Vin Abrenica happy that brother Aljur finally settles issue with GMA Network

Mag-iisang taon na ngayong Hulyo simula nang maghain ng reklamo si Aljur Abrenica laban sa GMA Network, ngunit ayon sa kapatid nitong si Vin Abrenica, naayos na ang gusot na namagitan sa kanyang kuya at sa home network nito.


Masayang ibinalita ni Vin Abrenica na naayos na ang gusot sa pagitan ng kanyang Kuya Aljur at ng GMA Network.

Isang closed-door meeting daw ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo kaya naman naplantsa na ang hindi nila pagkakaunawaan.

Matatandaang noong July 2014 ay naghain ng reklamo si Aljur laban sa GMA, at gusto na nitong tapusin ang kontrata sa istasyon kahit na sa 2017 pa ito matatapos.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Ayon kay Vin, “Yun ang… mas maganda ngayon, kasi mas maayos na yung mga nangyayari, hindi na…

"Kunyari kapag parents ko nasa bahay, napag-uusapan na namin yun.

“Si Daddy naman, lagi sila ni Kuya ang nag-uusap."

Wala na bang kaso o inurong na ba ng kapatid niya ang inihain nitong reklamo laban sa GMA?

Ayon kay Vin, “Alam ko meron pa… hindi pa ako fully updated.

"Pero as of now, sa naririnig ko, wala naman. Wala nang problema.

“Nag-usap kami ni Kuya at sinasabi niya sa akin, wala na siyang problema.

"And, ako naman kasi, pagdating sa ganun, hindi ako nakikialam sa kanya.

"Kasi it’s his decision, e. Lahat ng desisyon niya, nirerespeto.

“Sa ganun, silang dalawa ni Daddy ang nag-uusap and si Mom.”

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Aljur para sa taping ng The Half Sisters kung saan magiging bahagi na siya ng cast.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin sa press launch ng dalawang bagong shows ng TV5 na LolaBasyang.Com at #ParangNormalActivity, kagabi, July 8.

Ginanap ang press launch sa Sampaguita Gardens, sa Valencia, Quezon City.

Si Vin ang bida sa “Ang Plawta ni Periking” episode ng LolaBasyang.Com na mapapanood sa July 18.


CONTRACT STATUS. Kasabay ng pag-ugong ng balitang nagpapa-release ng kontrata ang girlfriend niyang si Sophie Albert sa TV5, usap-usapan din na pati raw si Vin ay pinag-isipan na ring umalis sa bakuran ng Kapatid network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo ba ito?

Tugon ni Vin, “Ako? Wala pa nga akong sinasabi about that.

"Ang sa akin kasi, ang assessment pa lang namin is July, hindi pa namin naisip ‘yan."

Sa July 14 na magtatapos ang three-year network contract ni Vin sa TV5 na bahagi ng pagiging Best Actor niya sa Artista Academy search ng istasyon noong 2012.

Ayon naman sa manager ni Vin na si Noel Ferrer, pagkatapos ng kontrata nila sa Singko, magkakaroon ng re-negotiation sa kontrata ng kanyang alaga.

At balak din nilang mag-explore ng ibang options.

Pero katatapos lang daw ng meeting nila sa management kung saan may nilulutong teleserye para kay Vin.

Si Sophie naman ay itinanggi ang balitang nagpapa-release na siya mula sa kanyang network contract sa TV5.

Read: Sophie Albert has no plan of leaving TV5 yet


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN