Jennylyn Mercado still evasive about real score with Dennis Trillo

Jennylyn Mercado on pressure of being FHM’s Sexiest Pinay: “Oo naman, kailangan mong maging fit parati. Pag tumaba ka, hindi ka na sexy. Pero yung gusto ko sabihin sa lahat ng tao, hindi lang naman ang pagiging payat ang batayan ng pagiging sexy, di ba?”


Umaapaw sa kaligayahan ang puso ni Jennylyn Mercado nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang ginawa niyang production number at pagrampa sa FHM 100 Sexiest Women of the World victory party noong Sabado, July 11, sa SMX Convention Center.

Si Jennylyn ang itinanghal na Sexiest Pinay ngayong 2015.

Saad ng Kapuso actress, “Iba yung feeling!

"Hindi ko alam kung model ba ako, singer… ano ba?

“Yung umpisa, kinabahan talaga ako.

“Kasi, yun yung unang-unang minuto na tuntong ko sa stage na parang naninibago ako, ‘Nandito na ba ako?’”

Hindi agad nagtilian ang mga manonood nang sumulpot sa entablado si Jennylyn dahil na-mesmerize ito sa kanya. Maliban dito ay nakataas ang mga kamay ng lahat hawak ang kanilang tablets at cell phones.

Napansin niya ba ang reaksiyon ng mga tao?

Tugon ni Jennylyn, “Hindi, e. Masyado akong naka-focus sa performance.

“Kasi kinakabahan ako, e, wala akong nakikita.”

Paano siya naghanda para sa pagrampa niyang ito?

“Wala… wala akong ginawang preparation.

“Kasi itong year na ito, puno na ang schedules ko hanggang December.

“May dalawang pelikula akong ginagawa at isang soap. Tapos meron kang StarStruck.

“So, medyo puno talaga ang sked ko. Wala talagang preparation.”

DENNIS TRILLO. Hindi man nakarating ang ina ni Jennylyn na si Mommy Lydia para panoorin siya, pero hindi naman nawalan ng supporters ang aktres.

Nakangiting sabi niya, “Nandito lahat ng mga bakla. Naku, kumpleto ang mga bakla ko, nandito silang lahat!”

Si Dennis Trillo ba ay inimbita niya?

“Hindi ko siya in-invite,” sagot ng Kapuso actress-TV host.

Anong support ang ibinigay ni Dennis sa kanya? Nag-text ba ito sa kanya?

“Actually, hindi lang naman siya ang nag-text sa akin, marami pa. Nag-text na, ‘Good luck, galingan mo.’”

Maliban sa pagti-text ay nag-post din ng mensahe sa Instagram si Dennis isang araw bago rumampa si Jennylyn.

Dito ay makikita ang malaking billboard ni Jennylyn habang traffic sa EDSA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hi Traffic!😍

A photo posted by @dennistrillo onJul 8, 2015 at 11:15pm PDT

Ano ang masasabi ni Jennylyn sa gesture na ito ni Dennis?

“Siyempre, sweet yung ganung klaseng move. And ever since naman, ganun siya, e.”

Halatang naiilang si Jennylyn kapag tinatanong tungkol kay Dennis, kaya tinanong namin kung nagkabalikan na nga ba sila ng aktor.

Tugon niya, “Wala… maniwala ka.”


SEXIEST PINAY. Malaking pressure ba ang titulo niya ngayong “Sexiet Pinay”?

Sabi ni Jennylyn, “Oo naman, kailangan mong maging fit parati. Pag tumaba ka, hindi ka na sexy.

“Pero yung gusto ko sabihin sa lahat ng tao, hindi lang naman ang pagiging payat ang batayan ng pagiging sexy, di ba?”

May maaasahan bang next cover para sa FHM ang mga kalalakihang fans niya?

Sagot ni Jennylyn, “Yes, pag meron akong time. Nag-promise ako sa FHM na kapag may oras ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN