Anne Curtis on issue about non-singers who lip sync on TV: “Hindi ako nagli-lip sync!”

Anne Curtis says non-singers like her should not be affected by bashers, “Basta aminado ka naman na hindi ka talaga singer, okay ’yon. Siyempre, iba rin naman talaga yung sasabihin mo na singer na singer ka na, mayroong mao-offend talaga.”


Dahil mainit ang usapin ngayon tungkol sa pagli-lip sync ng non-singers, hindi naiwasan ng entertainment reporters na tanungin si Anne Curtis tungkol dito.

Si Anne ay kilala sa pagpipilit kumanta kahit na aminado siyang hindi ganun kaganda ang boses niya.

Ngunit sa kabila nito ay nagkaroon siya ng music albums at nakapag-stage pa ng malalaking concerts dito sa Pilipinas at sa abroad.

Sa ginanap na launch ng kanyang bagong mobile game application, ang Anne Galing, kagabi, July 15, natanong ang It's Showtime host kung naapektuhan ba siya sa kontrobersiyal na pahayag ng young singer na si Rhap Salazar tungkol sa non-singers na nagli-lip sync sa musical-variety shows.

Natatawang sagot ng Kapamilya star, “Hindi ako nagli-lip sync!

"Alam naman ng lahat ng tao 'yon. Kaya abangan n'yo, baka magka-game pa ako nun!"

Sa katunayan, hindi naman daw siya naapektuhan sa sinabi ni Rhap.

“Wala. Wala naman akong masasabi kasi masaya naman, e.

“Basta mayroon akong napapasaya, okay na ako doon, okay naman, e.”

Bagamat hindi apektado, sinabi ni Anne na kailangan pa ring respetuhin ang opinyon ng iba.

“You just have to respect other people's opinion.

“'Tapos, sa mga katulad ko na nahe-hurt, huwag kayong magpaapekto, part na 'yon. Pinagdaanan ko na 'yan.”

Diin pa niya, “It's more like... basta aminado ka naman na hindi ka talaga singer, okay 'yon.

“Siyempre, iba rin naman talaga yung sasabihin mo na singer na singer ka na, mayroong mao-offend talaga.”


ART OF DEDMA. Sa dami ng kanyang mga natanggap na masasakit na salita mula sa publiko, natutunan na raw ni Anne na huwag na lamang bigyang-pansin ang mga ito.

Sabi niya, “Hindi na ako naaapektuhan.

“Sa dami ng pinagdaanan ko sa business na 'to, hindi na talaga ako naaapektuhan.

“I don't really mind them anymore kasi part na 'yon, e.

“Dati napagdadaanan ko yung galit, magagalit ka, maiiyak ka o mahe-hurt ka. Then, ano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, wala na, dedma ka na lang.

“Nakakatawa na nga lang minsan yung mga nababasa.

“So now, it's more of guiding the people that I love, who are new in the industry and hindi pa nila nakakaya yung mga bashings.”

Sa huli, nag-iwan din siya ng mensahe sa mga bashers: “I hope that netizens, especially with everything happening now, it's not too late to change.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN