Lovi Poe bitten by her own dog; gets anti-rabies vaccination


Kinagat ng kanyang aso ang Kapuso actress na si Lovi Poe kaya anim na shots ng anti-rabies vaccine agad ang ibinigay sa kanya nang isinugod siya sa ospital.

Nangyari ang insidente noong Biyernes, July 10.

Apat ang alagang aso ni Lovi, at isa rito ang napikon sa isa pa niyang aso. Dahil sa away ng dalawang aso ay nakagat ang aktres.

Kuwento ni Lovi sa 24 Oras, “Napikon yung isa kong dog, si Seth. So, in-attack niya si Señor.

“Nagkataon na tumalon sa akin yung dog. Hindi niya alam na ako ang nakagat nang twice.”

Isang Maltese breed si Señor at Shih Tzu naman si Seth.

I love you señor ❤️

A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) onJul 10, 2015 at 10:25pm PDT

Mabuti na lang daw at kasama ni Lovi noong araw na iyon ang kanyang boyfriend na si Rocco Nacino, na isang registered nurse.

“Mabuti na lang at kasama ko si Rocco, who is a nurse. He told me what to do.

“Nilinis namin yung sugat bago kami pumunta ng hospital.”

Nag-post pa nga si Rocco sa kanyang Instagram account ng photo nila ni Lovi habang nasa emergency room.

Nilagyan ito ni Rocco ng caption na: “My poor baby… Got bitten by Señor and Seth’s altercation. Straight to the hospital now…”

My poor baby.. Got bitten during Señor and Seth's altercation ðŸ˜"straight to the hospital now..:(

A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) onJul 10, 2015 at 10:10am PDT

Kahit nakagat si Lovi ng aso, sumipot pa rin siya sa musical-variety show na Sunday All Stars at nag-taping para sa upcoming primetime series na Beautiful Strangers.

Kasama rin ni Lovi sa Beautiful Strangers sina Rocco, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Benjamin Alves, at Heart Evangelista.

Hindi pa tapos ang pagpapagamot ni Lovi dahil kailangan niyang bumalik siya sa ospirtal para sa ilan pang injections pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN