Dingdong Dantes overly excited about the arrival of “little Marian”

“There are some people na nagtatanong, they will ask me kung ano ba ang gender. Alangan namang sabihin kong secret, siyempre proud ako,” says Dingdong Dantes about announcing the gender of his first baby with wife Marian Rivera.


Kung natuwa ang fans nang ianunsiyo ang kasarian ng magiging anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, mas natutuwa raw ang expectant celebrity dad.

Sandaling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa ginanap na party para sa 25th anniversary ng Belo Medical Group, noong Huwebes, July 10.

Dito ay nabanggit namin na sobra ang excitement ngayon ng fans nila ni Marian sa pagdating ng kanilang unang anak.

Sagot naman ng Kapuso actor, “Grabe. Siguro, sa akin, mga million times more ang excitement.”

Matatandaan na si Dingdong ang unang nag-announce sa publiko, sa pamamagitan ng Instagram, na babae ang magiging anak nila ni Marian.

Hindi naman daw sinadya na siya ang magpaalam sa publiko tungkol sa kanilang baby.

Ani Dingdong, “Ang usapan lang is let's not plan it. If we see an opportunity lang.

“Siyempre, we knew about it before pa, pinag-usapan lang naman kung kailan ba tamang [i-announce].

"Naramdaman lang namin, it was that Saturday."

Pretty soon, we will have to make a decision on what she should wear first 😉

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) onJun 27, 2015 at 4:26am PDT

Pinabulaanan din ni Dingdong ang bali-balitang gusto nilang itago sa publiko ang kasarian ng kanilang magiging anak.

Sabi ng aktor, malabo itong mangyari.

Paliwanag niya, “I mean, bukod sa pamilya, sa trabaho, there are some people na nagtatanong, they will ask me kung ano ba ang gender.

“Alangan namang sabihin kong secret, siyempre proud ako.”

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera will have a 'little Marian'

Sa ngayon, ayon kay Dingdong, patuloy pa rin ang pag-a-adjust nila ni Maria sa buhay-may asawa.

Aniya, “Yung adjustments, hindi pa talaga namin napi-figure out. We take things as they come.

"Wala naman talagang specific plans na dapat ganito, ganyan."

Kamakailan ay naibalita rito sa PEP ang paglipat ng mag-asawa sa kanilang bagong tirahan sa Makati City.

Read: Are Dingdong Dantes and Marian Rivera moving to a new house?


SUPPORTS MARIAN IN NEW SHOW. Samantala, masaya rin si Dingdong para sa upcoming show ni Marian sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma kamakailan ng Kapuso actress na magkakaroon siya ng talk show kasama ang kanyang “kambal” na si Ai-Ai delas Alas.

“Talk show-talk show lang muna. Huwag muna ako umarte-arte muna,” sabi ni Marian bilang pagkumpirma sa napabalitang proyekto nila ng komedyana.

Read: Marian Rivera confirms upcoming talk show with Ai-Ai delas Alas

Todo-suporta naman si Dingdong dito.

Aniya, “Well, matagal na niyang gusto 'yon. I wish her luck.”

Dahil maaaring mag-umpisa ito habang buntis si Marian, umaasa si Dingdong na maiingatan ang kalagayan ng kanyang asawa.

“I hope na magiging very light lang siya, in the sense na hindi siya masyadong mahihirapan.

“But I'm sure the people behind it are considering her safety above anything else,” pahayag ng Kapuso Primetime King.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN