Enrique Gil patiently waits for Liza Soberano to turn 18: “May forever po. Promise, promise.”

Ayon kay Enrique Gil, hindi siya naiinip maghintay na dumating ang panahong nasa tamang edad na ang kaparehang si Liza Soberano. Pagdating ng panahon na yun, aasahan daw ng dalaga na siya ang una sa pila ng mga manliligaw nito.


“Alam niya na first in line ako.”

Ito ang deklarasyon ni Enrique Gil sa patuloy pa rin niyang paghihintay na maging 18 si Liza Soberano para maligawan na niya ang ka-loveteam.

Hindi naman itinatago ni Enrique ang labis niyang paghanga kay Liza, na magdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan sa January 4, 2016.

So, kapag 18 na si Liza, siya talaga ang mauuna sa pila para manligaw rito?

Medyo may kinikilig na sagot ni Enrique, “Oo, sagutin na niya ako! Joke lang, joke lang.

“May forever po. Promise, promise.”

Ayon pa kay Enrique, mabilis niyang nakasundo ang pamilya ni Liza nang nagpunta sila sa Amerika para sa promo ng Just The Way You Are.

Nakilala raw ni Enrique ang nanay, lola, at ang iba pang mga kamag-anak ng kapareha.

“Manugang” na nga raw ang tawag sa kanya roon ng isang kamag-anak ni Liza.

Hindi ba siya naiinip maghintay ng ilang buwan pa?

Sagot ni Enrique, “Well, para sa akin, parang sinasabi ko, kahit walang label, basta alam niyang special siya, special ka sa akin, okay na sa akin.”

Nagsabi na rin daw siya ng “I love you” sa dalaga pero pa-joke lang ito.

Nakatakda na rin silang mag-storycon para sa bagong pelikulang pagsasamahan nila pagkatapos ng blockbuster movie nilang Just The Way You Are.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enrique sa contract signing nito bilang bagong endorser ng Cloudfone, ngayong Biyernes ng tanghali, July 10.


SEXY ENRIQUE. Sa kabilang banda, sa unang gabi ng concert ni Enchong Dee na #DeeTour2015 noong July 3 sa Music Museum, isa si Enrique sa mga naging guest; kasama ang iba pang Teleserye Bidaboys na sina Gerald Anderson, Xian Lim, at Rayver Cruz.

Sa kanilang lip sync battle, ang inawit at sinayaw ni Enrique ay ang “Last Dance” ni Donna Summer.

Ang suot ng Kapamilya heartthrob ay isang Superman t-shirt at yellow boxer shorts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya nagkaroon ng lakas ng loob para sa nasabing sexy performance niya?

Pag-amin ng binata, "For the love yun, para kay Enchong lang yun."

Kuwento pa niya, “Bago ako sumalang, nakita ko si Mr. M [Johnny Manahan] at Miss Mariole [Alberto of Star Magic].

"Sabi ko kay Gerald, ‘Ge, Ge, magagalit kaya si Mr. M pag magba-boxers ako?’

“So, nilapitan ko si Mr. M, pero yung boxers ko, parang shorts. So, parang okay lang, kasi boxer shorts naman, e.

"Sabi nila, okay lang naman daw, so ayun."

Ang naturang performance ni Enrique ang isa sa most applauded sa naturang concert ni Enchong.

Read: Enchong Dee shows Twerking skills at his jampacked first major concert


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN