Nadine Lustre admits James Reid-Julia Barretto rumored romance has affected JaDine loveteam

Nadine Lustre admits James Reid-Julia Barretto rumored romance has affected her loveteam with James: "Obviously naman po, kasi ang dami rin namang fans ang nagagalit. Parang naano sila, e… Kasi, dito sa Philippines, ang mentality nila, especially the teens, kasi loveteam, they expect us to be sweet to each other. Na kami at walang iba. It does affect naman po, pero bahala na."


Sa kabila ng pagkaka-link ng ka-loveteam ni Nadine Lustre na si James Reid kay Julia Barretto, handa pa rin daw siyang gabayan ang young actor bilang kapareha at kaibigan na rin.

Sabihin mang puwede itong makaapekto sa kanilang tambalan, pero naniniwala si Nadine na ito ang tamang panahon para iparamdam ang kanyang suporta kay James.

Pahayag ng Viva contract star, “Kapag may bagay-bagay na nakaka-stress sa kanya o nakaka-bother sa kanya, I'm always there naman.

“Like, tinutulungan ko naman siya.

“Kasi, yun nga naman po kaya kami magkasama, that's what I do naman po.”

Sa tingin ba niya, nakakaapekto nga ang balitang ito sa loveteam nila ni James?

Pag-amin ni Nadine, “Well, it does, it does…

“Obviously naman po, kasi ang dami rin namang fans ang nagagalit. Parang naano sila, e…

“Kasi, dito sa Philippines, ang mentality nila, especially the teens, kasi loveteam, they expect us to be sweet to each other. Na kami at walang iba.

“It does affect naman po, pero bahala na.

“It depends naman po sa utak ng tao, kung ano ang nasa isip nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa presscon ng pelikulang Chain Mail noong Sabado, July 4.


NO HARD FEELINGS. Wala naman daw sama ng loob si Nadine sa dalawa, lalo na kay Julia.

“No, no naman po.

“I mean, she's so nice naman po, kahit noon sa Para Sa Hopeless Romantic.

“We talk a lot, so wala naman po akong talaga na...

“Me and James naman, we’re open naman po.

“Kung gusto niya, go lang.

"Basta as much as possible ay maalagaan pa rin niya ang career niya.

“Depende naman po 'yan sa kanya kung ano ang gusto niyang gawin.”

Dagdag pa ni Nadine, “I don't really mind the issue po.

“Kasi 'pag pinansin ko po, ako pa na ka-loveteam, lalo pang lalala, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko naman pong lumala ang sitwasyon, kasi baka ma-stress din ako.

“So, hinahayaan ko na lang.”

Ang pagkaka-link ni James sa iba ang itinuturong dahilan kung bakit hindi gaanong kumita ang huling movie ng JaDine loveteam, ang Para Sa Hopeless Romantic, kung saan kasama rin nila si Julia at si Iñigo Pascual.

Depensa naman ni Nadine, “Hindi mo naman talaga maku-control, e.

“Kahit sabihin ko pang, 'No, it's not our fault,' pero yung ibang tao talaga, ganun ang opinyon nila.

“Kung yun ang nasa isip niya, hindi maku-control.

“Pero in fairness naman kay James, since he’s in showbiz, he knows how to handle it.”

Paano kung may pelikulang i-offer sa kanila na ka-love triangle nila si Julia, papayag ba siya?

Tugon ni Nadine, “Opo, why not?

“Sa Viva naman po 'yan, e.

“If there's an opportunity, basta maganda ang project, kukunin ko pa rin po 'yan.”


DEFENDING JAMES. Sa puntong ito, inalam ng PEP kay Nadine kung hindi ba siya nahihirapan na siya ang nagsasalita at nagtatanggol para kay James, samantalang kung tutuusin ay ang young actor dapat mismo ang nagbibigay-liwanag sa isyu.

Tugon ng young actress-singer, “That's why I'm here nga po, para maprotektahan ko din siya.

“Like what I said kanina, hindi naman siya iba.

“Yung nangyari po sa aming dalawa, isa ito sa pinakaimportanteng nangyari sa buhay ko, yung loveteam namin.

“Kaya nandito ako para sa kanya.”

Hindi ba parang unfair na kung si Nadine ay iniingatan ang imahe sa publiko, si James naman ay nali-link sa iba?

Tugon niya, “Hindi ko naman iniisip po na ganun, kasi I care for him din naman.

“So, ayaw ko naman na madapa siya.

“Tutulungan at hahatakin ko rin po siya.

“I'm not complaining naman, I don't care being in the loveteam kasi gusto ko naman po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po ako makakarating dito kung hindi rin dahil sa kanya.”

Pero hanggang kailan kaya tatagal ang loveteam nila ni James?

Sabi ni Nadine, “Hopefully, sana matagal pa po bago maghiwalay.

“Ganun naman po... this is a stepping stone at 'di naman forever na kayo ang magkasama.

“Eventually, we will grow out of it, tulad ngayon na may kanya-kanya kaming projects na gagawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN