Wenn Deramas willing to help Jiro Manio up to a point: "Hindi kami ang mag-aahon... wala kaming magagawa pare-pareho kung ayaw mo."

Direk Wenn Deramas as a parent is affected by unsavory news about some teen stars lately. He says, "Kaya ako, bilang magulang, sobrang tutok sa mga anak ko para ’di mapunta sa mga ganun. Ang lahat ng ito ay alleged... hindi natin definitely puwedeng isisi sa bata, ang daming factors... sana huwag tayong dumagdag dun."


Ang direktor na si Wenn Deramas pala ang unang naka-discover kay Jiro Manio noong tatlong taong gulang pa lang ang dating aktor.

Nabigyan ng magagandang proyekto si Jiro ng ABS-CBN, at kabilang nga rito ang tatlong installments ng Ang Tanging Ina na idinirek ni Wenn.

Lahad ni Direk Wenn, “Trivia lamang ano... kailangan ko kasi ng talent na hawak-hawak lagi ni Eula Valdes sa Wansapantaym.

“Ang bida dun ay si Serena Dalrymple [Bata, Bata Paano Ka Ginawa?]… naghanap ako among sa mga nakakalat na bata dun.

“Nung nakita ko siya [Jiro], nakyutan kaagad ako, chinito, ang liit-liit, three years old, hindi pa masyado marunong magsalita.

“'Halika nga,’ sabi kong ganun sa kanya, ‘marunong kang umarte?’ Tumango lang...

"The whole episode of Wansa, hawak-hawak lang siya ni Eula.

"Ampon siya ni Eula… ang character kasi ni Eula, mahilig mag-ampon.

“Then, maya’t maya na... Wansapanataym, hanggang gawin ko nang bida, hanggang sa napansin ng MMK [Maalaala Mo Kaya].

“Ginawa siyang bida sa Otosan, napakahusay pala talagang artista, then Tanging Ina."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn sa thanksgiving presscon ng idinidirek niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Flordeliza, kahapon, July 14.

EARLY SIGNS. Sa shooting ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To) noong 2010, napansin na raw ni Direk Wenn na tila may problemang pinagdadaanan si Jiro. Pero hindi raw siya nagkarooon ng pagkakataong makausap ito.

“Alam ninyo naman ang kuwento ng Tanging Ina na nakalakihan nila… nakikita mo kasi may interval.

“From nine [years old] siya nung Tanging Ina, nakikita mo na, ‘Hmmm, pilyo.’

"Tapos sa Tanging Ina 2, ‘Ay, mayroon nang ganito.’

Tanging Ina 3, nawawala-wala na siya, sisipot, ‘di sisipot... may problema na itong batang ito."

Patuloy ng TV-movie director, “Kaya ganun na lang ka-affected si Ai-Ai [delas Alas] kasi talagang naging parang anak niya ang mga ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“From 2003 to 2010, nanay siya ng mga ‘yan, maganda ang relasyon nila.

“Basta ang huli naming ginawa was Tanging Ina 3, that’s it.

“Pagkatapos nun, walang naging contact, walang contact at all, five years ago yun.”


TOO MUCH. Ayon pa kay Direk Wenn, sobra siyang nanghihinayang sa nangyari kay Jiro, lalo’t isa ito sa mahuhusay na aktor na nakatrabaho niya.

"Sa Tanging Ina Part 2, sa kanya ko ibinigay ang pinakamabigat na eksena with Ai-Ai.

"Naniniwala talaga ako sa galing ng bagets.

“Sa akin, may takot ‘yan, e. Kahit anong gulo nila, ‘pag ako na ang nagalit sa set, tumitino ang mga ‘yan.

“Sayang lang talaga."

Saad pa ni Direk Wenn, "Ako, naniniwala ako na siguro ang childhood ang foundation ng lahat.

“Kung maganda ang childhood, maganda ang paglaki... yun yata ang nakalimutan ng mga taong kasama niya.

"Maaga rin siyang pinagtrabaho at hindi ipinaliwang na ‘di mo kailangang magtrabaho.

“Ilabas mo ang talent mo kung gusto mo, pero kung hindi, walang dapat pumipilit sa iyo.

“Ang nangyari yata kay Jiro, maaga siyang nagkaroon ng lahat ng bagay, too much of everything."

Isa sa nagpakita ng malasakit kay Jiro ay ang ina nito sa Ang Tanging Ina na si Ai-Ai delas Alas.

Nagpahayag din si Marvin Agustin na handa niyang bigyan ng trabaho ang aktor basta magpasabi lang ito sa kanya.

Tinanong ng PEP si Direk Wenn kung handa ba siyang bigyan din ng tulong si Jiro kung lalapit ito sa kanya.

Tugon niya, “Lagi naming pinag-uusapan ni Marvin, ang pagbabago, nanggagaling sa sarili.

"So, kapag ipinakita mo na gusto mo nang magbago, ready ka na, tutulong kami.

“Pero hindi kami ang mag-aahon sa iyo kasi wala kaming magagawa pare-pareho kung ayaw mo.

"Pero kung gusto mo, nandito kami.”


TEEN TROUBLES. Kaugnay ng problemang pinagdaraanan ni Jiro, nagbigay rin ng pahayag si Direk Wenn sa mga isyung kinasasangkutan ng ilang teen stars ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang na rito ang pagkalat ng mga photo at video scandal ng diumano'y mga kabataang artista, at ang pagpapakamatay ng isang teen star.

Sa opinyon ni Direk Wenn, hindi kasagutan ang pagpapakamatay para masolusyunan ang mga problema.

Saad niya, “Magpapakamatay? Mali.

"Ginawa mo, panindigan mo, kung totoo ‘yan, ha.

“Ang lahat ng ito ay alleged... kung totoo, tapangan mo.

“Matapang mong ginawa, tapangan mo pa, kasi hindi diyan nagtatapos ang buhay. Baka may magandang maidulot ‘yan.

"Dun ako naniniwala, wala tayong karapatan saktan ang sarili natin or manakit ng ibang tao.

“Mayroon akong panukalang-batas sa sarili kong ganun.

“Well, hindi natin alam talaga ang mga ginagawa ng mga kabataan sa ngayon.

"Kaya ako, bilang magulang, sobrang tutok sa mga anak ko para hindi mapunta sa mga ganun.

“May mali, hindi natin definitely puwedeng isisi sa bata, ang daming factors kung bakit nagagawa.

“Sana huwag tayong dumagdag dun, sana huwag tayong makinood, yung link i-delete natin kaagad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN