Angeline Quinto admits Erik Santos is the closest guy in her heart; denies that they’re officially together

Angeline Quinto on real score with Erik Santos: "Ayaw ko namang pangunahan ang lahat. Yung sa amin ni Erik, ayaw naman naming ipaalam sa lahat kung ano pinag-uusapan naming personal. Si Erik, alam kong naiintindihan nila ako, kung anuman ang dahilan o rason ko, kung bakit ’di pa kami, siya na po ang bahala."


Ano ba ang talaga ang namamagitan kina Angeline Quinto at Erik Santos?

Ito ang tanong na hinananapan ng kasagutan ni Luis Manzano noong sabay na naglaro sina Angeline at Erik sa Kapamilya: Deal Or No Deal.

"Kung anong meron sa inyo ni Angel," tugon ni Angeline patungkol sa girlfriend ni Luis na si Angel Locsin.

Hindi na gaanong nag-elaborate si Angeline at maging si Luis.

Pero sa mga manonood, ito ay maliwanag na senyales at hindi direktang pag-amin na may relasyon ang dalawang Kapamilya singers.

CLOSEST GUY. Sa presscon para sa concert nina Angeline at Erik, ang Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum, noong July 14, nagpaliwanag ang "Queen of Theme Songs" sa naging pahayag niya kay Luis sa Deal Or No Deal.

Sabi ni Angeline, "Kung anuman meron sa kanila ni Angel, kasi espesyal sila sa isa't isa, parang ganun din po kami [ni Erik].

"Kasal? Parang hindi pa naman kami aabot sa ganun.

"Sa ngayon, he is the closest [guy] sa akin, oo naman."

Bakit ba pinaghihintay pa ni Angeline nang matagal si Erik bago niya ito sagutin?

Saad niya, "Alam niyo, marami nga ang nagtatanong sa akin.

"Minsan nga, may ibang taong nagagalit na sa akin, kung pinaghihintay ko si Erik nang matagal.

"Pero alam niyo, ayaw ko namang pangunahan ang lahat.

"Yung sa amin ni Erik, ayaw naman naming ipaalam sa lahat kung ano pinag-uusapan naming personal.

"Si Erik, alam kong naiintindihan nila ako, kung anuman ang dahilan o rason ko, kung bakit 'di pa kami, siya na po ang bahala."

DENIAL. Hindi pa ba talaga sila ni Erik, o baka naman itinatago lang ito?

"Hindi pa po kami,” giit ng Kapamilya singer.

"Kasi, tulad nga ng nasabi ko, ayaw ko namang pilitin na maging kami.

"Ayaw ko naman kasi na yung tipong 'pag sa relasyon, e, hihigpitan po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa ako ready sa ganun."

Ibig bang sabihin nito ay naranasan na niya ang higpitan ng nakaraang karelasyon niya?

Sagot ni Angeline, "Sobra, pero parang... si Erik naman po, hindi naman po siya ganun.

"Sana makatagal pa siya.

"Kung maging kami, hindi naman namin yung itatago sa inyong lahat."

Meron ding nagsasabing si Angeline daw ang patay na patay sa kapwa Kapamilya singer.

“Alam naman niya yun!" mabilis na tugon ni Angeline sa tonong pabiro.

Hindi rin niya ikinaila na nagpapalitan na sila ng 'I love you' sa isa't isa, pero pinaninindigan talaga ni Angeline na hindi pa sila officially together ni Erik.

"Siguro, sa tingin ng iba, ganun. Pero sweet lang po talaga ako."

Ano naman ang reaksiyon niya kapag nag-a-'I love you' sa kanya si Erik?

Pabiro pa ring sumagot si Angeline, "Who's this?"

Pero sabi naman ni Erik, ang sagot daw niya ay: "I love you more."

At ang tugon ni Angeline: "E, di I love you... too."


LOVE LANGUAGE. Ano ba ang 'pabebe' na ginagawa ni Angeline sa kanyang rumored boyfriend?

Sagot niya, "Pinapapunta ko siya sa bahay. Nagaluto [siya para kay Erik].

"Kain... 'di ako, ang hilig ko talaga ang magluto.

"Pag wala siyang schedule, sabi ko sa kanya, 'Pogs, anong gusto mong food?'

"Hilig niya talaga ay seafoods pasta."

Pero para kay Erik, ang kare-kare ang pinagusto niyang niluto sa kanya ni Angeline.

Sumang-ayon si Angeline.

“Opo, natutunan ko po yun sa tatay ko."

SWEET ERIK. May pagkakataon naman daw na ipinararamdam sa kanya ni Erik kung gaano siya kahalaga dito.

Kuwento ni Angeline, "Ako kasi yung tipo ng tao na konting bagay lang ang nagawa para sa akin, sobrang naa-appreciate ko.

"Yung every time na nagkakasakit ako, pumupunta siya sa bahay namin.

"Tapos, yung effort na yun na kahit malakas ng ulan, pumupunta siya sa bahay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nang mamatay ang tatay ko, wala na pong ibang espesyal na lalaki sa akin, so si Erik po ang pumalit."

Pagkatapos nito, pabirong tinanong ni Angeline si Erik na katabi niya: "Mukha ka na bang tatay?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN