PBB 737 evicted housemate Barbie Imperial clarifies romance with Bailey May

Barbie Imperial on biggest lesson she learned inside the PBB house: "Yung sana mas naging open ako sa kanila. Kahit alam ko po na may something na mali, sana sinabi ko hanggang maayos para hindi po ako parang napag-usapan. Importante yung nakikipag-usap.”


Si Barbie Imperial ang unang housemate na na-evict sa Pinoy Big Brother (PBB) 737.

Lumabas siya sa Bahay Ni Kuya noong Biyernes, July 3, matapos niyang makakuha ng mas mababang boto kaysa sa kapwa nominee na si Bailey Thomas May.

Kagabi, July 6, ay nag-guest ang 16-yer-old Albayanon sa late-night talk show ng ABS-CBN na Aquino and Abunda Tonight.

Paano niya ipinaliwanag sa mommy niya, na sumalubong sa kanya sa labas ng Bahay Ni Kuya, ang kanyang pagkaka-evict?

Pahayag ni Barbie, “Naintindihan naman po niya siguro na na-evict po ako, kasi hindi po siguro talaga para sa akin yung mag-stay pa sa loob ng PBB.”

Nang banggitin ni Toni Gonzaga na si Bailey ang ligtas at siya ang na-evict, sa expression ng kanyang mukha ay parang na-disappoint siya. Ano ang nasa isip niya noong sandaling iyon?

Ayon kay Barbie, “Sobrang na-disappoint po ako kasi yung pagsali ko po sa PBB, para po sa kuya ko at sa pamilya ko.

“Yung kuya ko po nagtatrabaho sa ibang bansa, sa isang hotel sa Dubai po.

“Gusto ko po na umuwi siya para po sa anak niya.

“Nanganak po kasi ang girlfriend niya. Hindi pa po niya nakikita yung baby.”

Inasam daw ni Barbie na ang mapapanalunang premyo sakaling siya ang manalo sa PBB ay maitutulong niya para mapauwi ang kanyang kuya at hindi na magtrabaho pa sa abroad.

BARBIE-BAILEY ROMANCE. Bago siya na-evict, tila na-develop na sila nang husto sa isa’t isa ni Bailey.

Bago nga lumabas ng PBB house si Barbie ay nagpalitan pa sila ng “I love you” ng 12-year-old lamang na si Bailey.

Totoo ba yung ligawan nila?

Sagot ng dalaga, “Hindi naman po siya ligawan. Para sa akin po, crush lang po iyon.”

Ano ba ang ibig sabihin kapag sinabing crush at ano rin kapag nanliligaw?

Saad ni Barbie, “Yung crush po kasi parang may something na parang gusto ninyo ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung ligaw po is… parang niligawan ka niya tapos parang sasagutin mo siya kung gusto mo, may commitment po kayo.”

Bago siya lumabas ng PBB house, ang higpit ng yakap sa kanya ni Bailey. Ano ang sinabi nito sa kanya?

“Kasi po, yung sa loob, sinabi ko po sa kanya na ayoko na pong mag-boyfriend.

“Kasi nalaman ng mama ko na nagka-boyfriend ako. So, para sa akin, ayoko na ulit gawin ‘yon na hindi nila alam.”

FIVE BOYFRIENDS. Sixteen lamang si Barbie, pero sinasabing lima na ang naging boyfriend niya. Totoo ba ito?

Tugon niya, “Five boyfriends pero hindi po siya yung seryoso talaga.”

One week-one week?

“Opo!” sabay tawa ni Barbie.

Mag-aartista ba siya?

“Kung may chance po, mag-aartista po,” sagot niya.

Yung awayan sa pagitan nila ng housemate na si Kamille Filoteo, naayos ba bago siya napatalsik sa Bahay ni Kuya?

“Naayos po,” sabi ni Barbie.

Ano ang pinakaimportanteng leksiyon na kanyang natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya?

“Yun po, yung sana mas naging open ako sa kanila.

“Kahit alam ko po na may something na mali, sana sinabi ko hanggang maayos para hindi po ako parang napag-usapan.

“Importante yung nakikipag-usap,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN