“Ang sa akin lang, kahit anong opinion o kahit anong masabi nila, hindi nila makukuha yung kasiyahan na naramdaman ko nung wedding ko and up to this time.”

MRS. PAUL SORIANO. Nag-sink in na ba sa kanya na Mrs. Paul Soriano na siya ngayon?

Sagot ni Toni, “Naninibago pa rin, especially sa mga papers.

"Kailangang i-clear sa bangko yung name ko, aayusin ko pa pati passport ko."

Pero masarap daw ang buhay-may asawa.

“Oo naman, lalo na kapag tama ang lahat.”

Ano ang mga nabago sa kanya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala na’ng mommy at daddy, ako na ang nagdedesisyon, kami na lang, ganoon.

“Na-realize namin yun siguro noong pagkatapos naming ikasal.

“Two weeks ago, nanood kami ng sine, sabi ko sa kanya [Paul], ‘Uy, grabe, sabay tayong uuwi!’

“Dati nagdi-date kami, hindi pa nga niya ako ihahatid sa amin, e.

"Paglabas namin ng sine, sasakay na ako sa kotse ko. Kanya-kanya na kami ng uwi.”

Nag-honeymoon sina Toni at Paul sa Amanpulo. May part two ba ang honeymoon nila?

“Naku, marami ‘yan. Series!” bulalas niya.

Saan ang susunod nilang honeymoon?

“A, iba-iba. Yung iba, surprise pa niya sa akin.

"Hindi ko alam, e, siya ang nag-book."


BEDMATE. Ilang beses umiyak si Paul noong kasal nila. Pati ba sa kanilang first night ay umiyak din ang direktor?

Sagot ni Toni, “Hindi, ako ang naiyak, nanibago ako, may katabi akong lalaki.

“Hindi ako sanay na natutulog na may katabing lalaki.”

Nakatulog ba sila sa first night nila?

“Mga 4 a.m. kami nakatulog, usap kami nang usap.”

Walang nangyaring intimate sa kanila ni Direk Paul?

“After na ‘yon!” nahihiya pero natatawang sabi ni Toni.

“Nagusap muna... Ang dami naming pinag-usapan, yung mga nangyari.”

Ilan ang gusto nilang anak?

“Gusto ko sana dalawa, gusto ko, boy.

"Pero kung girl, kahit ano basta healthy, mabait.”

Bakit boy ang wish niya na maging first baby nila ni Direk Paul?

“Wala kaming boy sa family.”

NEW DISCOVERIES. Ano ang natuklasan niya kay Paul ngayong mag-asawa na sila?

Natutuwang kuwento ng TV host-actress, “Mukhang baby... mukha siyang baby sa umaga, ang cute! Napaka-cute ng mukha.

“Malinis sa bahay, napaka-OA!

"Mas malinis sa bahay kesa sa akin, ultimo yung tiklop ng damit niya, pulido."

Nag-away na ba sila dahil sa paggamit ng toothpaste?

Sabi ni Toni, “Oo, ang toothpaste ni Paul, ang ayos-ayos.

"Ako, kung saan-saan pumipindot sa toothpaste."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag niya, “Hindi... tig-isa kami, may kanya-kanya kaming toothpaste.

"Kanya-kanyang lababo sa bahay namin sa McKinley [Hills]."

Tingin niya, mas lumaki ang pera niya ngayon?

“Oo, doble ang kayaman ko ngayon—si Paul ang kayamanan ko, hindi pera,” nakangiting sabi ni Toni.

May say na ba si Paul sa career niya ngayon?

“Meron, pero mas lagi niya akong hinahayaang magdesisyon.”

HOME SWEETIE HOME. Samantala, nilinaw ni Toni ang balitang mawawala na ang sitcom nila ni John Lloyd Cruz sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home.

May kinalaman sa pag-aasawa ni Toni ang sinasbaing pagtiklop ng show nila ni John Lloyd.

Pero ayon kay Toni, “Hindi, kasi nga, dahil mag-aasawa na ako, parang baka mabago ang direksiyon.

“Akala nila baka ayoko nang gumawa ng sitcom, hindi naman, okey pa rin naman ako.

"Pareho pa rin naman, so go pa rin ako."

Nag-replay ang show for two weeks dahil kay Toni, “Nag-beg off ako ng two weeks.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN