Polo Ravales undergoes successful lower back surgery: “Yung faith ko kay Lord, mas tumindi.”

Polo Ravales narrates how his slipped disc condition came about: “Mga two weeks before, may na-feel na akong parang umiipit na ugat sa balakang ko, pero hindi ko pinapansin. Akala ko kasi simpleng ipit lang, and then nung birthday ko, meron akong premiere night ng indie movie na ginawa ko. Nag-prepare ako, naligo ako. Pagligo ko, may parang lalo siyang pumasok, yung ugat sa may buto. Yun, nagkaroon ako ng slipped disc, yung sobrang sakit, kasi nga umipit yung nerve.”


Nakunan ng Startalk nung nakaraang Lunes (July 6) ang paglabas ni Polo Ravales sa UST Hospital kunsaan siya na-confine ng walong araw pagkatapos niyang ma-operahan sa likod.

Nilinaw ni Polo ang naunang lumabas na balita na nadulas daw siya sa banyo kaya siya nagka-slipped disc.

Read: Polo Ravales undergoes surgery to repair a slipped disc

Simulang kuwento ng aktor, “Bago kasi nung birthday ko which is nung June 27.

“Mga two weeks before, may na-feel na akong parang umiipit na ugat sa balakang ko, pero hindi ko pinapansin.

“Akala ko kasi simpleng ipit lang, and then nung birthday ko, meron akong premiere night ng indie movie na ginawa ko.

“Nag-prepare ako, naligo ako. Pagligo ko may parang lalo siyang pumasok, yung ugat sa may buto.

“'Ayun, nagkaroon ako ng slipped disc, yung sobrang sakit, kasi nga umipit yung nerve.

Hindi lang maipaliwanag ni Polo nang maayos, pero nung yumuko raw siya, parang may narinig daw siyang parang lumagutok na parang may kumalas na buto sa lower back niya.

Ang isa sa tinuturong dahilan ay ang maling pagbuhat daw niya sa gym.

“Grabe yung sakit, kasi nga may nerve nga nung ugat ko sa lower back na umipit sa ano,” patuloy nito.

INTENSE PAIN. Hindi na raw siya itinuloy sa premiere night, kundi ipinasok na siya sa hospital dahil hindi na raw niya halos maiapak ang paa niya sa sobrang sakit.

Kaya sa halip na magbi-birthday raw siya kasama ang mga kaibigan, sa hospital na siya bumagsak.

Ang unang payo raw ng doktor ay kailangang operahan ito sa likod para lagyan ng titanium ang lumbar area niya. Pero hindi na ito itinuloy.

Nagkaroon pa rin ng operasyon pero wala na raw inilagay na titanium na napakalaki ng halagang kakailanganin.

Aniya, “Hindi na, kasi ang sabi ng doktor healthy naman daw yung buto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ginawa lang is tinanggal lang talaga yung umipit na ugat dun sa disc nung sa may lower back ko.”

Ipinakita ni Polo sa amin ang maliit na hiwa sa may bandang baba ng likuran nito.

THANKFUL TO FRIENDS' SUPPORT. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa kanyang pamilya at mga close friends dahil hindi sila nakalimot na tumulong sa kanya sa pagdarasal na gumaling siya agad.

Ilan pa sa mga malalapit niyang kaibigan ay nagbigay ng tulong pinansyal ay sina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon at pati raw si Direk Gil Tejada.

“Nabalitaan lang kasi ni Dingdong kay Sunshine.

“Supposed to be nung birthday ko, may taping kami ni Sunshine sa Love Hotlines. Hindi ako natuloy kasi sa hospital na nga ako,” pahayag ng 33-year-old hunk aktor.

“Kay Dingdong, thank you. Kay Sunshine, maraming salamat, Kay Direk Gil thank you.

“Sa lahat na nagbigay ng prayers, at tumulong sa lahat nang bumisita dito sa hospital, maraming salamat.

“Magpapagaling lang ako.

“Pagka magaling na ako, imi-meet ko kayo personally, and sana yung guesting namin ni Sunshine matuloy naman, 'di ba? Ang tagal na naming hindi nagkita, nagkasama. Sayang, 'di ba?” saad nito.

RARING TO GET BACK TO WORK. Ito raw ang kaarawang hinding-hindi niya makakalimutan dahil nga sa nangyari sa kanya. Pero malaki raw ang nabago sa kanya, at lalo raw siyang napalapit sa Diyos.

“Yung faith ko kay Lord, mas tumindi.

“I just want to ask why. Bakit nung birthday ko pa.

“Pero I think, meron Siyang deeper reason kung bakit Niya... alam mo yun.

“I would find out why. Kung bakit Niya hinayaan mangyari yun,” seryoso niyang pahayag.

Ang tantiya ni Polo, mga isang buwan pa siyang magpapahinga at tuluy-tuloy na therapy, makakabalik na siya sa trabaho.

“I hope so.

“Gusto ko nang mag-work. Kailangan mag-work, pambayad ng hospital,” natatawa niyang sagot sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN