Bianca Gonzalez and husband JC Intal expecting a baby girl

Pinoy Big Brother host Bianca Gonzalez, who is now five months pregnant, is expecting a baby girl.


Babae ang magiging anak ng TV host na si Bianca Gonzalez at ng basketball player na si JC Intal.

Sa kanyang Instagram account noong Miyerkules, June 8, nag-post si JC ng larawan ni Bianca, na ngayon ay limang buwang buntis sa una nilang anak.

Ang simpleng caption ng PBA player: “My girls woke me up. Welcome home.”

Sunud-sunod naman ang pagbati ng mga kakilala at followers ni JC sa kanyang post, at pinasalamatan niya ang ilan sa mga ito.

Katapusan ng April nang kumpirmahin ni Bianca ang kanyang pagbubuntis sa episode ng Aquino and Abunda Tonight, sa pamamagitan ng kanyang manager at host ng programa na si Boy Abunda.

Three months na ang dinadala noon ni Bianca nang kumpirmahin niya ang kanyang pagbubuntis sa publiko.

Nagpakasal sina Bianca, 32, at JC, 31 noong December 4, 2014 sa El Nido, Palawan.

My girls woke me up. Welcome home 😊

A photo posted by 🚀 (@jcintal7) onJul 8, 2015 at 6:31am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN