Richard Gutierrez on relationship with Sarah Lahbati: “Wala naman siyang dapat pagselosan, e. Behave ako.”

Richard Gutierrez affirms tight relationship with girlfriend Sarah Lahbati: “It’s not about kung gaano mo kamahal yung tao. It’s about loving the relationship, yung sa inyong dalawa.”


Nilinaw ni Richard Gutierrez na hindi siya nakaramdam ng ‘inggit factor’ nang masaksihan ang pagpapakasal ng nakatatanda niyang kapatid na si Elvis Gutierrez at longtime partner nitong si Alexa Uichico.

Ikinasal sina Elvis at Alexa sa Santuario de San Antonio Parish, Forbes Park, Makati City, noong June 26.

FIRST LOOK: Elvis Gutierrez, Alexa Uichico wedding

Ganunman, inamin ng actor-TV host na nag-iipon na sila ng wedding ideas ng kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati, sakaling maisipan na nilang lumagay sa tahimik.

“Hindi naman [ako nainggit].

“I was very happy for my brother, I was really enjoying the moment with him.

“Kitang-kita ko na happy silang dalawa ni Alexa nung araw na yun.

“We were all very supportive and happy for them.

“Siyempre, nung nandun ako sa kasal at reception, siyempre nagte-take down na ako ng notes.

“‘Ganito pala yun, ah, ok, alam ko na next time,’” kuwento ni Richard.

Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Richard, 31, tungkol sa usapin kung kailan nila balak magpakasal ni Sarah, 21.

Aniya, “Malalaman niyo na lang. It’s too early now to spill the beans.

“But we’re taking down notes and we’re planning it. Malalaman niyo soon.”


SMOOTH SAILING. Kung tutuusin ay formality na lang ang wedding para kina Richard at Sarah, na parehong bukas sa pagsasabing masaya sila sa kanilang relasyon at pati na rin sa pagpapalaki sa kanilang two-year-old son na si Zion.

Sa parte ni Richard, hindi naman daw siya kinukulit ng kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama pagdating sa usaping paglagay sa tahimik.

“Siyempre napag-uusapan namin yun, napag-uusapan din namin ng parents ko yun.

“But they’re not naman, like, really pressuring me or really pushing me to [get married].

“Siyempre it’s the most ideal situation.

“But si Elvis naman and Alexa ang priority now dahil nga nine years na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Elvis proposed to Alexa, so sila muna,” saad ni Richard.

Nang tanungin ng PEP kung anong tips sa pakikipagrelasyon ang natutunan niya mula kina Elvis at Alexa, ibinahagi ni Richard na mahalaga ang pagkakaroon ng open communication upang malampasan ang anumang pagsubok.

“Kasi nakita ko sila Elvis [and Alexa], marami silang pinagdaanan together. Nag-long distance sila…

“It doesn’t matter kung ano yung struggle or problem in front of you guys.

"As long as you communicate, as long as you love each other, I think yun ang pinakaimportante.

“It's not about kung gaano mo kamahal yung tao.

“It’s about loving the relationship, yung sa inyong dalawa.”

Sa loob ng tatlong taon nila bilang magkasintahan, inihayag ni Richard na hindi naging isyu sa kanila ni Sarah ang selosan.

Ayon pa kay Richard, hindi selosang girlfriend si Sarah.

“Wala naman siyang dapat pagselosan, e. Behave ako,” nakangiting saad ng actor-TV host.

Wala umanong rason para tumingin siya sa ibang babae, lalo pa’t kuntento siya sa relasyon nila ni Sarah.

“Masaya ako ngayon. Wala akong ibang hinahanap pa.

“I’m very content where I am right now. I think that’s very important.”

Siya ba yung tipong one-woman man?

Natatawang sagot ni Richard, “Sa tingin ko naman!”


DADA'S JOY. Hindi rin kaila kung gaano ka-hands on si Richard pagdating sa pagpapalaki ng kanyang anak.

Halos araw-araw raw nilang hinahatid ni Sarah si Zion sa pinapasukan nitong play school malapit sa tinitirhan nilang bahay.

“Konti pa lang nami-miss naming araw, pero almost everyday, we make sure na mahahatid namin siya sa school [at 7:30 A.M.].

“So, maaga kami natutulog ngayon, hindi na kami naglalalabas-labas.

“So early to bed, early to rise. One hour and a half lang school nila.”

Ultimo simpleng pagtawag sa kanya na “Dada” ni Zion ay nagbibigay raw ng sobrang kasiyahan kay Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap kasi very distinct yung voice ni Zion, ‘pag narinig ko sa kanya [na tinawag akong Dada] nae-excite ako.

“Minsan pumapasok yun, maaga siyang nagigising. So, ginigising niya kami.

“Sasabihin niya, ‘Dada!’ Yung isang salita niya lang na yun, kahit na antok na antok ako, gising na ako.

"So, talagang he brings me so much joy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN