Vina Morales: "I am ready for love."

Vina Morales willing to prioritize her lovelife over career: “Siguro if I find someone, I’d probably… on the stage na I can lay low sa career ko. Kasi kahit papa’no naman, mas priority ko naman siguro ‘yon.”


Handa na raw ulit magmahal si Vina Morales.

Ito ang nangingiting sabi ng Kapamilya singer-actress nang mag-guest siya sa Aquino & Abunda Tonight kagabi, July 7.

“I am ready for love. Parang napakatagal naman… napakatagal dumating ng guy na ‘yon!”

She’s not dating yet?

“I was dating for a while, but not really to the point na sobrang serious.

“Now, I’m not. That’s how sad!” tawa ni Vina.

Kung saka-sakali, handa na rin daw siyang i-prioritize ang lovelife o personal niyang buhay kesa sa kanyang career.

“Siguro if I find someone, I’d probably… on the stage na I can lay low sa career ko.

“Kasi kahit papa’no naman, mas priority ko naman siguro ‘yon,” pahayag ng 39-year-old actress-singer.

ANOTHER BABY? Totoo bang nagwi-wish nang magkaroong ng kapatid ang only daughter niyang si Ceanna, na six years old na ngayon?

“Oo, isinusulat niya sa prayer request list niya!” natatawang pagkumpirma ni Vina.

“Kasi sinasanay ko siya na may prayer request siya palagi.

“Sabi ko, ‘Anak, you write naman something that you like, what you crave for.’

“Tapos nung binabasa ko, 'Oh, my God! Ito [magkaroon ng kapatid] ang gusto ng anak ko, patay ako niyan!'

“But, nakakatuwa lang na she wants to have a baby sister or a baby brother.”

AFTERNOON SOAP. Samantala, extended ang afternoon series ng ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, kung saan isa si Vina sa pangunahing tampok na artista.

Sabi niya tungkol dito, “I’m thankful na extended kami.

“At yung ratings, talagang kami ay natutuwa sa outcome ng mga episodes namin na ipinapalabas araw-araw.

“Kasi yung istorya nga naman, kaabang-abang.

“Yung character ko na si Cecilia, naku, maraming hugot.

“Maraming hugot na mukhang marami na rin yata ang maiinis sa akin.

“Pero siyempre hindi maiiwasan yung mga eksena talaga na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s all about yung pamilya kasi, yung pagmamahalan.

“Kasi depende rin ‘yan sa… kasi kung sa paningin ni Cecilia ay tama sa kanya, sa paningin naman ng ibang characters sa Nasaan Ka, e,mali siya.

“So, may kanya-kanya kaming ipinaglalaban.

“Kaya para sa akin ay kaabang-abang yung mga susunod na mga eksena at mangyayari talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN