Veteran actor Pocholo Montes loses battle with COPD

Known for his police and father roles in the big screen and TV, veteran actor Pocholo Montes lost his battle with chronic obstructive pulmonary disease yesterday, July 15.


Pumanaw na ang beteranong aktor na si Pocholo Montes dahil sa sakit na chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Siya ay 69 years old.

Ilang linggo ring na-confine sa ospital si Pocholo dahil sa naturang sakit at ibang kumplikasyon tulad ng “infection” at “pneumonia.”

Ngunit binawian siya ng buhay kahapon, July 15, base sa Facebook post ng anak ni Pocholo na si Franz Josef Montes.

Ani Franz, “I would like to thank everyone and ask again for prayers for the soul of my Papa. He is now with God in heaven!”

Isinagawa ang cremation ceremony para kay Pocholo ngayong araw, July 16, habang ang interment ay nakatakda sa July 23.

Ilan sa mga TV series sa ABS-CBN at GMA-7 na kinabilangan ni Pocholo ay ang mga sumusunod: Kailangan Ko’y Ikaw (2013), Angelito Batang Ama (2012), Momay (2010), Marimar (2007), Daisy Siete (2006), at Pangako Sa ‘Yo (2000).

Bilang character actor, nakilala siya sa kanyang pagganap bilang pulis, heneral, o opisyal ng gobyerno sa mga pelikula tulad ng Yamashita The Tiger’s Treasure (2001), Tawagin Mo Ang Lahat Ng Santo (1997), Okidokidok (1996), Romano Sagrado: Talim Sa Dilim (1996).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN