Meryll Soriano says dad Willie Revillame is not the marrying type

Meryll Soriano reveals the best advice she got from her dad Willie Revillame is to wake up early. “To get things done, you have to wake up early. So, I always keep that in mind. So, I have changed my lifestyle just because of that, when I realized that it’s so right,” she says.


Masaya si Meryll Soriano na nakabalik na sa telebisyon ang kanyang ama na si Willie Revillame sa pamamagitan ng Wowowin sa GMA Network.

Pahayag ng aktres, “I’m very happy for him.

“I mean, he rested for, what, a year and a half. And I know how passionate he is with what he does.

“And I’m just very happy for him that he’s here, back in GMA, because his first show was in GMA.”

Ang noontime show noon na Lunch Date ang unang show ni Willie.

Patuloy ni Meryll, “Yeah. I mean, of course, malaki rin ang pinagsamahan nila with ABS.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meryll sa taping ng GMA drama series na My Mother’s Secret noong Biyernes, July 10, sa Casa Milan, sa Fairview, Quezon City.

IT’S HIS LIFE. Nasasaktan ba si Meryll kapag inuulan ng intriga ang ama niya, tulad ng isyung sugarol ito?

Pahayag ng aktres, “You know, nung bata ako siyempre. Siyempre nung bata ako, nahe-hurt ako.”

Pero hindi ba’t kailan lang naman naisyu ang pagsusugal ng ama niya?

Paglilinaw naman ni Meryll, “Pero kahit anong intriga niya, nung before, siyempre nahe-hurt ako.”

Pero ngayon?

“I guess I’m older, I have grown to understand that his life is his life and that his choices are his choices.

“Of course, some people are, you know, affected by it, because they have love for my father, compassion for my father, and of course I feel the same.

“Of course, I still get affected, but you know, at the end of the day, it really is his life.

“E, he’s the type of person who knows what he’s doing.

“And even if he doesn’t know what he’s doing, he’s king over his own, you know?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s the type of person na gagawin kung anong gusto niyang gawin kasi buhay niya yun.

“And I have learned to respect that and I have learned to see the strength in that.

“Na I don’t judge him because I personally will never understand what he’s going through, what he’s being through.

“So, for me to just, you know, leave it at that.

“Ganun din naman tayo e, we don’t want people to judge us, to get in our business.

“Because I’m independent, I’m an individual, bakit niyo ako papakialaman? Di ba, parang ganun ‘yan, e.

“It’s just magnified sa kanya because he’s very famous, lahat ng…

“Yun naman ang disadvantage ng pagiging celebrity, everybody seems to know what you’re doing, or everybody seems to judge you for what you…

“But he’s a great man!”

DO NOT GET MARRIED AGAIN. Regular ba ang komunikasyon nilang mag-ama?

Sabi ni Meryll, “Paanu-ano naman, minsan palagi, minsan naman... ngayong nag-start ako [sa My Mother’s Secret] busing-busy, tapos gagawa ng oras talaga para dumalaw sa kanya.

“Matanda na din kasi talaga kami. Hindi kagaya dati na masyadong emotional.”

Inamin ni Meryll na hangga’t maaari ay ayaw na niyang mag-asawang muli ang kanyang ama.

“Hindi sa ayoko, I guess he’s just not…

“I don’t even know if it’s a nice thing to say, but I guess he’s not the type of person that, you know, should be…”

In a relationship?

“Not in a relationship, but…”

Na magpakasal muli?

“To get married again.”

So, relasyon lang pero hindi magpapakasal?

“Yeah, because, you know, my father is very complex.

“He’s beautiful like that.

“So, matutuwa talaga ako kung meron siyang mahahanap na babae na tatanggapin iyon nang buung-buo. Di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, he’s a rare flower… he’s beautiful as he stand alone.”

Si Meryll ay anak ni Willie sa dati nitong karelasyon na si Bec-Bec Soriano, kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ang pinakamagandang advice naman daw sa kanya ng ama ay gumising nang maaga araw-araw.

“Iyan ang tumatak sa akin na pinakaimportante niyang nasabi.

“To get things done, you have to wake up early. So, I always keep that in mind.

“So, I have changed my lifestyle just because of that, when I realized that it’s so right.”

Ngayon daw, kadalasan ay gising na si Meryll ng 5:30 ng umaga.

“If you want to be successful in life, you have to wake up early, because you get to do more things," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN