PEP EXCLUSIVE. Kris Aquino vehemently denies badmouthing Maria Ozawa in an interview

Kris Aquino on allegedly badmouthing Japanese actress Maria Ozawa: "I was never asked, so how can I comment? I was abroad with my sons... I was in Hong Kong Friday [July 3], I just arrived today [July 6]. So, how could have they caught up with me?"


"Kung mag-iingay sila, sana not at my expense..."

Ito ang buwelta ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa isang artikulong lumabas sa isang blogsite, kung saan nagsalita diumano siya laban sa former Japanese AV actress na si Maria Ozawa.

Sa blogsite na Manilalink.com ngayong araw, July 6, ay may headline na ganito: Kris Aquino On Maria Ozawa: "Ilang lalake na gumamit sa kanya?"

Laman ng nasabing artikulo ang "exclusive on-the-spot interview" diumano ng "Manila Link correspondent Cali Hervera" kay Kris noong Linggo ng gabi, July 5.

Kabilang daw sa tinanong kay Kris ay ang tungkol sa pagkaka-link ni Maria sa kanyang kapatid na si President Noynoy Aquino.

Sagot daw ni Kris, base sa lumabas na artikulo: "Ilang lalake na gumamit sa kanya? Wag na nilang i-link yun kay kuya. Yun lang."

Kumalat ang nasabing blogpost sa social media at umani rin ng puna at batikos mula sa netizens.

Ngunit sa opisyal at eksklusibong pahayag na ipinadala ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, July 6, ay mariin niyang pinabulaanan na galing sa kanya ang ganung pahayag.

Unang nilinaw ni Kris na hindi "kuya" ang tawag niya kay Presidente Aquino.

"If you research all my statements regarding my brother, I never referred or addressed him as kuya... only PNoy or Noy.

"So, dun pa lang, mali na.

"Only the eldest in our family is called ate or kuya... That's why Ate (Ballsy) is Ate.

"All the rest, first-name basis kami kasi, 'di ba, laking-Amerika?"

Wala rin daw nag-interview sa kanya tungkol sa pagkaka-link ni Maria kay PNoy.

Sabi ni Kris, "And I was never asked, so how can I comment?

"I was abroad with my sons... I was in Hong Kong Friday [July 3], I just arrived today [July 6].

"So, how could have they caught up with me?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Me and my manager Boy Abunda don't know Manila Link or anyone from there."

Diin pa ng Kapamilya TV host-actress, "So, sa akin lang, kung mag-iingay, sana huwag na akong gamitin."

Sinabi rin ni Kris na ibinigay niya sa PEP ang kanyang statement tungkol sa isyung ito dahil "ang PEP, nagbe-verify ng story."

SATIRICAL WEBSITE. Napag-alaman ng PEP na ang ManilaLink.com ay isa lamang "satirical news site."

Ibig sabihin, ang mga artikulong lumalabas dito ay posibleng base sa mga totoong pangyayari o isyu, ngunit kathang-isip lamang ang mga pahayag o panayam sa mga taong sangkot dito.

Base pa sa description na nakasulat sa mismong website: "Manila Link is the most notorious satirical news site in the Philippines that's updated with headline-worthy articles daily."

May warning pa silang ganito: "This website is not intended for readers under the age of 18."

Sa kabila nito, marami sa mga nakakabasa ng mga artikulo sa website na ito ang nag-aakalang totoo ang mga nakasulat dito at kumakalat pa nga sa social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN