Jennylyn Mercado on alleged boycott of FHM Top 100 Sexiest finalists to protest her win: “Totoo ba yun? Hindi ko alam.”

Jennylyn Mercado reacts to the allegation that some of her fellow Kapuso actresses, who are also finalists in FHM’s Top 100 Sexiest poll, will boycott FHM’s grand party slated tonight at the SMX Convention Center, to protest her victory: “Hindi naman ako in control diyan, e. Pagdating sa ganyan. Hindi ko naman mapi-please lahat kasi. Kumbaga, hindi ko naman hiningi dumating lang siya, e.”


Sa rehearsal pa lang sa SMX Convention Center kagabi ay halatang kinakabahan na si Jennylyn Mercado sa kanyang pagrampa sa FHM Philippines party ngayong gabi sa SMX Hall ng SM MOA.

May temang "Bro Con" ang big party ng FHM ngayong gabi na kung saan ang number one Sexiest Pinay na si Jennylyn Mercado ay magkakaroon ng production number at rarampa sa finale.

Sabi ng Kapuso actress, “Nagri-rehearse pa nga lang ako kinakabahan na ako. Kasi 'di talaga ako sanay.

“Nakita n'yo bang naglalakad o nag-fashion show?

“First time ko talagang tumuntong sa stage, 'tapos naglalakad na may konting choreography. Sanay akong kumanta.”

Ibang-iba naman daw ito sa pagrampa niya noon sa Bench underwear show.

Pati sa paghahanda ay wala raw siyang panahon dahil sunud-sunod din ang trabaho niya.

“Honestly, wala talaga,” pakli ni Jennylyn.

“Kailangan kong kumain, kasi sunud-sunod yung trabaho ko.

“Ayoko naman i-starve ang sarili ko. Lahat ng maisip kong kainin. I eat every day, so wala talaga,” natatawa niyang pahayag.

DEFINING SEXY. Iba naman daw ang pananaw niya sa pagiging sexy, at sabi nga niya ang ipapakitang sexiness daw niya mamayang gabi ay “attitude” lang.

Aniya, “Hindi porke’t nag-FHM ka, kailangan payat o kailangan i-pressure mo ang sarili mo.

“Naniniwala pa rin ako na hindi pagkapayat ang basehan ng sexy. Yung medyo malalaman. Depende na yun kung paano mo dadalhin ang sarili mo.

“Kailangan patunayan natin na hindi kailangan skinny ka para maging sexy.”

Ang gusto lang daw niyang paghandaan ay ang sexy outfit na isusuot niya mamayang gabi dahil ayaw na ayaw daw niyang magkaroon ng wardrobe malfunction.

“Sinisigurado ko po kasi mahirap na. Baka mamaya may sumilip na hindi dapat sumilip. Nakakatakot,” natatawa niyang pahayag.

BOYCOTT? Pero nagulat ang 28-year-old Kapuso actress sa intrigang ibu-boycott daw ng mga kasamahan niya sa Top 10 Sexiest ng FHM, dahil hindi raw nila matanggap ang pagkaluklok sa kanya sa number one slot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman sa mga taga-FHM na ang kilalang volleyball player na si Rachel Ann Daquis na nasa no. 8 na posisyon ang rarampa mamayang gabi. Bukod dun, wala na.

Tumanggi raw na rumampa ang nasa no. 2 na si Andrea Torres.

Si Max Collins na nasa number 10 ay nag-confirm daw nung una, pero dahil sa personal na rason, nagkontra-abiso na ito.

“Totoo ba yun? Hindi ko alam,” bulalas nito.

“Hindi naman ako in control diyan, e. Pagdating sa ganyan.

“Hindi ko naman mapi-please lahat kasi.

“Kumbaga, hindi ko naman hiningi dumating lang siya, e. Sila naman ang gumawa nun para sa akin.”

NOT CONCERNED WITH RANKINGS. Kaya kahit nahihirapan siya at nahihiyang rumampa, kailangan daw niyang daluhan itong FHM event bilang pasasalamat sa lahat na bumoto at naglagay sa kanya sa number one Sexiest Pinay.

Kung totoo man yun, sasama ba ang kanyang loob?

“Siguro,” naalangan niyang sagot.

“Pero kung ako sa lugar nila…ilang beses na din naman ako na nasa Top 5, sa Top 10, hindi naman ako nag-ano…wala talaga sa akin yun.

“'Di ba, sinurprise nga nila ako sa airport na hindi ko nga alam na ako ang number one,” dagdag niyang pahayag.

Pahayag pa ng aktres, sana hindi naman daw totoo ang intrigang gusto siyang iboykot ng mga kasamahan niya sa Top 10, lalo na’t karamihan ay mga kasamahan niya sa Kapuso network.

“Kung ako ang nasa lugar nila, ako ang magiging masaya para sa mga kasamahan ko.

“Lalo na sa lahat na sa FHM Top 10, sa GMA. So magiging happy na sana ako. Sana hindi naman totoo yun,” saad ng kauna-unahang Starstruck Female Survivor.

“Positive lang sana.

“Kung ano man yung nangyayari sa buhay ko ngayon, masaya ako, Kung ano man yung achievements ng ibang tao, siyempre happy din ako,” sabi pa nito.

FHM AIRS SIDE. Nakausap naman ng PEP si Mr. Aeus Reyes, ang brand manager ng FHM. Wala raw siya sa posisyon para sagutin ang intrigang ibu-boykot ng ibang nasa Top 10 ang pagiging number one ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“On my end, I don’t think I’m in the position to answer that for them.

“To be fair to the…usually the number twos, number threes don’t really attend. I guess we understand why,” sagot nito.

Saad pa ni Mr. Reyes, “Everyone who is part of the list is invited every year.

“We reach out to them every year and if they say that they can’t make it, then we don’t push the issue.”

Nilinaw lang niya na ang pagiging number one ni Jennylyn sa FHM’s Sexiest Pinay ay wala raw ginawa doon ang FHM. Iyun ay base lahat sa botong natatanggap.

FHM doesn’t have any say on this.

“It’s really the readers, FHM followers who decide who the sexiest woman is,” seryoso niyang pahayag.

Muli naming tinanong kung meron nga bang boycott.

“I’m not sure. I can’t answer that for them,” mabilis na sagot ni Mr. Reyes.

Basta ang gusto lang ni Jennylyn na ipakita ang lahat na kaya niyang gawin mamayang gabi, dahil ngayon lang ito mangyayari sa kanyang career.

“Iniisip ko na lang na pagkatapos nito, hindi ko na magagawa uli. Itong taong ito, isang beses ko lang gagawin.

“So kailangan ibigay ko na lahat,” nakangiting pahayag ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN