Senator Bong Revilla speaks about emotional reunion with ailing father Ramon Revilla Sr.

“Ito po ay isang tunay na makataong hakbang sa panig ng Sandiganbayan. Dahil sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin, nakita ko ang kaligayahan sa mukha ng aking ama," says Senator Bong Revilla, who’s grateful to Sandiganbayan First Division for granting his request for furlough to visit his dad Ramon Revilla Sr. at St. Luke’s Medical Center, Taguig City.


Nagpasalamat si Senator Bong Revilla sa “makataong hakbang” ng Sandiganbayan First Division na payagan siyang bisitahin ang kanyang maysakit na amang si former Senator Ramon Revilla Sr. sa ospital.

Ito ay sa kadahilanang naging emosyunal ang pagkikita ng mag-ama sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City, kahapon, July 14.

Ayon kay Senator Bong, malaking bagay ang limang oras niyang furlough o pansamantalang paglaya mula sa pagkakaditena upang makapiling niya si Ramon Sr., na mayroong pneumonia at dumanas ng dehydration.

Napag-alaman din ng doktor ng nakatatandang Revilla na mayroon itong “Gram Negative Bacteremia secondary to Urosepsis” o isang uri ng bloodstream infection at “Septic and Metabolic Encephalopathy” o isang uri ng brain malfunction kaya ito na-confine sa ospital mula noong Sabado, July 11.

Read: Sandiganbayan grants Senator Bong Revilla's request to visit ailing dad in hospital

Ngunit kahit papaano ay bumuti umano ang kundisyon ni Ramon Sr. nang magkita sila ng anak niyang senador kahapon.

Sabi pa ni Senator Bong sa isang bahagi ng kanyang opisyal na pahayag: “Ito po ay isang tunay na makataong hakbang sa panig ng Sandiganbayan.

“Dahil sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin, nakita ko ang kaligayahan sa mukha ng aking ama.

“Nasulyapan ko ang ngiti sa mga labi niya. Nabanaagan ko ang bahagyang pagbabalik ng lakas niya at ganang kumain.

“Para sa isang anak, napakalaking bagay po nito.”

Nagpasalamat din si Senator Bong sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya sa gitna ng kinahaharap niyang kasong plunder.

Sa kasalukuyan ay nakaditena ang senador sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Sabi pa ng actor-politician: “Nagpapasalamat din ako sa marami nating mga kababayan na patuloy na nagdarasal para sa aming ama, para sa aming pamilya, at para sa inyong lingkod.

“Dumaraan po kami sa matinding pagsubok na hindi kayang pasanin ng isang tao sa pamamagitan ng sariling lakas lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Humuhugot po kami ng lakas mula sa inyong mga dasal, at pakikiisa sa amin sa mga sandaling ito.”

FULL STATEMENT. Narito ang kabuuan ng opisyal na pahayag ni Senator Revilla na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

“Marami po akong dapat na pasalamatan sa pagkakataong ito.

“Una, maraming salamat sa mga mahistrado ng Sandiganbayan sa pahintulot na ibinigay nila sa akin para dalawin ang aking ama.

“Ito po ay isang tunay na makataong hakbang sa panig ng Sandiganbayan.

“Dahil sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin, nakita ko ang kaligayahan sa mukha ng aking ama. Nasulyapan ko ang ngiti sa mga labi niya. Nabanaagan ko ang bahagyang pagbabalik ng lakas niya at ganang kumain. Para sa isang anak, napakalaking bagay po nito.

“Nagpapasalamat din ako sa marami nating mga kababayan na patuloy na nagdarasal para sa aming ama, para sa aming pamilya, at para sa inyonh lingkod.

“Dumaraan po kami sa matinding pagsubok na hindi kayang pasanin ng isang tao sa pamamagitan ng sariling lakas lamang.

“Humuhugot po kami ng lakas mula sa inyong mga dasal, at pakikiisa sa amin sa mga sandaling ito.

“Patuloy po ninyo kaming isama sa inyong mga panalangin.

“Muli, sa ngalan ng aming pamilya, maraming salamat po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN