Sandiganbayan grants Senator Bong Revilla’s request to visit ailing dad in hospital

Nagpasalamat ang kampo ni Senator Bong Revilla sa pagpayag ng Sandiganbayan First Division na personal na mabisita ng detained senator ang ama niyang si Ramon Revilla Sr., na kasalukuyang naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.


Kinatigan ng Sandiganbayan First Division ang mosyon ng kampo ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. na panandaliang makalaya mula sa pagkakaditena upang personal na bisitahin ang ama niyang si former Senator Ramon Revilla Sr.

Isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City si Ramon Sr. dahil sa sakit na “metabolic encephalopathy secondary to dehydration and aspiration pneumonia” noong Sabado, July 11.

Pormal na humingi ng permiso ang kampo ni Senator Bong na magkaroon ng limang oras na furlough—mula 3 P.M. hanggang 8 P.M. ng July 14—upang makita ng actor-politician ang kundisyon ng kanyang ama.

Ayon pa sa ulat ng GMA News Online ngayong umaga, July 14, inaasahang ilalabas ng anti-graft court ang resolusyon ni Sandiganbayan First Division Chairman Associate Justice Efren dela Cruz anumang oras ngayong araw.

Base ito sa pagdinig kanina sa korte na dinaluhan ng legal counsel ni Senator Bong na si Atty. Ramon Esguerra.

"Just as before, the court showed compassion,” pahayag ng abugado.

Sa ngayon, nailipat na sa isang pribadong kuwarto mula sa Intensive Care Unit (ICU) si Ramon Sr.

Ngunit under observation pa rin ang 88-year-old former senator and actor dahil sa sakit nitong “Gram Negative Bacteremia secondary to Urosepsis” o isang uri ng bloodstream infection at “Septic and Metabolic Encephalopathy” o isang uri ng brain malfunction.

Nauna nang inihayag ng spokesperson ni Senator Bong na si Atty. Raymond Fortun na kailangang manatili sa ospital ni Ramon Sr. dahil “nagkaroon ng epekto sa kanyang utak” ang karamdaman nito at upang masiguro na hindi ito ma-stroke.

Read: Detained senator Bong Revilla hopes to visit ailing father in hospital

Paliwanag pa ni Atty. Esguerra tungkol sa pagpayag ng korte na mabisita ni Senator Bong ang kanyang ama: “We told the court simply that we can argue back and forth about what is life-threatening and what is not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But the fact of the matter remains that the former senator is in the hospital, and the condition, according to the doctor whom we have talked to yesterday, is really life-threatening.”

Kasalukuyang naka-detain si Senator Bong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, dahil sa kasong plunder.

Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon na mayroong sapat na ebidensiyang makapagpapatunay na nagkamal diumano ng P224,512,500 si Senator Bong mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Kaugnay ito ng diumano’y pakikipagtransaksiyon ng senador kay Janet Lim-Napoles, na itinuturong utak sa likod ng pagtatayo ng pekeng non-government organizations (NGOs) na tumatanggap ng pera mula sa PDAF ng mga sangkot na senador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN