Boy Abunda slams Rhap Salazar’s tweet about artists lip-syncing on TV: "Ano ba ang ginagawa nilang tama na hindi mo ginagawa?"

Kinontra ni Boy Abunda ang naging pahayag ni Rhap Salazar tungkol sa mga artistang nagli-lip-sync sa telebisyon. Sabi ng King of Talk, “Pero doon sa kung hate na totoo, I want to remind Rhap that if you have the freedom to hate artists who lip-sync, you also have the freedom not to watch them, switch off, huwag mong panoorin, walang pumipilit sa ’yo.”


Patuloy na lumilikha ng ingay ang “I hate seeing artists lip-syncing on TV” tweet ng young singer na si Rhap Salazar.

Kagabi, July 13, sa live episode ng Aquino and Abunda Tonight, kinontra ng King of Talk na si Boy Abunda ang pahayag na ito ng young Kapamilya singer.

Sabi ni Boy, “I respect the opinion of Rhap Salazar tungkol dun sa kanyang hatred.

"Pero pag-usapan natin ‘yan mamaya kung anong klaseng hatred ‘yan about artists who lip-sync.

“I disagree though with Rhap.

"Dahil Rhap, alam mo, even the best artists, even the most brilliant singers have to lip-sync depending on the circumstance.

“It’s technical issue sometimes, mikropono ba ito, venue ba ito, sometimes it’s even a health issue.

"Hindi makakakanta but the artist is forced to be in a certain event.

"So, it’s not… It’s not evil. It’s not bad. It’s not treachery.

"Hindi pandaraya ang pag-lip-sync. Kailangan ito sa ilang pagkakataon."

THE WORD ‘HATE.’ Sinupalpal din ni Boy ang gamit na salitang ‘hate’ sa naturang tweet ng 19-year-old singer.

Sabi ni Boy, “But doon naman sa hate, I don’t know kung ano ang ibig sabihin ni Rhap dito sa hate… ito ba ay strong feeling of disgust, hostility ba ito?

“Kinamumuhian ba talaga niya? Or hate na pa-witty ba ito na parang, ‘I hate cockroaches,’ or ‘I hate cola...’ or whatever.

“You know, madalas natin sinasabi ‘yan, I don’t know kung saan naroon si Rhap.

“Pero doon sa kung hate na totoo, I want to remind Rhap that if you have the freedom to hate artists who lip-sync, you also have the freedom not to watch them, switch off, huwag mong panoorin, walang pumipilit sa ’yo.

"Pero kung ang ibig mo sabihin dun sa hate, you know, 'Ay, I can’t stand…'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito na nagbahagi si Boy ng kung ano ang hindi niya kayang maatim.

Aniya, “You know what, I can’t stand, mga kaibigan... I can’t stand performers who lip-sync other peoples’ voices.

"Yun, I can’t stand that."


“REVIEW YOUR BRAND ESSENCE.” Bago matapos si Boy sa kanyang lintaya, nagbigay siya ng payo kay Rhap bilang isa ring talent manager.

Saad niya, “Pero doon naman sa mga non-singers, halimbawa na sabi ng mga fans na pinatatamaan, who are we talking about here?

“James Reid ba ito, Nadine [Lustre] ba ito? Sino ba ang mga pinatatamaan?

“I’m not saying, kasi si Rhap has denied na may pinatatamaan siya, ang sabi niya, opinion niya lamang.”

Dagdag pa ni Boy, “Pero my advice as a manager Rhap is this: Instead of hating, instead of disliking itong mga non-singers who are making it as singers, panoorin mo sila.

“Discover what makes them tick. I mean, review your brand essence, your equity, ano ba ang ginagawa nilang tama na hindi mo ginagawa?

“Because with your enormous talent, Rhap, I’m sure you have a place under the sun.

“But that’s how you make something negative positive.

"Isang opinyon ng isang maliit na manager na katulad ko."

VICE AND LEA. Matatandaang nagbigay na rin ng pahayag tungkol sa isyung ito sina Vice Ganda at Lea Salonga.

Ani Vice, “Do not hate people, ano man ang ginagawa nila.

"Unang-una, wala namang nilabag na batas.

"Why will you hate people na wala naman nilalabag na batas? Hindi naman inapakan ang karapatang-pantao mo.

"Puwede naman sigurong hindi mo magustahan ang sistema pero huwag namang i-hate."

Sabi naman ni Lea, “It doesn't mean naman na hindi ako ang kumakanta and given my track record, I think people know that I can sing.

“Minsan nagkakasakit din, talagang wala kang magagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You can’t cancel the gig kahit one song lang."

Read: Vice Ganda, Lea Salonga speak up on issue about non-singer celebs getting music albums

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din kay Rhap sa kanyang naging opinyon sa mga artistang nagli-lip-sync.

Kabilang na rito ang mag-amang Gary at Gab Valenciano at si Guji Lorenzana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN