Director Perci Intalan says marriage equality is a legal issue, not religious

Film and TV director Perci Intalan relates job-related separation is one of the sacrifices he and husband Jun Lana endure to make their long-term union last forever, "‘Yan na yung luxury ng sampung taon na kami, twelve years na kaming magkasama. Nakasanayan na namin yung busy kami, hindi na bago sa amin."


Bago pa man naaprubahan ang same-sex marriage sa lahat ng States sa Amerika, nauna nang ikasal ang mga direktor na sina Perci Intalan at Jun Lana sa New York noong 2013.

Read: TV5 executive Perci Intalan marries director Jun Lana in New York

Sa kabila nito, aminado si Direk Perci na subject to debate pa rin ang acceptance ng marriage equality sa malaking parte ng population sa U.S. at lalo na dito sa Pilipinas.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Any place that recognizes marriage equality, kumbaga, you’re lighting light.

“Yung mga lugar na may shadows, nababawasan yung shadows.

“Lalo para sa isang bansang kasing-laki at kasing-importante ng United States, malaking bagay yun.

“Pero kung ang tanong, ano ang bearing niya dito, it just means na there are more voices now saying it’s alright, if it’s accepted.

“Kung dito, alam naming uunti-untiin ‘yan.

“Kami ni Jun, at least, gusto namin na yung society accept it first before forcing yung legislation to accept it also...”

Dagdag pa niya, “May mga nagsasabing baka abusuhin naman ng LGBT yung rights.

“Fear ‘yan siyempre, naku-confront ka na 'Ay, oo, nagkakaboses na yung dating marginalized na.'

“But, I think, the LGBT community is like all other communities.

"Whether it’s the women’s league or women’s movement or yung mga pro-nationalistic, may extremes naman lagi.

"Merong medyo may limitante yung views, mas conservative.

“Merong mas passive, mas aggressive, so sana huwag nilang lalahatin.

“Yun nga ang message ko sa Facebook, e, kaya nga rainbow, kasi it recognizes ang laki ng spectrum.

“Puwede kaming mag-iba-iba ng opinyon or way of doing in fighting for our rights, pero hindi ibig sabihin, lalahatin ninyo.

“Hindi rin ibig sabihin nun na watak-watak kami, it’s just the fact na ang LGBT community is a big community.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LEGAL, NOT SPIRITUAL. May takot ba siya sa mga naglalabasang mga opinyon ng marami tungkol sa marriage equality?

Ayon kay Direk Perci, “Hindi takot, ayaw ko lang na nagkakaroon ng… because of what happened, like sa Facebook, sa social media.

“Yung marriage equality, parang na-force ang religious sector, some of them, to draw a line na hindi.

“Kasi I’m very Catholic, I’m very Christian, eto ang beliefs ko.

“That creates delineationkasi hindi ka dapat tumatawid.

“Hindi naman namin pinu-force e, it’s a legal thing, it’s not spiritual thing.

“Hindi naman natin sinasabi that the church has to recognize all.

“What we are saying, sana yung rights as a couple, yung legal rights, hindi naman spiritual.

“Gusto ko nga sabihin sa mga tao na, 'I’m a Catholic person, I’m very spiritual, pero I’m gay.'

"Puwedeng mangyari yun."

Dagdag pa niya, "Huwag ninyong hanapan ng justification ang lifestyle ko just because mahal ko ang Diyos.

“Doon ako natatakot na sana hindi dumami yung mga ganun ang pag-iisip.”

BUSY BUT STILL TOGETHER. Samantala, itinanggi naman ni Perci na nagkakaproblema sila ni Jun dahil sa sobrang busy ng kani-kanilang schedule.

Dalawa ang bagong shows ngayon ni Direk Perci sa Kapatid network: ang youth-oriented horror series na #ParangNormalActivity at fantaseries na LolaBasyang.com.

Kumpara noong nasa executive seat pa siya ng TV5, mas marami raw nakakain na oras niya ngayon sa pagdidirek kung kaya’t nasasakripisyo minsan ang bonding moments nila ni Direk Jun.

Saad ni Perci, “Oo, mas busy ako ngayon dahil pag nag-taping, 24 hours ang kakainin, plus may pre-production pa.

“So far, ginagawa ko ito thrice a week, medyo madalas-dalas yun.

"And in between, sinisingit-singit ko yung duties ko as producer naman nito.

“Dati kasi busy, pero mas mahaba rin naman yung dahil 2 A.M., 3 A.M., pero nasa computer ka naman, nasa meeting ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, takbo ka nang takbo.

"Pero I enjoy it more kasi masaya, nakikita mo yung show mo, nabubuo."


SACRIFICES. May nabago o pagbabago sa pagsasama nila ni Direk Jun?

Tugon ng direktor, “Wala naman.

"Sobrang busy kasi siya ngayon, may dalawang pelikula siyang ginagawa sa Regal.

“Mag-o-open pa itong Anino Sa Likod ng Buwan… yung indie film niya na mag-o-open sa Karlovy Vary Film Festival sa Czech Republic, pupunta siya next week...

"Dapat nga kasama ako doon dahil ako ang producer nun, pero hindi ako makakasama kasi nga maglu-launch kami [ng mga shows sa TV5].

“Sayang, hindi na nga ako nakasama sa New York sa Prenup [movie nina Sam Milby at Jennylyn Mercado for Regal], tapos hindi pa ako makakasama sa Karlovy Vary.

"Na dati, ang dali-dali lang, magli-leave lang ako, makaka-join na ako.

“But, you know, yun ang mga sacrifices, e.”

Hindi ba malalagay sa alanganin ang relasyon nila dahil pareho na silang direktor at busy?

Pahayag ni Perci, “Hindi, ‘yan na yung luxury ng sampung taon na kami, twelve years na kaming magkasama.

“Nakasanayan na namin yung busy kami, hindi na bago sa amin.

“Dumaan na kami sa Dementia, yung the past two years na nagdidirek ako, nakapa na rin namin ang tamang timpla doon.

“Kanya-kanyang space kasi pareho kaming highly stressed sa sitwasyon, nakapag-adjust na kami.”


ADOPTION. Planong mag-adopt ng baby nina Perci at Jun, pero sa estado ng kani-kanilang karera ay parang malabo na itong mangyari.

“Sana makapag-adopt pa rin.

“Kasi yung pagdidirek naman, ano 'yan, e, parang waves.

"May time na ang dami-daming nangyayari, may time na lumuluwag.

“So, sana, mahanap namin yung tamang cycle para mag-anak… parang mag-anak daw, o!" tawa ni Direk Perci.

Patuloy niya, “Pero gusto pa rin namin in the next five years, ten years.

"Kasi, yun ang ganda ng nag-a-adopt, yung walang time frame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka hindi ako naniniwala sa age gap na huwag masyadong malaki.

"Kasi yung parents ko, forty-five [years old] nong ipinanganak ako, e.

"So, wala akong problema for as long as youthful pa rin yung pananaw mo at accepting ka.

“Kahit ang laki-laki ng age gap mo, mapapalaki mo pa rin yung bata yung tama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN