Benjamin Alves denies dating Kylie Padilla; praises co-star Heart Evangelista

Gusto raw ni Benjamin Alves na bago matapos ang taong 2015 ay may maipakilala na siyang girlfriend sa publiko. Sabi pa niya, "I still have six months. Who knows?"


“I wanna end the year na may ma-announce akong ganun. I still have six months. Who knows?”

Ito ang sagot ni Benjamin Alves nang matanong ng media tungkol sa kanyang pagiging loveless.

Matagal na kasing walang nababalitang nililigawan o naging girlfriend ang 26-year-old Kapuso actor.

Dating na-link si Benjamin sa singer na si Rachelle Ann Go, mga beauty queen na sina Janine Tugonon at Pia Wurtzbach, at aktres na si Jennylyn Mercado.

Ngayon naman ay inuugnay ang pangalan niya kay Kylie Padilla, na kakahiwalay lang sa non-showbiz boyfriend nito.

Is he dating Kylie?

Sagot ni Benjamin, “No, no, no...

"Is Kylie single? Oh, my God! Oo nga pala, ano?

"We'll see, in general.

"But if Kylie’s single, man, she’s gonna have a long line with the guys, you know. Big catch!”

Sa ngayon, lumalabas naman daw si Benjamin paminsan-minsan para makipag-date, pero ayaw na niyang magdetalye tungkol dito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng GMA News si Benjamin sa launching ng Samsung NX500 camera nitong nakaraang Biyernes, July 10, sa SM Aura Atrium, The Fort, Taguig City.


BEAUTIFUL STRANGERS. Sa Agosto ay mapapanood na sa GMA Network ang upcoming primetime series na Beautiful Strangers na kinabibilangan ni Benjamin; kasama sina Heart Evangelista, Lovi Poe, at Rocco Nacino.

Ayon sa aktor, magaan katrabaho si Heart.

“Nakakatuwa... we’re getting more scenes together na kasi we’re brothers and sisters there.

“Nakakatuwa siya. Magaan siya.

"Even if she’s always travelling, I’m sure puyat na puyat siya, pero hindi mo maramdaman yung stress sa kanya.

"Pag kasama mo siya, sobrang gaan."

Bilib din daw siya sa galing ng beteranong aktor na si Christopher de Leon na kasama rin nila sa show.

“Normal naman yun [kabahan], especially Christopher de Leon yung kaeksena mo.

"Make sure you’re ready whatever he gives you ‘coz I’m sure he will give a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Especially in our scenes, we’re always fighting, he gives a lot."

Ano ang natutunan niya mula sa mga naging eksena nila ni Christopher?

Sabi ni Benjamin, “He’s very sharp and he comes in prepared.

"Hindi mo nakikita si Tito Boyet na meron siyang hawak na script.

"Ganun siya, e, meron na siyang method, meron siyang process."

Super-excited na raw si Benjamin sa Beautiful Strangers dahil maraming confrontation scenes ang mga karakter dito.

“Intense. It is. Revenge, and lahat kami merong conflict sa isa’t isa.

"Lovers, former lovers, family... andami. Husband and wife, father and son...

"Lahat ng relationship ini-explore ng mga writers namin kung paano ba gagawin na may conflict talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN