Ai-Ai delas Alas gives update on Jiro Manio’s condition; Andrew Manio thankful to Ai-Ai for helping his son

In an interview with Startalk earlier, July 11, Concert Comedy Queen Ai-Ai delas Alas shared that Jiro is now in good condition and is currently staying in a wellness facility. “Nasa magandang kalagayan po si Jiro ngayon at nagpapagaling po siya. Ang sabi po ng doktora sa akin, siguro mga three to four months magiging okey na siya."


Tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa dating child actor na si Jiro Manio matapos ang pinagdaanan nitong depresyon.

Ibinahagi ni Ai-Ai sa Startalk kaninang hapon, July 11, na nagpapagaling at nasa maayos na kalagayan na ngayon si Jiro.

Dagdag pa niya, “Ang sabi po ng doktora sa akin, siguro mga three to four months, magiging okey na siya."

Nang tanungin naman ng Startalk host na si Lolit Solis kung nasa rehabilitation center ba si Jiro, sinabi ng Let The Love Begin actress na nasa isang wellness facility ngayon ang dating aktor.

Nagpasalamat din siya sa mga nagbigay ng tulong kay Jiro, kabilang na ang aktres na si Lorna Tolentino, na nakasama ni Jiro sa pelikulang Magnifico (2003).

“Thank you nga pala po kay Dr. Bernadette Arcena na nagbigay ng discount para sa professional fee niya kay Jiro.

“And kay Miss Lorna Tolentino rin, thank you dun sa [mga] nagbigay.”

Sinabi rin ni Ai-Ai na patuloy ang komunikasyon niya sa adoptive father ni Jiro na si Andrew, na kasama rin sa interview kanina.

“Simula noong natagpuan si Jiro sa NAIA, nagti-text na kami ni Daddy.

“And thank you nga rin pala sa [Kapuso Mo] Jessica Soho, kasi yun yung tinext nila ako kung gusto ko makita si Jiro at matulungan.”

Read: Ai-Ai delas Alas takes on role of mother to Ang Tanging Ina co-star Jiro Manio

Kasama rin nila sa interview ang kapatid ni Jiro na si Anjo, na huling nakausap ni Jiro noong sunduin siya nito sa NAIA.


THANKFUL TO AI-AI. Malaki naman ang pasasalamat ni Andrew Manio kay Ai-Ai dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa kanyang anak.

“Nagpapasalamat po ako nang malaki, na nandiyan po siya.”

Ito naman ay pinatunayan ni Ai-Ai.

Saad niya, “And in fairness naman po kay Daddy, dun sa mga nagsasabing pinabayaan niya si Jiro, na hindi niya inaalagaan si Jiro, hindi po totoo ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit maliit pa po si Jiro, nakita po namin yung hirap na dinadanas ni Daddy.

“Pinapakain si Jiro, kinakarga ‘pag tulog, hindi po totoo yun [na hindi niya inaalagaan]."

Dagdag ni Ai-Ai, “Talaga lang po naging maraming problema si Jiro na personal kaya po napunta siya sa ganung estado.”

Tinanong naman ni Lolit kung bakit hindi naagapan ang paglihis ni Jiro sa tamang landas.

Sagot ng ama ni Jiro, “Wala po yung mama niya, wala po yung tunay na lola niya, bale sa ‘kin po lumaki si Jiro.

“[During] that time na nagte-taping kami [ng mga palabas niya], hindi ko naman po alam na, yun nga, nagkaganun siya... na medyo parang gusto niya mag-solo.”

Dugtong naman ni Ai-Ai, “And kasi Tita Lolit, tama ba 'ko, Daddy? Three years kasing na-rehab si Jiro.

“Lalabas, papasok, 'tapos three months lang siya sa labas 'ata and then pumasok uli.”

Hindi rin daw nalaman ni Andrew na nalululong na pala si Jiro noon sa bisyo dahil hindi nakatira noon ang huli sa kanila.

“Di ko po nakikita kasi wala na po siya sa bahay namin, bale tumira po siya sa bahay ng girlfriend niya.”


BALIK-SHOWBIZ. Tinanong naman ng isa pang host na si Joey de Leon kung bakit parang mailap si Jiro sa mga tanong kung gusto pa niyang bumalik sa showbiz.

Tugon ni Ai-Ai, “A, sa ganito pong state kasi, parang ayaw niya po talagang mag-artista.

“So, tingnan na lang po natin ‘pag lumabas na siya at magaling na siya, tingnan muna natin kung anong gusto niya."

Dagdag niya, “Kasi ako, sabi ko sa kanya, ‘Kung ano lang yung magiging masaya ka, magiging mapayapa yung buhay mo, dun tayo. Hindi kita pipilitin kung ano yung hindi mo gusto.’

“Ang gusto ko lang, gumaling siya at maging maayos ang buhay niya.

“So, kung ayaw po niya maging artista, hindi po natin siya mapipilit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro magwo-work siya pero hindi ko lang po sure kung gusto niya maging artista.”

Tinanong naman ni Lolit kung ano pang trabaho ang puwedeng gawin ni Jiro bukod sa pag-aartista.

Ayon kay Ai-Ai, kahit anong trabaho naman ay puwedeng ibigay ng Ang Tanging Ina co-star nilang si Marvin Agustin, na businessman din at may chain of restaurants.

Read: Marvin Agustin, Carlo Aquino also offer to help Ang Tanging Ina 'brother' Jiro Manio

“Ay, anything naman ibibigay ni Marvin Agustin.

“And thank you nga pala kay Marvin, sabi niya tutulungan niya 'ko na magkatrabaho si Jiro.

“Anything na gusto niya, na kaya niyang gawin, na puwede niyang gawin, [para] sa ikabubuti niya.”

Hirit naman ni Manay Lolit, “Dahil may Japanese blood si Jiro, puwede siya magluto ng Japanese food.”


MESSAGE TO JIRO. Naitanong din ng hosts kung saan uuwi si Jiro 'pag nakalabas na ito ng rehab.

Tugon ni Andrew, “Sa ‘min pa rin po kasi yun nga po... yun nga lang po nagkaroon kami ng tampuhan ni Jiro, kaya lang sa ‘min pa rin po uuwi.”

Subalit nilinaw rin ni Andrew na puwedeng umuwi si Jiro sa bahay ng kanyang kapatid.

Ano naman ang mensahe ni Andrew sa kanyang anak na si Jiro?

“Message ko po kay Jiro, sana po matulungan niya yung sarili niya.

“Dahil siya lang po [ang] makakatulong sa sarili niya, yun lang po, suporta na lang po [ang] ibibigay ko sa kanya.”

Nag-iwan din ng mensahe si Anjo sa kanyang kapatid.

“Sana po magbago na siya, maging maayos [na] po buhay niya.

“Dahil andito naman po ako, hindi ko siya papabayaan, iiwanan.

“Kumbaga, partners-in-crime kaming dalawa, e. Kaya sana tulungan niya yung sarili niya po.”

Nagbigay naman ng pasasalamat si Ai-Ai sa mga tumulong sa award-winning Magnifico lead star.

“Magpapasalamat lang ako kay Dra. Arcenas, then kay Miss LT—Lorna Tolentino—dahil nagpadala siya ng tulong...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong naman ni Manay Lolit, “Anong ipinadala niya? Hindi ko alam yun, ah!

Natatawang sagot ni Ai-Ai, “Ano, cheke!”

Pagpapatuloy niya, “And kay Miss Irene Felizarte, at sa lahat po ng followers ko, mga fans, sa kind words po ninyo and prayers sa akin and para kay Jiro.

“Maraming salamat po sa lahat ng suporta niyo para sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN