Ella Cruz answers alleged issues thrown against her mom: "Ang mga nanay naman po, concerned po sa work ng kanilang anak."

Ella Cruz is turning out to be a good actress that the Kapatid network has to "borrow" her from ABS-CBN to headline TV5’s latest project, #ParangNormal Activity.


Nagsimula bilang Kapuso si Ella Cruz, lumipat sa Kapamilya network and recently ay ipinahiram sa TV5 para sa seryeng #ParangNormal Activity sa direksyon ni Perci Intalan.

Ang Marimar ang huli niyang show sa GMA bago lumipat si Ella sa ABS-CBN.

“Nag-Tropang Potchi rin po ako dun,” banggit pa niya.

Gumanap daw siya bilang batang Marimar na ginampanan dati ni Marian Rivera.

Binanggit namin na may bago nang Marimar na gagampanan ni Megan Young sa GMA.

“Opo nga po, may bago ng Marimar.”

Nakausap namin ang aktres sa presscon ng #ParangNormal Activity ng TV5 sa Lola Café sa Quezon City, nitong July 3, Biyernes.

CONCERNED MOM. Tinanong namin si Ella tungkol sa isyu na ang ina niya ay may attitude, na mahirap itong pakisamahan ng mga tao sa set kapag may taping si Ella.

“Hindi naman po, wala naman po akong naririnig na ganyan.

“Siyempre ang mga nanay po concerned po ‘yan sa work ng kanilang anak.

“Hindi naman po. Naniniwala po ako na hindi nag-a-attitude si Mama lalung-lalo na pag ako merong show.

“Every time na meron po akong show, thankful po kami.

“Hindi naman siguro sa nag-a-attitude, siguro gusto lang niya na safe ako, yung anak niya po, ganyan.”

Sa tingin ba niya ay stage mother ang ina niya?

“Hindi po, kasi may iba po akong mga kapatid, inaalagan niya rin po, apat po kaming magkakapatid.”

Eighteen years old na ngayon si Ella, ito ba ang dahilan kung bakit hindi na masyadong nagsasasama ang mama niya kapag may taping o trabaho siya?

Noon ngang presscon ng #ParangNormal Activity ay hindi niya kasama ang mommy niya.

Paliwanag niya, “Ah hindi po, same pa rin po nung katulad ng dati na palagi niya akong sinasamahan.

“Kunwari may importanteng event yung mga kapatid ko sa school.

"Sasabihan ko siya, ‘Ma, okey lang na dun ka pumunta, palagi naman tayong magkasama, e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang sa akin na yung kapatid ko naman ang samahan niya.

“Like nung graduation ng kapatid ko sa college, sabi niya, ‘Gusto mo bang rumaket?’

“Sabi ko, ‘Ma, okey lang sa aking rumaket?’

“Kahit na gustung-gusto kong pumunta sa graduation ng ate ko, siyempre yung money makakatulong din naman yun.

“Pero sabi ko, ‘Ma, kailangan mong pumunta dun kasi first time mong makapagpatapos ng anak mo, e...na cum laude pa.’

“So sabi ko, ‘Ma, okey lang sa akin na hindi mo ako samahan sa raket.’”

Si Ella naman ay napilitan naman na tumigil muna sa pag-aaral.

“Nag-stop po ako nung last semester, parang hindi kasi kaya nung schedule, hindi ko pa po kaya yung college life.”

Kumukuha ng Communication Arts si Ella sa Angelicum College bago pansamantalang huminto sa pag-aaral.

BORROWED ARTIST. Aminado si Ella na may pressure sa kanya ang show nilang #ParangNormal Activity dahil siya ang bida bilang isang multong si Charlie at nag-iisang babae sa main cast.

Lalo pa nga at maituturing na mga baguhan pa ang mga kasama niya rito, sina Ryle Paolo Santiago bilang Makoy, Andre Garcia bilang si Red at Shaun Salvador bilang si Third.

“Opo may pressure… basta may bago akong show kahit hindi ako yung lead, gusto ko maganda yung feedback sa show namin.

“So ngayon, may pressure po, super-plug ako, ‘tapos medyo rin bago yung mga kasama ko

“I’m sure naman, magugustuhan sila mga fans kasi lovable naman silang tatlo, ‘di ba?

“Pressure din kasi parang yung iba, hindi pa nila tanggap na parang, ‘O, bakit ka nasa TV5?’

“Sasabihin ko, ‘Hindi po hiram lang po ako,’ ganyan.

“Tsinange [change] ko nga yung bio ko sa Twitter and Instagram.

“Sinabi ko, “ABS-CBN’s Star Magic artist and TV5’s borrowed artist.

“Para hindi na paulit-ulit,” at tumawa si Ella, “para malinaw na I can do shows sa both networks.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood na ang #ParangNormal Activity simula sa July 11 8pm sa Kapatid Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN