Quezon City Mayor Herbert Bautista dismisses reconciliation rumor with Kris Aquino

Mayor Herbert Bautista on status of relationship with Kris Aquino: “Okey naman kami… ganoon na lang siguro muna, barkadahan lang. Yun ang importante. Friends lang muna ulit, ‘di ba? Kasi kapag wala yung feeling ng barkadahan, wala rin.”


Itinanggi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na nagkabalikan na sila ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

May mga espekulasyon kasing nagkabalikan na sila pagkatapos matuloy si Mayor Herbert na mag-guest co-host sa morning show ni Kris na Kris TV.

“Hindi naman… wala, trabaho lang muna yun,” sabi ni Mayor Herbert nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa labas ng studio ng It’s Showtime noong Sabado, July 4.

Maliban sa pagge-guest niya sa Kris TV, magkakasama rin sina Mayor Herbert at Kris sa upcoming movie na Mr. and Mrs. Split.

Hindi kaya manumbalik ang dati nilang pagtitinginan sa pagsasama nilang ito sa pelikula?

Sagot ng 47-year-old actor-politician, “Wala naman kaming romance.

“Okey naman kami… ganoon na lang siguro muna, barkadahan lang. Yun ang importante.

“Friends lang muna ulit, ‘di ba?

“Kasi kapag wala yung feeling ng barkadahan, wala rin.”

Pero nandoon ba ang pagnanais niyang suyuing muli si Kris?

“Hindi ko alam… basta barkadahan lang muna,” nakangiti niyang sagot.

Aware ba siyang may nagpayo raw kay Kris na pahirapan siya at huwag munang sagutin ulit?

“Hindi ko alam yun. Mukhang hindi naman,” tanggi niya.

Hindi niya nararamdamang pinahihirapan siya ni Kris ngayon?

“Hindi naman, okey lang. Nung nag-taping kami [ng Kris TV], okey naman.”


POLITICAL PLANS. Ano naman ang plano niya sa 2016 elections? Tatakbo ba siya ulit as mayor of Quezon City?

“Oo siyempre. Pero hinid pa kami nagkakausap nina Boss [Vic del Rosario], nina Speaker [Sonny] Belmonte,” sabi ni Mayor Herbert.

Ka-tandem pa rin ba niya si Vice Mayor Joy Belmonte, na anak ni Speaker Sonny Belmonte?

“Yun ang kailangang pag-usapan.”

Kamakailan ay lumabas sa ilang pahayagan ang intensiyon ni Tates Gana, ina ng mga anak ni Mayor Herbert na sina Athena and Harvey, na pasukin na rin ang mundo ng pulitika.

Alam ba niya ang tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, konsehal ‘ata… [pero] hindi pa kami nag-uusap about it, e,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN