Derek Ramsay finds Jasmine Curtis-Smith more attractive than her sister Anne

Derek Ramsay praises Jasmine Curtis-Smith’s acting in their Wattpad episode: "Bagay na bagay sa kanya yung character dito. And she really, really performed well, kasi para siyang tanga, e. And for me, iyon ang pinakamahirap na role, e, yung magmukha kang tanga sa totoong buhay. Siya, kumportableng-kumportable siyang magmukhang tanga, baliw, and gagawin niya."


Pareho nang nakatrabaho at naging leading ladies ni Derek Ramsay ang magkapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith.

Nakasama ni Derek si Anne sa mga pelikulang No Other Woman (2011) at A Secret Affair (2012).

Habang si Jasmine naman ay nakatrabaho ng aktor sa TV5 series na Undercover noong 2013, pero hindi sila nagkaroon ng love angle dito.

Ngayon ay magkatambal at magka-loveteam sila sa latest episode at Season 4 opener ng mini-series na Wattpad Presents Unwanted Girlfriend, na mapapanood sa loob ng dalawang linggo, mula Hulyo 20 hanggang 31.

Kaya naman sa presscon ng Wattpad Presents Unwanted Girlfriend na naganap ngayong Martes, Hulyo 14, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, natanong si Derek kung ano ang similarities at differences nina Anne at Jasmine.

Saad niya, “The similarities, they’re both beautiful, but beautiful in different ways.

“Ako nga sinabi ko na, ‘Sorry na lang, Anne, but I find Jasmine prettier.’ I find Jasmine more attractive.

“They’re both beautiful women, they’re both talented.

“Similarities? They both can’t sing. Ooops, I did it again!” biro ni Derek kay Jasmine.

“No, your sister can sing now.

“Hindi, kasi talaga namang sa umpisa, grabe ang sakit sa tenga ng boses ng kapatid mo.

“Ngayon, kaya ko nang pakinggan ang kapatid mo, mahusay na.

“Pero sa iyo… this is a fact, habang nasa set kami ng Wattpad, kumanta si Jasmine, bumagyo!”

Depensa naman ni Jasmine, “Kasi naman there was a forecast na babagyo.”

Singit ulit ni Derek, “Pero gloomy siya the whole time. Tapos, boom!

“Kumanta si Jasmine, bam! Tumigil yung kanta, tumigil ang ulan.

“’O, take na tayo!’ Kumanta ulit si Jas, boom!”

Nang magseryoso si Derek, alam niya raw na mahirap para kay Jasmine na sundan ang achievements ng Ate Anne nito, gayundin ang patuloy na pagkukumpara sa kanila.

“It’s very hard to follow the footsteps of somebody like Anne, one of the biggest names in the industry, one of the talented actresses and most versatile actresses that we have out there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anne is definitely going down to the books being an iconic celebrity, just like Vilma Santos, because of her influence to so many people.

“And for Jasmine to follow those footsteps, it’s a very hard task.

“I’m sure she wants to differentiate herself from such a big or well-known actress like Anne.”

Pero nakikita naman daw ni Derek ang pagsisikap ni Jasmine na makagawa ng sarili nitong pangalan sa industriya.

“She’s doing a good job. She’s showing that she can hold her own, she has her own talent, she has her own way.

“And pinapakita niya na hindi lang siya pang-TV, pinapakita niya na she’s also pang-theater.

“I don’t think Anne has jump into theater or have the guts to do theater.

“So, I can see that Jasmine is not just riding on the name of her sister.

“She’s really creating her own name and she’s a well-known celebrity in her own way.

“I think she will reach the path of her sister or ever surpass it."

Sabi pa ni Derek kay Jasmine, “I’m sure your sister will be very proud if you do accomplish that.

“And I’m sure she is supportive in a way that she would love to see that.

"Yeah, she’s doing very well for herself."

Ang tinutukoy ni Derek na pagsabak ni Jasmine sa teatro ay ang unang stageplay ng aktres na No Filter: Let’s Talk About ME.

LOVE ANGLE. Dream come true daw para kay Derek na makagawa ng Wattpad Presents episode.

Pero inamin ng aktor na noong una ay hindi niya naisip na magiging posible na magkaroon sila ng love angle ni Jasmine sa isang serye.

“Siguro, when I was given this chance to be a part of Wattpad, sabi ko nga sa kanila, sa TV5, na sana makapag-participate naman ako sa isang episode ng Wattpad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And the only person we could think of na talagang puwedeng i-partner sa akin was my little sister Jasmine.

“I know it’s going to be difficult in the sense na I have to get over that obstacle na she is my little sister.

“Pumupunta iyan dati sa bahay ko [with Anne], maliit pa. Nakita kong lumaki iyan.

“So, it’s kinda weird and strange but, I think, it is the right time already.

“They thought of partnering us last year or the year before that.

“And I was like, ‘Hindi ko talaga kaya.’”

Patuloy ni Derek, “We did a show before na Undercover, na may parang magkaka-love angle kami ni Jas, but that quickly died because isang tingin, parang… [nag-pretend si Derek na parang nasusuka]. Parang incest.

“It’s very difficult coming to the set.

“But Jas, once the camera’s rolling, she gets into her character and bagay na bagay sa kanya yung character dito.

“And she really, really performed well, kasi para siyang tanga, e.

“And for me, iyon ang pinakamahirap na role, e, yung magmukha kang tanga sa totoong buhay.

“Siya, kumportableng-kumportable siyang magmukhang tanga, baliw, and gagawin niya.

“That made my job a lot easier na yung role ko was to fall in love with her.

“Thank God, hindi kami nag-kissing scene. Next year na lang, ‘no!

“But it was a lot of fun working with Jasmine and I’m sure we’re gonna get future projects together.

“She’s really, really developing as an actress, she won a couple of awards and she’s been getting better and better.

“She’s jumping into new things to hone her skills, to better her craft. She’s into theater now.

“Minsan kapag nasa set kami and may time kaming magpahinga, si Jasmine is memorizing monologues and she’s talking to herself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Again, para kang tanga, para kang baliw. But that’s the professional that she is.

“I’m very fortunate to be paired with a new leading lady again. And, yes, it was fun.

“Natawid naman siguro namin, even though it was awkward.

“In character kami, pagkalas, makita mo [parang nasusuka kami]. Ano ba iyan? Buti na lang hug scene lang.

“There’s a mixture of reactions on my social media but more on na bagay, more on may chemistry.

“But may mga comments din na parang weird—from Anne daw, now it’s Jas.”


TEAMUP IN A MOVIE. Ngayong nakagawa na sila ng proyekto sa telebisyon, bukas din daw si Derek na makatambal si Jasmine sa isang pelikula.

Sabi niya, “That would be nice. I’m sure we’ll have a blast.

“I’m excited just the mere thought na puwede kaming gumawa ng pelikula together.”

Handa na rin ba siyang maging “taga-binyag” ni Jasmine pagdating sa kissing scene?

Natawa muna si Derek bago sumagot, “Let’s see, let’s see. Puro hug pa lang ang ginawa namin.

“Siguro pag ready na rin siya. Malay mo next year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN