Bouncers speak up about bar incident involving Baron Geisler

Ayon sa mga bouncers na nakasagutan ni Baron Geisler sa isang bar sa Angeles City, Pampanga, hindi umano iyon ang unang pagkakataong pumunta sa kanilang bar ang aktor at gumawa ng eksena.


Naglabas na ng kanilang panig ang bouncers ng isang bar sa Angeles City, Pampanga, na tumangging papasukin sa kanilang establisimyento ang aktor na si Baron Geisler.

Matatandaang kumalat sa Internet ang video kung saan makikitang nakikipagtalo si Baron sa bouncers ng isang bar dahil ayaw siyang papasukin ng mga ito.

Sa inilabas namang official statement ng ALV Talent Circuit, Inc. na humahawak sa career ni Baron, sinabi nilang nakaranas ng diskriminasyon ang aktor dahil na rin sa "stigma" sa mga nakaraang isyu na kinasangkutan nito.

Read: Baron Geisler's camp speaks up on Pampanga bar incident; says the actor suffered discrimination

Read: Video of Baron Geisler's altercation with a bouncer in Pampanga goes viral

Ngayong araw, July 10, ay nagbigay na rin ng kanilang panig ang dalawang bouncers na sangkot sa nasabing isyu

Paliwanag ng bouncer na si Edgar Tolentino, na nakasagutan ni Baron, hindi nila pinapasok ang aktor sa bar dahil lasing umano ito.

"May rules kasi kami dito, pag lasing na at 'di mo na kaya, bawal na," sabi ni Tolentino.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News Online, sinigawan at minura umano ng aktor ang bouncers nang sabihan siya tungkol sa polisiyang ito ng establisimyento.

Lahad ng isa pang bouncer na si Ronnie Tanglao, "Sabi niya, 'Magkano ka ba? P*tang ina mo, papatayin kita, pati anak mo!' sabi niya."

Hindi rin daw ito ang unang pagkakataong gumawa ng eksena si Baron sa nasabing bar.

Tatlong taon na ang nakalilipas, pumunta umano sa nasabing bar si Baron.

Bukod sa naninigarilyo raw ito sa dancefloor, nanghipo rin umano ito ng babaeng customer.

Ayon kay Tanglao, baka raw akala ni Baron ay kaya niyang gawin ito dahil artista siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN